Sunday, June 4, 2017

YOU MUST BE BORN AGAIN

Everybody has no option to enter into heaven but to be BORN AGAIN. You must be BORN AGAIN!
-Apostle Renato D. Carillo

Jesus replied, “Very truly I tell you, no one can see the Kingdom of God unless they are BORN AGAIN.”
-John 3:33 NIV

Yet to all who did receive Him, to those who believed in His name, He gave the right to become children of God – children born not of natural descent, nor of human decision or a husband’s will, but born of God.
-John 1:12-13 NIV

“He saved us, not because of righteous things we had done, but because of His mercy. He saved us through the washing of rebirth and renewal by the Holy Spirit.”
-Titus 3:5 NIV


www.miraclehour.com

HIDING AT THE FOOT OF THE CROSS

We live in a hustle and bustle of the big city called world wherein the busyness of life swallowed us every day and numbers of responsibilities that must be prioritize make us silent but strong, emotional but steady. Our attitude towards others changes little by little and it’s hard for them to understand why we leave and separate ourselves from the crowd. We felt matured in mind and in heart and felt happy about it. We think we’re 25% introvert – weird and crazy but for us it’s our weapon for people not to take us for granted. We keep on working, going and doing but we really want the light to turn red for us to stop, to quit running to and fro. We want to start a business, to invest, to chase a new job, to pursue abroad for us to possibly start a family we’re dreaming. We decided to ignore the person to escape the pain yet the truth remains we can’t stop our heart from beating a beat of love. We keep on searching for the one who will dry up our tears and put bandage to our wounds but we end up doing it for ourselves. We keep on failing yet we keep on learning. We keep on soaring high like an eagle but keep on thinking that sometimes it’s comforting to close our wings and take a walk in the land with a humble spirit. We are overwhelmed by stress, worries and unanswered prayers yet continuing to lift our sword and fight, to close our eyes and kneel. We keep on believing that we are overflowed by blessings yet disturbed by the thought that there’s something lack. We felt sick and weak yet still fighting the good fight of faith. We fight and loose and loose to win and raise our hands in surrender. We never stop searching for the real meaning of our existence and the real future that awaits. And we end up HIDING ourselves at the FOOT OF THE CROSS.

#HeEnabledUsToOvercomeTheWorld

God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com


AT THE CROSS

When I look at myself, there’s no question that I’m overwhelmed at my unworthiness. But when I remind myself of what God’s Word says to me and what His promises are – that He is faithful when I have been faithless and that His kindness and mercy to me are based not on what I have done, but on the righteousness of His Son – Jesus Christ – that’s when I realize that it’s true whether I feel it or not. That’s when I am saved from condemnation. I look around at the family I have, the perfect health and blessings of life I’m enjoying and I think, “I DON’T DESERVE THIS : ( and God the Father reminds me, “It’s not what you’ve done; it’s what MY SON has done for you on the CROSS.”

#ForeverGratefulForTheCross

God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com

ios.florinac@gmail.com

HAPPY BIRTHDAY MOM

For a woman whose heart for the Lord is radical – Mama Elsa, “Happy Birthday and Happy Mother’s Day : )” You filled my childhood memories by your radical love for the Lord by always giving generously to the Church’ missionary work. I remember one time I saw you putting daily savings on a piggy bank, knowing it’s for our schooling fund, but I’m wrong, I saw you opened it after many weeks and go to Church to give it. In the first place, I don’t understand why you’re doing this, but the moment I really fall in love to the Lord, I understand all those crazy things (in the eyes of many) but so precious to the Lord, like what Mary Magdalene did.

Though numbers of typhoon, flood, and earthquake of trials visited our house, you remain committed in giving your best for the Lord.

Though sometimes we your son’s and daughter’s causes you heartbreak and pain, at the end of the day, you still prepared a great meal for us.

Personally, thank you for the constant reminder that I must get out of myself and focus on God and others, finding ways to serve. It’s like a community rent. Just like paying a rent for housing, we should pay rent to our Creator, too, by giving a portion of our time and money and even talent to please Him.

WE LOVE YOU MAMA ELSA, WE ARE ALL CELEBRATING YOUR LIFE! HAPPY BIRTHDAY AND HAPPY MOTHERS DAY : ) MUWAH!

Love,
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com


TAWAG NG KASALUKUYAN

Mangyari sa akin ang ayon sa Iyong mga Salita.
-Lucas 1:38

Simple lang ang buhay ng ina ni Jesus. Ang mga gawain niya ay gaya ng ibang ka-edad niya, natutong magkaroon ng maayos na tahanan para sa magiging asawa sa hinaharap. Walang pagkakaiba ang pamumuhay niya sa karaniwan, at walang ipinahayag sa Kasulatan tungkol dito.

Ngunit may nakatago palang yaman ng biyaya sa karakter ni Maria! Nang sabihin sa kanya ng anghel na ang isisilang niya ay tatawaging “ang Anak ng Dios” ang sagot niya, “Mangyari sa akin ayon sa iyong mga Salita” (Lucas 1:38).

Ang tugon niya ay naglalaman ng lahat ng kailangan ng Dios – isang malinis, simpleng pagpapasakop ng kaluluwa sa Kanyang kalooban. Ito ang sikreto ng malalim na espirituwalidad ni Maria. Isinuko niya ang sarili sa kalooban ng Dios pagkarinig ng pahayag at tumanggap ng biyaya para gawin niya ang nais ng Dios.

Ikaw, ano ang pinapagawa ng Dios sa iyo? Maaaring kahangahanga ito o kaya ordinaryo lang. maaaring isang tapat na pagsunod sa isang utos ng Biblia o matiyagang pagtititiis sa pagsubok.. “Kung anumang loobin ng Dios na iparanas sa atin sa bawat saglit, iyon ang pinakabanal na pangyayari sa buhay” sabi ni Jean Pierre di Causade; isang manunulat noong ika-18 siglo.

Handa ka bang tanggapin ang bawat saglit na may galak at pagpapasakop? Isasagot mo ba sa Panginoon ang sinagot ni Maria sa anghel, “Mangyari sa akin ang ayon sa iyong mga Salita?”

-David Roper

“Matutuhan nawa namin ang masayang sikreto,
Ng pagkalugod sa Iyong kalooban,
Tinatanggap anumang ipadala sa amin,
Mabuti o masama, galak o kalungkutan.”


ANG MALAMAN ANG KALOOBAN NG DIOS AY ISANG KAYAMANAN. ANG GAWIN ANG KALOOBAN NG DIOS AY ISANG PRIBILEHEYO.

PAGKILALA NG PERSONAL KAY HESUS

Kanyang ipinaaalam ang Kanyang mga daan kay Moises, ang Kanyang mga gawa sa mga anak ni Israel.
-Awit 10:3-7

Karamihan ng Cristiano ay mas gustong makita ang Dios ay naghihimala kaysa makisama sa Kanya at pag-aralan ang Kanyang mga daan.

Sabi ng teksto ngayon, ipinakita ng Dios ang makapangyarihan Niyang gawa sa mga anak ni Israel, ngunit kay Moises “(itinuro) ang Kanyang mga daan.” Sinabi sa Exodo 33 ang isang mahigpit na krisis kung kailan pakumbabang nanalangin siya, “Kung ako’y nakatagpo ng biyaya sa Iyong paningin ay ituro Mo sa akin ngayon ang Iyong mga daan” (t.13). Nais niyang makilala lalo ang Panginoon at malaman ang Kanyang mga daan kaysa makikita ng isa pang himala. Kaya pala nakipag-usap ang Dios sa kanya “gaya ng isang taong makikipag-usap sa kaibigan (t.11).

Isinulat ni F.B.Meyer ang tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng mga daan at mga gawa, “Ang mga daan at plano ng Dios ay ipinapaalam lamang sa mga malapit na nakikisama sa Kanya. Ang kongregasyon ay tinuturuan lang ng mga gawa Niya.”

Isang matalinong kaibigan ko, si Jennifer ang natanto ang pagkakaiba nito pagkatapos ng maraming taon sa wheelchair. Isang araw lumuluhang nanalangin, “Panginoon, marami sana akong nagawa para sa Iyo kung ako lang ay  naging malusog.” Malinaw niyang narinig ang tugon sa kanyang puso ng Panginoon, “Maraming tao ang gumagawa para sa Akin, ngunit kakaunti ang handa at kusang makipag-kaibigan sa Akin.”

Kung nais mong mas makilala nang personal ang Dios kaysa makita ang Kanyang mga  himala, masisiyahan ka.

-Joanie Yoder

“Noon ay pagpapala, ngayon ang Panginoon
Noon ay damdamin, ngayon Kanyang Salita lang
Noon bigay na kaloob, ngayon Taga-Bigay
Noon ako’y pagalingin, ngayon tanging Siya lamang.”


ANG PAGKILALA SA DIOS AY HINDI LAMANG MAKITA KANYANG MGA GAWA, KUNDI MATUTUNAN DIN ANG KANYANG MGA DAAN.

PANGHIHINA NG LOOB

Pinaghahanap nila ako upang patayin din.
-1 Mga Hari 19:10

Pinanghihinaan ka na ba ng loob? Naramdaman ito ni Elias. Matagumpay niyang naipakita sa bansang Israel na ang Panginoon ang tunay na Dios (1 Mga Hari 18.) Pero nang pagtangkaan ni Reyna Jezebel ang bahay ni Elias, tumakas ito at pinanghinaan ng loob (1 Mga Hari 18; 19:3.)

Dalawang beses siyang tinanong ng Dios kung ano ang ginagawa niya sa pinagtataguan niya. Sagot ni Elias, “Ako na lamang ang natitira, at pinaghahanap nila ako upang patayin din” (1 Mga Hari 19:9-14.) Takot na takot siya. Nawala na sa isip niya ang kahanga-hangang ginawa ng Dios sa pamamagitan niya. Kahit nagtagumpay si Elias noon, pinanghinaan siya ng loob. Maaari din itong mangyari sa atin.

Hindi tinanggap ng Dios ang pagsuko o ang panghihina ng loob ni Elias. Sa halip, binigyan pa siya ng Dios ng tatlong mahahalagang gawain. Ang totoo, mali si Elias nang sabihin niyang siya na lang ang matitirang matapat na lingkod ng Dios dahil may pitong libo pang natitira (talatang 15-18.)

Marahil tulad ni Elias ay pinanghihinaan rin tayo ng loob. Hayaan nating kumilos ang Dios sa ating buhay (talatang 12) at hindi Niya tayo hahayaang sumuko. Ipakikita Niya ang ating magagawa sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan.

-C.P. Hia

“Nasa Panginoon ang lakas at pag-asa,
Ang kapayapaa’y nasa Kanyang Salita;
Kahit ang pag-asa ay nawawala na,
Alam natin na tayo’y iingatan Niya.”


KUNG GUMAGAWA PARA KAY JESUS, WALANG PANAHON PARA SUMUKO.

PAGKAKAMALI

Sa pamamagitan ng pananampalataya… Lumakas mula sa kahinaan, naging makapangyarihan.
-Hebreo 11:33-34

Noong 1929 hanggang 1939, bagsak na bagsak ang ekonomiya ng Estados Unidos, kaya maraming tao sa bansang iyon ang tumira sa barung-barong. Doon tumitira ang mga napaalis sa kanilang tinitirhan dahil wala nang maibayad. Isinisi ng marami kay Pangulong Herbert Hoover ang pagbagsak ng ekonomiya.

Bago naging Pangulo si Hoover, marami siyang magagandang nagawa. Nagkaroon ng matagumpay na minahan sa Australia at China nang dahil sa kaalaman niya sa pagkilatis ng mga bato at pagmimina. Nanguna din siya sa pagtulong sa mga nangangailangan. Pero nang maging Pangulo, wala siyang nagawa nang magsimulang bumagsak ang ekonomiya noong 1929. Mula noon, kapag pinag-uusapan si Hoover, ang pagbagsak na iyon ng ekonomiya ang pumapasok sa isip ng mga tao.

Kahit nakagawa ng malaking pagkakamali ang isang tao, hindi nangangahulugan na bagsak na siya sa buong buhay niya. Paano kung ang naalala lang natin ay ang mga pandaraya ni Abraham (Genesis 12:10-20), ang pagsuway ni Moises (Mga Bilang 20:1-13) at ang pagpatay ni David (2 Samuel 11)? Sa kabila ng mga kasalanang ito, naaalala sila sa matatag nilang pananampalataya (Hebreo 11:33-34).

Hindi isang kabiguan ang buhay natin kung tayo’y magsisisi sa kasalanan. Maaari pa rin tayong gamitin ng Dios para Siya ay mapaglingkuran.

-Dennis Fisher

“Ang mga natutunan sa pagkakamali,
Sa pagtatagumpay ito nauuwi,
At kung ito’y bibigyang pansin,
Ang kamalia’y makatutulong sa atin.”


MADALAS TAYONG NATUTUTO SA PAGKAKAMALI.

TONSILITIS JONES

Sa Antioquia, ang mga alagad ay pinasimulang tawaging Cristiano.
-Gawa 11:26

Isang eksperto sa sikolohiya ang naka-obserba na may masamang panghabang-buhay na epekto sa mga bata ang kanilang pangalan. Ito ay nangyari sa kaso ng isang batang pinangalanan ng mga magulang na Tonsilitis Jones. Nagkaroon siya ng problema sa eskuwela at naulit pa nang nagtangka siyang pumasok sa Navy.

Mula sa personal na karanasan ko, ang ating pangalan ay may epekto sa sariling damdamin, maging sa ating ugali. Dahil ang ama ko ay kilalang mangangaral sa pangalang De Haan, pakiramdam ko, mas mataas ang inaasahan sa akin kaysa sa mga kapatid ko. Ngunit ang apelyido namin ay nakatulong na magpaalaala ng mabubuting pananaw na siyang pumapatnubay sa akin.

Ayon sa ating susing talata, unang tinawag na Cristiano ang mga disipulo ni Jesus sa Antioquia. Ito’y pangalan na di na mapabubuti pa dahil ipinakilala na nito ang mga mananampalataya na tagasunod ni Jesu-Cristo. At isang karangalan na ang pangalang ito ay nakakawing sa Anak ng Dios, ang ating Tagapagligtas at Manunubos. Dapat mahubog nito ang paraan ng ating pamumuhay para unti-unting umayon o maparis sa paraan ng pagsasalita at asal ni Jesus.

Kung gusto nating matawag na Cristiano, mamuhay nang karapatdapat sa pangalang ito.

Isinulat ni: Richard De Haan

“Matulad nawa sa Iyo, o Manunubos
Mithiing laging idinadalangin
May galak na itaya lahat kong yaman
Matulad lang, O Jesus sa Iyong kagandahan.”


ANG CRISTIANO AY PUWEDENG MAGING BIBLIANG BUHAY O MAPANIRA NG BUHAY.

TALAGANG GANYAN

Kayo’y magsikap na kasama ko sa inyong mga panalangin sa Dios para sa akin.
-Roma 15:30

Sa librong Dear Zoe, sinulat ni Maz De Pree, “Ang paraan ng paglalagak ng problema sa Panginoon ay paghingi ng tulong sa mga tao Niya.”

Bago siya lumipad sa Europa, nalaman ni Max na buntis ang anak niyang babae, ngunit may hidwaan silang mag-asawa. Natuwa siya pero nalungkot din sa pananalangin para sa anak.

Kinabukasan, ipinagtapat niya sa matalik na kaibigang si David Hubbard, na nag-aalala siya sa kanyang pagpunta sa Europa. Hiniling niya kay David na kung maaari ay alamin lagi ang nangyayari sa anak – tawagan o bisitahin ito kung kailangan. Tiniyak ni David na gagawin niya ito. Gumaan ang loob ni Max ngunit naguluhan, kaya nagtanong kay David, “Bakit kaya mas magaan ang loob ko ngayon kaysa kagabi nang ilagak ko siya sa Dios?” Mahinahon at may pagmamahal na sagot ni David, “Ganyan kung paanong gumawa ang mga sangkap sa katawan ni Cristo, dumedepende sa isa’t isa.”

Malawak at malalim ang pagkaunawa ni Pablo sa katotohanang ito. Sa nagbabantang pagharap sa posibleng pag-uusig ng mga hindi mananampalataya sa Jerusalem, hiniling niya na damayan siya sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng pananalangin na siya’y maligtas sa kanilang pagsalungat (Roma 15:30-31.)

Panginoon, tulungang magpakumbaba at humingi ng tulong sa Iyong mga anak.

Isinulat ni: Dennis De Haan

“Ibinibigay ng Dios ang ating pinakamahigpit na pangangailangan sa pamamagitan ng kapwa Cristianong malalapitan. Sila, na handang tayo’y tulungan. Sila na mga lalaki’t babaeng kapatiran.”

Dalhin ninyo ang mga pasanin ng isa’t isa, at sa gayon ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.

-Galacia 6:2

SALUNGAT SA MALI

Kayo mga minamahal, patatagin ninyo ang inyong sarili sa inyong kabanal-banalang pananampalataya, manalangin sa Espiritu Santo; ingatan ninyo ang inyong sarili sa pag-ibig ng Dios.
-Judas 1:20-21

Sabi ni Saul Gellerman sa aklat niyang How People Work (Paanong Gumawa Ang Tao), “Ang paglutas ng mahihirap sa problema sa opisina o sa negosyo ay maaaring mangailangan ng kasalungat na ideya sa dati nang mga pamamaraan.”

Mga tagapayong nagtataguyod ng ganitong kaisipan ay isang simpleng pagpapatibay sa payo ni Jesus. Paulit-ulit na inudyukan Niya ang mga tagasunod na gawin ang tama kaysa sundin ang sariling gusto o kutob ng loob.

Sabi ng sarili, “Gusto ko iyan.” Sabi ni Jesus, “Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap” (Gawa 20:35.) Sabi ng makasariling likas, “Ako muna.” Sabi ni Jesus, “Ang huli ay mauuna at ang una ay  mahuhuli” (Mateo 20:16.) Sabi ng kutob ng loob, “Bubuti ang aking pakiramdam kung makapaghihiganti ako.” Sabi ni Jesus, “Gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo” (Lucas 6:27.)

Ang pagkagusto sa isang bagay ay hindi ibig sabihing mabuti ito. Ang pagkakamit ng isang bagay ay hindi nagpapa-importante rito. At ang pagkakaantig ng damdamin ay hindi pinagiging tama ito. Tulad ng isinulat ni Judas, ang pagsunod sa sariling gusto at kutob ay nagre-resulta ng gulo at pagkakahati-hati (1:18-19.)

Ang magagawa ay maging espirituwal, hindi sinusunod ang natural na likas. Ang totoo, Dios lang ang makapagbibigay ng espirituwal na kalakasan.

Isinulat ni: Julie Ackerman Link

“Nais kong lalong-lalo pa,
Na si Jesus makilala
Pagtubos sa aking sala
Maibahagi sa iba.”


MAPAGKAKATIWALAAN MO IYONG MGA KUTOB KUNG NAGTITIWALA KA KAY CRISTO.

SAKA NA KITA BABAYARAN

Gagantihan ka sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.
-Lucas 14:14

Ipagpalagay na isang boss ang magsasabi sa empleyado, “Talagang nagpapasalamat kami sa paglilingkod mo rito pero nadesisyunan naming ibahin ang pagpapasweldo sa inyo. Simula ngayon, saka na kayo babayaran – pagkaretiro ninyo.” Ikaw na empleyado ay mapapalukso ba sa tuwa? Siyempre hindi. Hindi ganyan ang palakad sa mundo. Gusto nating makatanggap ng bayad ngayon – buwan-buwan sa araw ng suweldo.

Alam ba ninyo na ipinapangako ng Dios na saka na kayo “babayaran” – maaaring matagalan. At nais Niyang magalak tayo sa pangako Niya!

Inihiwatig ni Jesus na ang Pinakamahalagang gantimpalang pinakahuling tatanggapin para sa mga nagawa natin sa pangalan Niya ay pagkamatay natin. Sa Lucas 14, sinabi ni Jesus na kung may malasakit tayo sa nagdadahop, sa mga pilay at mga bulag, tatanggapin natin ang ating gantimpala sa pagkabuhay na muli ng mga matuwid (Lucas 14:14). Sinabi rin Niya na pag tayo’y inuusig ay “magalak (tayo), ang (ating) gantimpala ay nasa langit” (6:22-23). Tiyak na bibigyan tayo ng Panginoon ng aliw, pag-ibig at patnubay ngayon, ngunit kamangha-manghang mga bagay ang pinaplano Niya para sa ating hinaharap!

Maaaring hindi ganito ang pinaplano natin, dahil hindi natin gustong maghintay sa mga bagay. Ngunit isipin nalang kung gaanong kaluwalhatian kapag tumanggap ng gantimpala sa presensiya ni Jesus. Napakaligayang mga sandali ang matatamasa sa pagtanggap ng inireserba ng Dios para sa atin.

ISINULAT NI: DAVE BRANON

“Sa dulo ng lungkot sa mundo ay kagalakan sa langit.
Walang hanggang pagpapala, kapiling ang Panginoon;
Kay sarap magpahinga kay Jesus,
At may gantimapala pa roon.”


ANG GINAWA PARA KAY JESUS SA BUHAY DITO AY GAGANTIMPALAAN SA HINAHARAP.

PARA NGAYON AT MAGPAKAILANMAN

Tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim na may kapangyarihang magligtas ng inyong mga kaluluwa.
-Santiago 1:21

Malaking sindak ang sumaklot sa puso ng isang sundalo sa mga bomba at baril na nagpuputukan sa paligid niya, at papalapit na mga kalaban. Bigla niyang naramdaman ang masakit na tama ng bala sa dibdib at braso niya. Ngunit di pa ito ang katapusan ng sundalong ito. Ayon sa New York Times, napabagal ang tama ng bala ng isang Bagong Tipan na nasa bulsa niya. Marami nang taong nakalipas, ngunit hanggang ngayon iniingatan pa niya ang duguang Biblia na may butas sa gitna. Paniwala niya, ito ang nagligtas ng kanyang buhay.

Magandang kuwento ito ngunit walang sinasabi tungkol sa espiritwal na kaligtasan ng buhay, na layuning ibigay ang Bibliang ito. Sa Ezekiel 33, mababasa na ginagamit ng mga Israelita noong unang panahon ang salita ng mga propeta upang umigi ang pakiramdam nila sa sarili, hindi para baguhin ang kanilang buhay. Mali ang paggamit nila sa pangako ng Dios, kay Abraham na suportahan ang pag-angkin nila sa lupain (t.24). Naliligayahan sila sa salita ng propeta (t.30), ngunit sinabi ng Panginoon kay Ezekiel, “Naririnig nila ang salita mo, ngunit hindi nila ginaganap” (t.31). Ang bunga? Naipailalim sila sa hatol ng Dios.

Noon at maging ngayon, di dapat na gawin ang Salita ng Dios na parang anting-anting o pansamantalang pang-aliw lang sa gitna ng kabalisahan. Ibinigay ang Salita para sundin at ang biyaya nito ay di lang para sa ngayon – kundi magpakailanman.

Isinulat ni: Mart De Haan

“Ang Salita ay ilaw sa paa ko
Liwanag sa aking daan
Gabay, kaligtasan sa sala
At daan tungo sa kalangitan.”


HINDI NATIN TUNAY NA ALAM ANG BIBLIA HANGGANG DI NATIN SINUSUNOD ITO.

PANGALAWANG PAGKAKATAON

Ang Kanyang mga habag ay hindi natatapos; sariwa ang mga iyon tuwing umaga, dakila ang Iyong katapatan.
-Panaghoy 3:22-23

Noong ika-15 ng Enero 2009, bumagsak ang US Airways Flight 1549. Nang papalipad pa lang ang eroplano, may nakasalubong itong napakaraming gansa at may ilang pumasok sa dalawang makina nito kaya nasira ito. Pagkatapos iiwas ng piloto ang eroplano sa mga bahayan, inutusan niya ang mga pasahero na yumuko sila. Akala ng mga pasahero ay mamamatay na sila. Wala pang 90 segundo, ibinagsak ng piloto ang eroplano sa ilog. Mabilis namang dumating ang mga saklolo kaya’t nailigtas lahat ang mga pasahero’t tripulante. Sinabi ng isang pasahero, “Pangalawang buhay namin ito.” Binigyan sila ng Dios ng pangalawang pagkakataon para mabuhay pa.

Sa oras ng panganib, nakikita natin ang kahalagahan ng bawat oras. Pero sa pang-araw-araw nating mga ginagawa, madalas na hindi natin naiisip na ang bawat umaga ay pangalawang pagkakataon. “Ang Kanyang mga habag ay hindi natatapos; sariwa ang mga iyon tuwing umaga” (Panaghoy 3:22-23.)

Dapat nating pasalamatan ang Dios sa Kanyang habag at biyaya, magtiwala sa Kanya at mamuhay nang may pag-asa dahil kasama natin ang Dios magpakailanman. Binibigyan Niya tayo lagi ng isa pang pagkakataon. Samantahalin natin ito.

-David Mc Casland

“Pagkalipas ng gabi, may bukang-liwayway;
Isa na namang pagkakataon ang Kanyang ibibigay,
May kasamang habag mula sa mapagpalang kamay;
Pangalawang pagkakataon, laging ibinibigay.”


NAGBIBIGAY ANG DIOS NG PANGALAWANG PAGKAKATAON.

PAMBUNGAD NA PROGRAMA

Ang lahat ng mga bansa ay… sasamba sa harapan Mo; sapagkat ang Iyong mga matuwid na gawa ay nahayag.
-Pahayag 15:4

Maraming humanga sa pambungad na programa ng Olympics noong 2008. Isang komentarista ang nagsabi na kahanga-hanga talaga ang nagiging resulta kapag walang limitasyon ang budyet ng gumagawa.

Nang marinig ko iyon, naisip ko na ganoon ang ginawa ng Dios sa paglikha. Wala siyang limitasyon kaya kahanga-hanga ang mga nilikha Niya.

Walang maipipintas sa pambungad na programang iyon ng Olympics pero kung binago ng isang mananayaw o manunugtog ang ninanais na mangyari ng gumawa ng programa, mayroon nang maipipintas doon.

Wala ring maipipintas sa paglikha ng Dios. Pero nang bigyan ng Dios ng kalayaan sina Adan at Eba na magpasya kung ano ang kanilang gagawin, binago ng dalawa ang plano ng Dios. Pinalitan nila ito ng inaakala nilang mas mabuti. Kaya nagkaroon na ng kapintasan ang gawa ng Dios. Nagkanya-kanya na ng lakad o nagsilihis ng landas ang bawat tao (Isaias 53:6).

Ang paglihis natin sa tamang landas ay itinuwid ng Dios. Kay laki ng Kanyang isinakripisyo para ayusin ang ating daan. Balang araw, magkakaroon rin ng isang ‘pambungad na programa’ at sa panahong iyon, sasambahin ng lahat ang Panginooong Jesus (Filipos 2:10).

Isinulat ni: Julie Ackerman Link

“Kay husay ng Dios sa Kanyang paglikha,
Pero lalong mas dakila ang Kanyang biyaya;
Nang tao’y magkasala’t Siya’y palumbayin,
Isinugo si Cristo para sala’y akuin.”


WALANG HANGGAN NATING PURIHIN ANG DIOS, SIMULAN NA NATIN NGAYON.

PAGSUSURI

Tayo’y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo’y nabubuhay pa sa daigdig na ito.
-2 Corinto 5:10

Ano kaya ang mararamdaman mo kung pagpasok mo iyong trabaho ay sasabihin ng boss mo, “Pumunta ka sa aking opisina mamayang 9:30. Mayroon tayong pag-uusapan tungkol sa trabaho mo.”

Mahalaga ang pagharap na iyon sa boss, pero nakakakaba ito. Maaaring maisip mo na baka tatanggalin ka sa trabaho, o baka itataas na ang posisyon mo at madadagdagan ang iyong suweldo, o kung pupurihin ka niya.

Mayroong binabanggit sa Biblia na pagharap ng tao sa Dios. Higit itong mahalaga. Isinulat ni Pablo na ang bawat mananampalataya ay “haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawa” (2 Corinto 5:10.) Sa pagharap kay Cristo ng mga nagtitiwala sa Kanya, hindi sila kakabahan na baka tatanggalan sila ng karapatang pumasok sa langit. Hindi papuri ng tao ang kanilang aasamin doon. Sa halip, buong pananabik nilang hinihintay na sasabihin ng Dios sa kanila, “Magaling! Mabuti at tapat na alipin” (Mat.25:21.)

Ang hamon sa mga nagtitiwala kay Cristo ay maglingkod nang buong katapatan para marinig din nilang sabihin ng Dios sa kanila, “Magaling! Mabuti at tapat na alipin.” Batay sa Pamumuhay natin ngayon, ano kaya ang magiging resulta ng pagsusuri ng Dios sa atin?”

Isinulat ni: Bill Crowder

“Nalalaman natin na darating ang panahon;
Tayo’y haharap sa ating Panginoon;
Maririnig ba nating sasabihin Niya sa atin,
Magaling! Mabuti at Tapat na alipin?”


ANG PAGLILINGKOD NANG BUONG KATAPATAN SA DIOS AY MAYROONG GANTIMPALA SA LANGIT.

PAGSASAMA-SAMANG MULI SA HAPUNAN

Mapapalad ang mga inaanyayahan sa hapunan ng kasalan ng Kordero.
-Pahayag 19:9

Maraming paghahandang ginagawa ang maraming Tsino para sa kanilang taunang hapunan sa bisperas ng Chinese New Year. Karaniwang idinaraos ito sa bahay ng magulang o panganay na kapatid. Sama-samang naghahapunan dito ang mga magkakamag-anak.

Ang mga Tsino na nagtatrabaho sa ibang bansa ay maagang bumibili ng tiket. Tinitiyak nila na makakauwi sila para makadalo sa hapunang iyon.

May mas mahalagang hapunan na binabanggit sa Biblia. Sa langit ito gaganapin. Tinawag ito sa Pahayag 19:9 na ‘hapunan ng kasalan ng Kordero.’ Hindi katulad ng hapunan na ginaganap bago sumapit ang Chinese New Year, hindi alam ng mga dadalo kung kailan magaganap ang ‘hapunan ng kasalan ng kordero.’ Tanging ang Dios lang ang nakakaalam nito (Mateo 24:36.) Hindi rin natin kailangang bumili ng tiket para makadalo sa hapunang iyon.

Kasama ka ba sa hapunan na gaganapin sa langit? Makakapunta ka doon kung sasampalataya ka sa Panginoong Jesus. Kaya sumampalataya ka sa Kanya bilang Panginoon at iyong Tagapagligtas.

-C.P.Hia

Paano natin matitiyak na pupunta tayo sa langit?Aminin natin na tayo’y makasalanan (Roma 3:23); Sumampalatayang namatay si Jesus para sa atin (Mga Gawa 16:31); Tanggapin Siya bilang Tagapagligtas (Juan 1:12); Magtiwala sa Kanyang pangako na bibigyan Niya tayo ng buhay na walang-hanggan (Juan 20:31).


SUMAMPALATAYA KA KAY JESUS AT MAKAKAPUNTA KA SALANGIT.

PAGREREKLAMO AT ANG LUNAS DITO

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, ang pag-ibig ay hindi mainggitin, o mapagmalaki o hambog.
-1 Corinto 13:4

Isang lalaking may sira ang ulo ay laging kumakamay sa Pastor pagkatapos ng bawat paglilingkod. Ngunit madalas may kasamang pintas, tulad nito, “Ang haba ng sermon mo” o “Marami kang sinasabi tungkol sa sarili mo” o “Nakakainip ang sermon mo.” Apektado ang Pastor kaya binanggit ito sa isang diakono. Sagot nito, “O, huwag mong pansinin iyon. Inuulit lang niya ang sinasabi ng iba.”

Ang pagrereklamo ay napaka-pangkaraniwan sa mga Cristiano, at ang iba ay naging ugali na ito. Magaling sila sa pagpuna ng kamalian ng sinumang masipag, nagsisikap na maglingkod sa Dios. At walang pagdududa, tayong lahat ay naging reklamador din minsan.

Ang pinakamabisang lunas sa masamang ugaling ito ay pag-ibig ng Cristiano, madaling sabihin ngunit mahirap gawin. Una, piliin nating hangaring mangyari ang pinakamabuti mula sa Dios para sa kanila. Ang pag-ibig ay “matiisin, magandang-loob, hindi mainggitin, hindi magaspang ang kilos, hindi pinipilit ang sariling kagustuhan, hindi mayayamutin, hindi nagtatala ng mga pagkakamali” (1 Corinto 13:4-5). Sa pagdedepende natin sa Panginoon, sanaying ipamuhay ang pag-ibig na ganito araw-araw.

 Sa susunod na natutukso kang pintasan ang isang tao, labanan ito at gumawa ng mabuti para sa taong ito (Galacia 6:10). Gawin itong may pagsisikap, pagtitiis at katapatan, at darating ang panahon na matatanggal din ang pagka-reklamador mo.

-Herb Vander Lugt

“Di ko pipintasan ang isang naglilingkod
Ang isang nakikinig ng Salita ng Dios at Siya’y sinusunod
Ngunit ang sarili ko aking hahatulan o Panginoon
At ihahayag sa Iyo aking kasalanan.”


HUWAG MAGHANAP NG MAIPIPINTAS. HANAPIN ANG LUNAS SA UGALING ITO.

PAGLILINGKOD SA DIOS

Nasa amin ang pag-iisip ni Cristo.
-1 Corinto 2:16

Noong nakaraang mga panahon sa England at America ay may mga Cristiano na tinatawag na mga puritan. Itinuturing ng mga ito na paglilingkod sa Dios ang lahat ng kanilang mga ginagawa, gawaing pangrelihiyon man o hindi. Para sa kanila, mas mahalaga sa Dios ang makaDios na Pamumuhay kaysa sa mga naabot o naisakatuparan ng isang tao.

Hindi natin kailangang gumawa ng napakaraming ‘gawaing espirituwal’ para lang makalugod sa Dios. Tulad ng sinasabi ng mga Puritan, maaari tayong makalugod sa Dios kahit naglilinis, nangangaral ng Kanyang Salita, naglalaba, nagsasalin ng Biblia sa ibang wika o iba pang mga ginagawa.

Marami tayong oras na nauubos sa mga bagay na maaaring naiisip natin na nakakasawa nang gawin tulad ng pag-aalaga sa magulang na matanda na, pakikinig sa mga reklamo ng mga mamimili, o pagka-ipit sa trapiko, pero ipinaalala ni Pablo na ang mga nagtitiwala kay Cristo ay may pananawa o ‘pag-iisip ni Cristo’ (1 Corinto 2:16.) Ang katotohanang ito ang gagabay sa atin upang hindi natin maisip na nakakasawa na an gating mga ginagawa.

Kailangan natin ng pananampalataya at pag-iisip ni Cristo upang makita natin na mahalaga kahit ang mga karaniwan nating ginagawa.

Isinulat ni: Philip Yancey

“Sa karaniwang mga gawain,
Ang Dios nawa ang purihin;
Pangako ng Dios sa atin,
Kalakasan ay kakamtin.”


PINAHAHALAGAHAN NG MUNDO ANG KAUNLARAN, PINAHAHALAGAHAN NG DIOS ANG KATAPATAN.

PAG-IBIG SA KAPWA

Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.
-Lucas 10:27

Nasira ang aming hair dryer. Ang totoo, madaling bumili ng bago, pero dahil gusto kong makatipid, sinikap ko itong ayusin. Binuksan ko ang aking pocket knife o kutsilyo para tanggalin ang turnilyo, pero biglang sumara ang kutsilyo, nahagip ang aking daliri at nahiwa ito.

Mayroon akong nalaman sa araw na iyon: Mahal ko pala ang aking sarili. Agad ko itong inasikaso. Ni hindi ko naisip na mamaya ko na lang iintindihin ang aking daliri. Agad kong tinawag ang aking asawa’t mga anak at maingat na pinahugasan sa kanila ang aking daliri. Pinalagyan ko pa ito ng bandage sa paraang hindi mabubunot ang mga balahibo sa daliri kapag tinanggal iyon. Ang aking mga iniisip, sinasabi at ginagawa ay bunga ng pagmamahal sa aking sarili.

Inutusan tayo ni Jesus na mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Ang gayong klase ng pagmamahal ay ipinapadama agad. Nakikita nito ang pangangailangan ng iba at hindi titigil hanggat hindi iyon natutugunan. Kung ganoon ang ating pag-ibig, magiging maingat tayo sa ating mga iniisip at ginagawa. Handa tayong magsakripisyo at magmalasakit sa iba, tulad ng ginawa ng Samaritano sa kuwento ni Jesus. Ito ang pag-ibig na nais ng Dios ipadama sa ating kapwa.

-Joe Stowell

“Tulungan Niyo po ako na aking mapansin,
Kailangan ng mga taong ipinagkatiwala sa akin;
Nawa sa pamamagitan po ng salita ko at gawa,
Pag-ibig Niyo sa kanila’y aking maipadama.”

HINDI MALALAMAN NG IYONG KAPWA NA MAHAL MO SILA KUNG HINDI MO ITO IPINADARAMA.



PAGHAHANAP NG YAMAN

Kung kagaya ng pilak, ito’y iyong hahanapin… ang takot sa Panginoon ay iyong mauunawaan.
-Mga Kawikaan 2:4-5

Noong unang araw ng Enero 2008, napagkasunduan ng mag-amang Keith at Adrien na sa loob ng isang taon ay maglalaan sila ng 15 minuto o higit pa bawat araw para maghanap ng kayamanan. Ibinalita sa isang diyaryo ang ginagawang ito ng mag-ama, umulan man o umaraw. Pagkalipas ng isang taon, ang kayamanang nahanap nila ay barya, bola ng golf, mga bote at lata na nagkakahalaga ng isang libong dolyar. Sa kabuuan, nasiyahan sila sa mga oras na sila’y magkasama at masayang naghahanap ng kayamanan.

Kung maglalaan tayo ng 15 minuto sa bawat araw para maghanap ng kayamanan sa Biblia, ano ang ating makikita? Isinulat ni Solomon na kung hahanapin natin ang karunungan na parang isang kayamanan, magkakaroon tayo ng takot sa Dios at kaalaman tungkol sa Kanya (Mga Kawikaan 2:4-5).

Ang karunungang mula sa Dios ay hindi makakamtan sa isang iglap lang. Unti-unti itong makakamit sa araw-araw na pagbabasa ng Biblia at pagsunod sa Dios. Isang pribileheyo at kasiyahan ang paglalaan ng oras kasama ang Dios.

Nagsisimula ito sa kusang-loob na pagpapasya, nagpapatuloy sa paghahanap at hahantong sa pagkatuklas ng kayamanan – ang karunungan at buhay.

Isinulat ni: David Mc Casland

“Tuklasin ang kayamanan sa Salita ng Dios,
Kung paano ang minero’y nagmimina ng lubos;
Maghanap at siguradong matatagpuan,
Kayamanang magpapayaraman sa iyong isipan.”

MARAMI TAYONG MATUTUKLASANG KAYAMANAN SA SALITA NG DIOS.



PAANO KUNG?

Sumunod si Abraham… kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta.
-Hebreo 11:8

May ipinapagawa ba sa iyo ang Dios na sa palagay mo ay hindi Niya dapat ipagawa sa iyo? Paano kung papuntahin ka Niya sa isang lugar na hindi mo alam? Paano kung sabihan ka ng Dios na hayaan mo ang iyong anak na pumunta sa napakalayong lugar para maglingkod sa Kanya?

Kapag hindi natin alam ang isang sitwasyon, lagi nating naitatanong sa ating sarili kung ano kaya ang mangyayari. Pero madalas naman tayong dinadala ng Dios sa ganitong mga sitwasyon. Halimbawa, iniutos Niya na magpatawad tayo, ipamigay ang ating mga kayamanan, o iwan ang mga bagay na nagbibigay sa atin ng seguridad at kasiyahan.

Ano kaya ang naramdaman ni Abraham nang utusan siya nang Dios na pumunta silang mag-asawa sa lugar na hindi naman nila alam (Genesis 12:1-3)? Dapat silang manatili sa lugar na iyon kahit maaaring natutukso na silang balikan ang luho at dati nilang tirahan. Kaya’t sinabihan sila ng Dios na magpakatatag.

Ang pagpunta sa isang lugar na hindi natin alam ay katulad din ng pagpasok ng bagong taon. Ang mga tanong na ‘paano kung…’ ang maaaring maging hadlang sa pagsunod natin sa Dios. Tulad ni Abraham, nasa mabuti tayong kamay kung magtitiwala tayo sa Dios na nakakaalam ng lahat ng bagay.

Isinulat ni: Joe Stowell

“Mangyayari sa kinabukasan, hindi natin nalalaman,
Ngunit aking natitiyak, kung sino ang humahawak;
Nakikilala ko rin ang umaakay sa akin:
Ang Panginoong Dios na gumagabay nang lubos.”


KAHIT HINDI NATIN ALAM KUNG ANO ANG MANGYAYARI, ALAM ITO NG DIOS AT MAIPAGKAKATIWALA NATIN ITO SA KANYA.

NAIPONG KASALANAN

Taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ipakita na ang… kapangyarihan ay mula sa Dios.
-2 Corinto 4:7

May mga windmill sa ibang bansa noong mga nakaraang siglo. Ginagamit ito sa pagpapadaloy ng tubig at paggiling ng mga butil. May mga windmill ngayon na ginagamit naman para sa paglikha ng kuryente.

Kapag malakas ang hangin, mabilis ang pagtakbo ng elisi. Marami itong tinatamaang insekto at dumidikit ang mga ito sa elisi. Nagiging sanhi ito ng paghina ng kuryente, kaya kailangang linisin ng nagpapatakbo ng windmill ang elisi para hindi humina ang kuryente.

Ang pagdami ng kasalananan sa buhay ng mga nagtitiwala kay Cristo ay nagiging problema din. Nagbigay ang Dios ng paraan kung paano ito lilinisin. Dapat natin itong ihingi ng tawad sa Dios at lilinisin Niya ito (2 Juan 1:9.) Pero hanggat hindi tayo humihingi ng tawad sa Dios, manghihina tayo. Ito ay dahil sa ang lakas para mamuhay nang nararapat ay nanggagaling sa Dios at hindi sa atin (2 Corinto 4:7.) Kapag namumuhay tayo ayon sa sariling lakas, mabibigo tayong mamuhay nang nararapat sa Dios. Para tayong windmill na nadidikitan ng mga insekto. Kung pagsisisihan natin ang ating mga kasalanan, lalo nating mararanasan ang lakas o kapangyarihan ng Dios.

-Cindy Hess Kasper

“Ang mga kasalanan ang nagpapahina,
Sa mga kakayahan ng mananampalataya;
Pagsisisi ang magpapanumbalik ng lakas,
‘Pag ang sala’y pinatawad at nilinis nang wagas.”


KASALANA’Y NAKAKAPANGHINA, PAGSISISI’Y NAKAPAGPAPALAKAS.

MGA NAWAWALANG AKLAT?

Ang bawat espiritung hindi ipinahahayag si Jesus ay hindi sa Dios. Ito ang espiritu ng Anti-Cristo.
-1 Juan 4:3

Gusto ng lahat ang isang magandang kuwento, ngunit maraming tao ang naniniwalang totoo ang pinakamabiling nobela, The Da Vinci Code (Ang Kodigo ni Da Vinci.)

Sentro sa aklat ay ang sinasabing mga nawawalang “aklat” ng Biblia. Sinabi rito na naging asawa raw ni Jesus si Maria Magdalena at may mga anak sila. Ang radikal na kasinungalingang ito ay nagliligaw ng maraming tao. Ang mga nawawalang librong ito ay natagpuan daw sa Nag Hammadi, Ehipto noong 1945. Pinabubulaanan nito ang Cristo ng Biblia at nagiging promoter ng pagsamba sa dios-diosan, sa sarili, at mahihiwagang kaalaman.

Kaya, bakit di isinali ito ng iglesiang Cristiano sa Biblia? Dahil di ito pumasa sa panulat at pamantayan ng tunay na katotohanan ng Biblia na may ganitong mga tanong:
1.Ang mga sumulat ba ay mga hinirang ni Jesus na Apostol?
2.Malawakan bang tinanggap ng mga lider ng Iglesia?
3.Nangusap ba ang Espiritu ng Dios dito?

Hindi nakapaas ang mga “nawawalang libro” sa lahat ng tanong. At naipasa ng Bagong Tipan ang lahat.

Pag pinagdududahan ng iba ang kahalagahan at katotohanan ng Kasulatan, magalang na ipabatid sa kanila ang tungkol dito. Baka naisin nilang mas makilala pa ito. At ang ating Dios.

-Dennis Fisher

“Ang Salita ng Dios ay dalisay, walang hanggan
Matatag, di kailanman matitinag
Lahat ng inisip ng tao at binalak
Gaya ng ipa, ililipad at mawawalang lahat.”

SA MARUNONG, SAPAT NA ANG SALITA NG DIOS.


MGA NABIGONG PANGARAP

Sa Panginoon Ikaw ay magpakaligaya at ang mga nasa ng iyong puso, sa iyo’y ibibigay Niya.
-Awit 37:4

May pangako ba ang Biblia na nabigo ka? May mga taong nagsasabi na ang Awit 37:4 daw ay garantiyang matatanggap mo bawat gusto – asawa, trabaho, o pera – magtatanong ka tuloy, bakit wala sa akin ang gusto ko?

Pag nabigong kamtan ang pangako, at tila hindi tinutupad ng Dios ang ipinangako, marahil hindi mo nauunawaan kung ano ang tunay na kahulugan ng talata. May tatlong payo na makatutulong sa pamamagitan ng halimbawa ng Awit 37.

Alamin ang konteksto: Sinasabi sa Awit 37 na hindi tayo dapat mabalisa o mainggit sa mga masasama. Ang pagtuunan natin ay hindi sa kung anong mayroon sila at hindi mainggit sa mga nalulusutan nilang masasamang gawa (tt.12-13). Sa halip inuutusan tayong magpakaligaya sa Panginoon at magtiwala sa Kanya (tt.4-5).

Kunin ang tulong na impormasyon ng mga ibang ugnay na talata: Itinuturo ng 1 Juan 5:14 na ang ating mga hiling ay dapat ayon sa kalooban ng Dios para sa atin. Mababalanse ang ating pang-unawa sa tulong ng ibang talata na pareho ang paksa.

Konsultahin ang isang komentaryo sa Biblia: Sa komentaryo ni C.H. Spurgeon na The Treasury of David (Ang Kayamanan ni David), sabi niya tungkol sa talata 4: “Ang mga nalulugod sa Dios ay walang nais na hilingin kundi ang ikalulugod ng Dios.” Pagsikapang mas malalim na pag-aralan ang mga mahihirap na talata nang maunawaan nang mabuti.

            Sa paglago natin sa pagkalugod ng Dios, ang Kanyang nais ay magiging atin at ibibigay sa atin.

Isinulat ni: Anne Cetas

“Sa pangako ng Dios umaasa
Sa gitna ng takot at pagdududa
Sa buhay Niyang salita mabubuhay
Sa pangako Niya umaasa.”

DI MO MASISIRA ANG MGA PANGAKO NG DIOS SA PAGSANDAL SA MGA ITO.