Tuesday, July 2, 2013

SI HESUS AY MULING BABALIK, TAYO BA’Y HANDA NA?

Mateo 24:3-14, Marcos 13:3-13, Lucas 21:7-19
Tinanong si Hesus ng kanyang mga alagad: “ANO PO ANG MAGIGING PALATANDAAN NG INYONG MULING PAGPARITO AT NG KATAPUSAN NG MUNDO?” Sumagot si Hesus… Makakarinig kayo ng mga BALITA TUNGKOL SA DIGMAAN… Magkakaroon ng MALALAKAS NA LINDOL, MAGKAKAGUTOM at MAGKAKASALOT sa ibat ibang dako.  Kailangang MAIPANGARAL muna sa lahat ng bansa ang mabuting balita.  Kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga bagay na ito, malalaman ninyong malapit na ang pagparito Niya.
Gawa 1:11
Itong si Hesus na umakyat sa langit ay MAGBABALIK tulad ng nakita ninyong pag-akyat Niya.
Mateo 24:36-44,Marcos 13:32-37,Lucas 17:26:30
MAGING HANDA KAYONG LAGI, sapagkat HINDI NINYO ALAM KUNG KAILAN SIYA DARATING.  Maaaring sa PAGDILIM, sa HATINGGABI, sa MADALING ARAW, o kaya’y sa UMAGA.

ANO ANG GAGAWIN UPANG MAGING HANDA?
Juan 3:16
TANGGAPIN si Hesus ng buong-puso.
Hebreo 12:14
MAMUHAY ng may kabanalan.  HUWAG umayon sa sistema ng mundo.
2 Pedro 3:6-18
Sa pamamagitan ng MALAKING BAHA—GINUNAW ANG UNANG DAIGDIG… Sa pamamagitan ng APOY, ang LANGIT at LUPA ay TUTUPUKIN pagdating ng Araw ng Paghuhukom at pagpaparusa sa masasama.  Yamang ganito ang magiging WAKAS NG LAHAT NG BAGAY, ITALAGA na ninyo sa kanya ang inyong sarili at mamuhay ng ayon sa kanyang kalooban… SIKAPIN ninyong mamuhay ng payapa, walang dungis at kapintasan.

BAKIT KAILANGANG MAKASAMA SA PAGBABALIK NI HESUS?

Ang lahat ng HINDI NAKASAMA(naiwan sa lupa) sa MULING PAGBABALIK NI HESUS  ay paghaharian ng mga ANTI-KRISTO at sapilitang tatatakan ng 666 o tatak ni Satanas(Pahayag 13:16-18).  Ang sinumang HINDI MAGPAPATATAK NG 666 ay wala ng pag-asa pang makaligtas sa hatol ng Impyerno(Pahayag 14:9-11,Pahayag 20:10).  Ang NATATANGING PAG-ASA na lamang upang makaligtas sa kahatulang ito at makasama ang Dios habang panahon ay IPRESENTA ANG IYONG ULO UPANG PUGUTAN(Pahayag 20:4).  MATINDING kaguluhan ang nakahanda at mararanasan ng mga naiwan sa lupa.  Nakakapangilabot na kaguluhan na sa mga panahon lamang na iyon mangyayari at hindi na maaaring maulit pa na anupat hahanapin ng tao ang kamatayan(Pahayag 9:6)

BABALA:

LABIS-LABIS ANG PAG-IBIG NG DIOS AMA kayat ibinigay Niya ang kaisaisa Niyang anak na si Hesus upang mamatay sa krus at pagbayaran ang ating kasalanan at makaiwas sa hatol ng impyerno(Roma 5:8, Pahayag 21:8).  2,000 taon na ang nakakalipas ng itoy mangyari at alalahanin nating kaya nagtitimpi ang Diyos ay upang bigyan tayo ng pagkakataong tanggapin ang alok Niyang kaligtasan, makapagsisi sa ating mga kasalanan at magbalik-loob sa Kanya, sapagkat hindi Niya nais na tayoy mapahamak (2 Pedro 3:1-15).  HUWAG maging hangal, ang sasalubungin lang ni Hesus sa alapaap sa isang kisapmata, biglang mawawala ang mananampalataya(Rapture, 1 Tesalonica 4:16-17) ay ang mga taong seryosong nananalig sa Salita ng Diyos at minahal Siya ng totoo sapagkat itoy kanyang PAKAKASALAN(Pahayag 19:5-10).


MABUTING BALITA:

Matiyaga pang nag-aantay ang Dios sa atin, kumakatok Siya sa ating puso ngayon.  Maaaring sabihin natin na matagal na natin Siyang tinaggap ngunit tayo ba’y SERYOSO? Kung maaaring dumating si Hesus ngayon, tayo ba’y HANDA?  May oras pa…baka mamaya o maaaring bukas ay huli na ang lahat…at ang pagsisisi nati’y huli na rin.


TIYAK NA NGA!DARATING NA AKO!
                                                                      -HESUS
                                                         (Pahayag 22:20)

For more information, prayer request and counseling:
Call: (02) 911-0189, 703-2024, 703-2025





No comments:

Post a Comment