Wednesday, April 3, 2013

BELARMINO “Mhen” CABRERA.


I contribute this written blog to the nearest Birthday of my beloved Dad&Mom (Month of May.)
Pls, utter a prayer for them. Thank you so much.
The Lord bless u to overflowing!


BELARMINO “Mhen” CABRERA…

Siya ang matibay na haligi ng aming tahanan.  Lubos siyang minamahal ng kanyang asawa at lubos na ipinagmamalaki ng kanyang mga anak.

Si Mhen ay lumaki sa pamilyang mahirap ngunit punungpuno ng pag-iibigan.  Sa kanyang pagsisikap, nakakuha siya ng isang marangal na trabaho sa isa sa mga nangungunang kumpanya ng sasakyan.

Mapapansin rin na napakalaki ng puso niyang mabigyan ng kaluguran ang Diyos sa bawat panahon ng kanyang buhay kaya naman ang kanyang pamilya ngayon ay masigasig na naglilingkod sa Diyos at sa kanilang kapwa.  Kinahabagan din siya ng Diyos na gamitin upang magkaroon ng Bible-Study sa kanyang pinapasukan.

Siya rin ay mahilig magtanim at mag-alaga ng hayop.  Mahusay siya sa pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga napagkasunduan.  Hindi siya palaimik na tao, pinagiisipan niya ang lahat ng kanyang sasabihin kung ito’y mabuti.  Kilala rin siya bilang masayahing tao.

Marami siyang kalakasan ganon din ang kahinaan.  Mga kalakasang nagbigay sigla upang siya’y magpatuloy sa hamon ng buhay at paglilingkod sa Diyos.  Mga kahinaan din namang lalong nagpatibay sa kanyang paniniwalang “Hindi mabubuhay ang tao ng wala ang Diyos.”

            Iyan si Mhen.

“Tumindig ka! Magpakatatag ka! Isa ka sa aking nahirang upang makitaan ng aking buhay.  Lahat ng pagsubok at tukso ay mapagtatagumpayan mo dahil kasama mo Ako.  Isa kang kayamanan para sa iyong pamilya at pagpapala sa’yong trabaho.  Lalo kang magtiwala sa Akin at sa Ama dahil lahat ng aming ipinangako ay magaganap lahat… Hesus”






No comments:

Post a Comment