Wednesday, March 6, 2013

“VHS”


Nang tayo ay mga bata pa lamang
Ang buhay ay hindi natin masyadong pinahahalagahan
Marahil kampante tayong ang ating kinabukasa’y
Nasa kamay ng ating mga magulang.

Iyan ang aking naging palaisipan…
“Mahalaga ba talaga ang buhay kong ito?”
“Bakit kailangan pang maging tao?”
“Ano ang dahilan bakit nasa mundo ako?”

Hanggang isang araw,
Nakilala ko ang Panginoong Jesu-Kristo ng malinaw
Sa pamamagitan ng Kanyang lingkod- Apostol Renato D.Carillo
Na aking napanood sa VHS.

Taong 1996 nang makilala ko ang tinuring kong pangalawang ama.
Mapagmahal, mababang-loob, maawain.
Iyan si Tatay Apostol.
Labing-isang taong gulang pa lang ako niyan.

Taong 1997 nang magsimula naming gawing koleksiyon ang VHS
Na siyang ekstensiyon ng kaluwalhatian at kapangyarihan ng Diyos.
Taong 2000, ang VHS ay unti-unting nalaos
At tuluyang naglaho ng dumating ang milenyo.

Ngunit sa puso ko, di nalalaos ang pag-ibig ng Diyos
Na aking paulit-ulit na nadadama sat’wing ang VHS ay aking pinapanood.
PARA SA IYO Kaibigan, ang VHS na ito
Isang alaala ng kahapong ang Panginoong Jesu-Cristo’y iyong nakilala.


-yhang2013.


No comments:

Post a Comment