Saturday, February 2, 2013

WALANG LINGON-LIKOD


“Haaayyy… kapagod…”

Iyan ang madalas naming nauusal na magkakapatid pagkatapos tuntunin ang matirik na kalsada patungo sa bahay-pananambahan na aming dinadaluhan.  Ano nga ba ang kahulugan ng salitang iyon para sa amin?  Dahil ba sa pananakit ng aming mga binti? Hindi kaya nagsasawa na kaming magtungo sa simbahan dahil lamang sa matirik na kalsadang iyon?  O baka naman nanlalamig na ang puso namin sa paglilingkod at ang naisin nalang ay mamahinga sa bahay?
Sa aking patuloy na paglalakbay tungo sa kasakdalan ng paglilingkod, di lamang ako ang nakakaramdam ng pagod at panghihina kundi ang mga kasabayan ko din sa paglalakbay.  Ngunit ano ang dahilan bakit parin kami nagpapatuloy at hindi sumusuko gaano man kadami ang hadlang sa aming daraanan?
Dahil…

Nagdesisyon na kaming maglingkod sa Dios, walang lingon-likod.

Narinig mo yan satanas?  Matagumpay ang Cupang Antipolo Chapter!

Written by Yhang2008.

No comments:

Post a Comment