Wednesday, March 20, 2013

IMPIYERNO, NATAGPUAN NG MGA ASTRONOMER


By: Ezzer Perez, Sept. 2011

Kung ang HEAVEN ay 550 ulit na binanggit sa Bibliya, ang HELL ay nakatadhana sa mga taong hindi tumanggap kay Jesus bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas. Ito ang katotohanang gigimbal sa inyo.

Ang pinakamainit at pinakamadilim na planeta na tinatawag na impiyerno ay natagpuan ng mga astronomer.

Isang bagong tuklas mula sa paglalakbay sa kalawakan ang naging daan para matuklasan ng mga tao ang sinasabing “impiyernong butas sa labas ng daigdig!”

Pinatunayan ng Spitzer Space Telescope sa pamamagitan ng ipinadalang bagong datos hinggil sa pinaka- nakakatakot na extra solar planet na nakuhaan sa lahat ng panahon.

Nagpanginig sa laman ng mga astronomer ang kanilang natuklasan.  Isa itong literal na umaakma sa classical descriptions ng impiyerno!

Ang temperature sa ibabaw ng planetang ito ay umaabot sa nakapapasong 2040 degrees Celsius (3700 Fahrenheit), higit na mas mainit sa maliliit na mga bituin.

Isa pa sa kakatwang tampok sa nadiskubreng ito ay ang alkitrang itim na hindi lumilitaw sa anumang liwanag ng mga bituin na nagmumungkahi lamang nang mas maitim pa ito sa uling.

Kakaiba rin sa banyagang daigdig na ito ang katotohanan na dahil napakainit nito, maaari itong magliwanag tulad ng sa isang baga.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi maipaliwanag ng mga astronomer kung ano ang nadiskubre, wala silang kasagutang mahanap kung bakit ang nakakasindak na planeta ay sobrang napakainit.

“Ang natagpuan namin ay hindi lamang basta mainit na planeta na aming inaasahan, kundi talagang nakakapugnaw ang matinding init nito!” Pahayag ng naguguluhang team leader na si Joseph Harrington, isang astronomer sa University of Central Florida, USA. “Marami pa sa mga tao ang mapapakamot ng kanilang mga ulo sa pagtatangkang matantiya kung ano talaga ito,” sabi pa ni Harrington.
Ang planeta ay tinawag na HD 149026b at ito ay umiikot ng 25 beses malapit sa bituin nito kaysa sa mundo na umiikot sa Araw.

At ang kakila-kilabot pa at walang katulad na katangian ng misteryosong planeta ay ang tila masikip at pinaniniwalaang nagtataglay ito ng pinakamabibigat na element nang higit sa katawan sa ating solar system, kabilang ang Araw.

Kinalkula ang pinakasolidong pusod ng HD 149026b para magkaroon ng “mass of 70 to 90 Earths.”

Tinangkang ipaliwanag ng mga scientist ang katotohanan na ang napakainit, maitim at ang mga kemikal sa atmosphere nito ay maaaring ma- absorb at mabitag ng sikat ng araw, at ang init sa planeta ay maaaring isang layer ng titanium oxide.

Gayunman, ang napakatinding taas ng temperature ng misteryosong planeta, ang titanium ay kinakailangang masiksik at bumagsak sa atmosphere sa anyo ng ulan.

Ang planetang kahalintulad ng Jupiter na umiikot sa period ng 2.2 days ay mas malapit sa kanyang tala kaysa sa Mercury at lagi itong nagpapakita ng katulad sa bahagi ng bituin.

Gaya rin sa Buwan kung saan ang isang bahagi ng planeta ay patuloy na umiikot sa araw at ang kabiyak ay sa walang hanggang kadiliman sa gabi.

Ang misteryosong planetang ito ay naglalaho sa likod ng tala at umiikot kada dalawang minuto.

Nangangahulugang may maliit at iba pang planeta na nilalamon ng dilim at di kayang ma detect ng telescope.  BABALA NG BIBLIYA, DAPAT AY MAGING HANDA ANG LAHAT SA PUPUNTAHAN MATAPOS ANG KAMATAYAN.

WHAT HAPPENS TO A SOUL WHEN THEY REJECT JESUS CHRIST AS LORD GOD ALMIGHTY? Eternal Damnation to Hell.

36What good is it for a man to gain the whole world, yet forfeit his soul? Mark 8:36

www.miraclehour.com


No comments:

Post a Comment