Wednesday, April 3, 2013

ELSA CABRERA…



ELSA CABRERA…

Siya ang nagniningning na ilaw ng tahanang ito.  Lubos siyang pinaglilingkuran ng kanyang asawa at lubos na iginagalang ng kanyang mga anak.

Si Elsa ay namuhay ng buong tiyaga at puno ng pangarap.  Ginawa niyang inspirasyon ang pamilya at pag-aaral upang makipagsapalaran.  Hindi man niya lubusang nakamit ang mga pangarap, nakatagpo naman siya ng isang lalaking bigay ng Diyos na siyang pumuno ng lahat ng kakulangan.

Siya ay isang “Ina” na mapagmahal at masuporta.  Hindi man niya ito maipamalas ng lubos dahil sa mga alalahanin ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso, itoy nag-uumapaw at siksik.  Sa kabila ng kanyang mga kahinaan, kitangkita sa kanyang mga mata na hinding-hindi siya magagapi ng mga pagsubok sapagkat buhay na buhay sa kanya ang Salita ng Diyos.

“Masipag, Masikap at Matatag”-iyan ang kanyang larawan.  Basta’t kaya ng kanyang katawan, siya’y walang sawang kikilos at gagalaw; mapabahay o mapasimbahan.  Hanggat marangal ang trabaho kahit hindi kataasan ang kita, kanya itong susubukan.  Higit sa lahat, siyay mapagpakumbaba at malambot ang puso.  Bagamat siyay iyakin at mahina ang loob, hindi siya mariringgan ng mga negatibong pananalita dahil ang mga pangako ng Diyos ang kanyang kalakasan.

            Iyan si Elsa.

Ikaw ay lubos na mapalad sa kinalalagyan mong buhay ngayon.  Lagi mong tandaan na ako ang kumukontrol sa lahat ng nagaganap sa’yong pamilya.  Hindi ko bibigyan ng tagumpay ang sa pamilya mo’y gugulo.  Ang katuparan ng aking mga pangako’y bumubuhos na kaya’t panatilihin mong nakakapit ng mahigpit sa aking mga salita upang itoy dumaloy sa’yo pababa sa’yong pamilya.  Dakila ang aking katapatan, …Hesus”



Written by Yhang2013.



No comments:

Post a Comment