PAGHIWALAY
SA SISTEMA NG MUNDO:
ROMA
12:1-2= …Ialay ninyo ang
inyong sarili bilang handog na buhay, banal at kalugodlugod sa kanya. Ito ang karapatdapat na pagsamba ninyo sa
Diyos. Huwag kayong umayon sa takbo ng
mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago
ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos…
COLOSAS
3:1-3= Binuhay kayong muli kasama ni Cristo,
kayat ang pagsumakitan ninyo ay ang mga bagay na nasa langit…isaisip ninyo ang
mga bagay na panlangit, hindi ang mga bagay na panlupa…
ANU-ANO
ANG MGA SISTEMA NG MUNDO?
1.PALABAS
SA MGA TELEBISYON, TUGTOG SA MGA RADYO, MGA BISYO, MGA MAHALAY NA KASUOTAN, MGA
KINAGISNANG TRADISYON… (sa mundong ito na
pasama ng pasama, dapat pag-isipan nating mga kristiyano ang mga tanong na ito: “may kinalaman ba ang pananampalataya
ko kay Cristo sa mga pinipili kong panoorin, pakinggan, suotin,
kahiligan at paniwalaan?paano nito naaapektuhan ang relasyon k o kay
Cristo?nailalapit ba ako nito kay Cristo o nailalayo?”
2.COLOSAS
3:5-9=…pitang makalaman: pangangalunya,
kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masasamang nasa, pag-iimbot…galit,
poot, sama ng loob, panunungayaw, malalaswang pananalita, pagsisinungaling…
3.SANTIAGO
4:4= Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na
kapag kinaibigan ninyo ang sanlibuatan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos?
Kayat sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos.
KABANALAN,
GAANO ITO KAHALAGA?
1.KUNG
WALANG KABANALAN, HINDI TAYO TATAWAGING MGA ANAK NG DIYOS SAPAGKAT ANG ATING
AMANG DIYOS AY BANAL:
1 PEDRO
1:15-16= Yamang ang Diyos na
humirang sa inyo ay banal, dapat kayong magpakabanal anuman ang inyong
ginagawa, ayon sa nasusulat: “magpakabanal kayo sapagkat Akoy banal.”
2.KAPAG
WALANG KABANALAN, HINDI NATIN MAKIKITA ANG DIYOS AT HINDI TAYO PAPASOK SA
LANGIT:
HEBREO
12:14= Magpakabanal kayo at sikaping
makasundo ang inyong kapwa, sapagkat hindi ninyo makikita ang Diyos kung hindi
kayo mamumuhay ng ganito.
Walang imposible sa Diyos, kaya ka niyang
baguhin. Hilingin mo sa Diyos na tulungan ka Niyang mamuhay ng may kabanalan.
(anumang bagay na
totoo, kagalanggalang, matuwid, malinis, kaibigibig, kapuripuri, kagalingan,
nararapat na papurihan--- itoy isipin, isapuso at isapamuhay…FILIPOS 4:8)
“MINAMAHAL
KA NG DIYOS” Nais Niyang
masigurado ang iyong kaligtasan.
Maraming umaayaw pagkatapos tanggapin si Cristo dahil maraming
tatalikuran. Ngunit kung mahal natin ang
Diyos at ang ating kaluluwang hindi namamatay kailanman gayundiy, ayaw nating
magsisi sa bandang huli--- kailangang magdesisyon tayo…CRISTO o MUNDO? LANGIT o
IMPIYERNO? KASALANAN o KABANALAN?
Nagmamahal,
Jesus
Is Our Shield
No comments:
Post a Comment