Saturday, March 2, 2013

MY GREATEST PRAYER REQUEST


PANALANGIN PARA SA LINGKOD NG DIYOS

“Mga anak, kailangan na kailangan ko ang inyong panalangin.  Kulang ang katawan ng inyong Tatay sa dami ng kaluluwang ililigtas ng Diyos ngayong huling kapanahunang ito.  Kung maaari lang ay hatiin sa pito ang aking katawan ay gagawin ko.  Sapat na ang inyong pag-ibig, pagtitiwala, pagsunod at pag-aayuno’t pananalangin upang magampanan ko ng maluwalhati ang napakalaking tungkulin na iniatang ng Diyos sa buhay ko.”
Apostle Renato D. Carillo
(28 Oct 07, cuneta astrodome)

“ O aming Ama, dinggin aming panalangin
Ibayong lakas at perpektong kalusugan
Iyong ibasbas sa Iyong lingkod
Nang kanyang pagsisilbiy maging pagpapalang lubos.”

“Aming Ama, hindi magagawa ng Lingkod Mo ng buong kagalingan ang kanyang tungkulin kung banat na banat sa pagod ang kanyang isip, emosyon, at katawan.  Nasulat sa Marcos 6:31 na noong pagal na pagal ang Iyong mga disipulo sa paglalakad para magsermon, kinilala mo ang pangangailangan nilang magpahinga at silay inanyayahan mong sumama sa isang tahimik na lugar kung saan makapagpapahinga sila at magkakaroon ng panibagong lakas.

Ama, hindi man po hangad ng Lingkod  mong makapagbakasyon sa isang maganda at mainam na lugar upang makapagpahinga ay Iyo pong pahintulutan.  O Ama, kailangan na kailangan po ng Iyong Lingkod ang isang balanseng maka-Diyos na pagsunod sa Iyong utos.  Aming Ama, bumuo kapo ng isang Milyong Hinirang upang manalangin araw at gabi para sa Iyong Lingkod sapagkat imposible mang mangyari ngunit maaaring mawala ang bisa niya sa paglillingkod kung walang uusal ng panalangin para kanya.

Aming Amang dakila, hindi lingid sa aming bilang na bilang na ang araw ng mundong ito dahil ang Iyong Anak na si Hesus ay muling babalik para sa amin. Sa katotohanag ito, lalong lalawak ang pagmiministeryo ng Iyong lingkod kayat hiling namin sa Iyo ay  bigyan Mo siya ng sapat na oras para sa pagpapanibagong lakas sa Iyong presensya, pagpapahinga sa isang magandang panuluyan, masaganang pagnunutrisyon, nag-uumapaw na biyaya at mabuting paglilibang sampu ng kanyang pamilya, mga pastor at mga nagbigay ng buhay para makasama niya sa paglilingkod.

Ama, kung dama po niyang hindi siya makapagpahinga sa dami ng nangangailangan sa kanya, o Ama, anyayahan Mo po siya sa isang tahimik na lugar at hayaang makahilig sayo at humimlay sa matamis Mong presensya.

Ama, kailangan Mo ang Iyong Lingkod at kailangan din naming mga anak Mo ang Iyong lingkod na hinirang.

Aming Amang makapangyarihan sa lahat, salamat po sa kasagutan ng aming panalangin para sa Iyong Lingkod.  Napakabuti Mo sa amin.  Napakabuti Mo sa Jesus Is Our Shield Worldwide Ministries Oras Ng Himala.  Napakabuti Mo kay Apostle Renato D. Carillo.  Ama, purihin ang Iyong ngalan, magpakailanman… AMEN.”

Written by Yhang2013.


No comments:

Post a Comment