“GOD IS THE AUTHOR OF CHANGE”
(Title)
(SUNDAY AFTERNOON SERVICE, 15 MARCH ’09
OBSERBASYON:
Napakabuti
ng Diyos sa araw na ito. Wala syang
katulad sa kabutihan, wala ng papantay sa tindi ng pag-ibig niya, at wala ng
hihigit pa sa bigat ng kanyang pasaning bigyan ng tunay na pagbabagong-buhay
(isang buhay na ganap at kasiyasiya) ang bawat tao.
“GOD
IS THE AUTHOR OF CHANGE” ang tema ng napaka- dakilang kapahayagan na pinangaral
ng lingkod ng Diyos “Apostol Renato D. Carillo” sa araw na ito, na nagdulot ng
napakalaking pag-asa sa puso ng lahat na ang ‘pagbabago’ ng takbo ng buhay at
bansa ay hindi mahirap maranasan at makamit basta’t si Cristo ang lalapitan at
hihingian ng tulong.
Dahil
pinatunayan ng Diyos na ang pagbabago ay isang katotohanan, ang lahat ng
nagsidalong may sakit at karamdaman sa araw na ito ay gumaling lahat. Silang lahat ay nagsiuwing taglay ang
pagbabago sa kanilang mga pisikal na pangangatawan. Ganundin, sa lahat ng nagsidalo ang pagbabago
sa moral at espiritwal ay tunay na namalas.
Purihin
ang Diyos! Kay Cristo, ang tunay na pagbabago ay totoo. Amen.
TEACHING:
2 Bagay na kailangang gawin
upang mabago ang takbo ng Pilipinas:
1. Tuloy-tuloy na dalhin o
idirekta sa Panginoong Jesus ang lahat (huwag ng idaan sa relihiyon, doktrina,
dogma, katesismo, haka-haka, kuro-kuro).
2. Kung sila’y nasa Panginoon na,
i-follow up sila ng Word of God.
(kapag ang 2 ito’y in-aply, ang
totoong pagbabago ay darating, for God alone is the author of Change).
1 TIMOTEO 2:5-6
sapagkat
iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si
Cristo Jesus na naghandog ng kanyang buhay upang tubusin ang lahat. Siya ang katunayan ng banal na layunin ng
Diyos at nahayag sa takdang panahon.
Ang lahat ng needs ng
tao, ang source ay nasa Diyos lahat (salvation, healing, deliverance, revival,
restoration, blessing, favor) ngunit ito’y darating lamang sa tao tru our Lord
Jesus Christ. Ang sinumang lalapit sa
Diyos Ama na hindi dumaan kay Jesus ay hindi valid sa Diyos Ama. Lahat ay kailangang dumaan kay Jesus for
there is only one mediator & that is Jesus.
FILIPOS 4:19
At
buhat sa kayamanan niyang hindi mauubos, ibibigay niya ang lahat ng inyong
kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
JUAN 3:16-17
“Gayon
na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang
bugtong na Anak upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang
maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.”
LUCAS 19:10
“Sapagkat
naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.”
Transformation- change,
convertion
“God is the author of transformation”
Dati, ang pangalan ni Pedro ay Simon, ng
ma-encounter niya ang Lord tru Andres, kaagad ang pangalan niyang Simon ay
napalitan ng Pedro, bakit? Sapagkat ito’y tanda na si Pedro ay nabago. Na-encounter niya ang author ng Change of
life.
Hindi totoo na gusto
nating magbago dahil sa problema, suliranin o krisis na kinakaharap natin. Ang totoo’y sumisigaw na tayo ng pagbabago
dahil sawang-sawa na tayo sa paggawa ng kasalanan.
Kapag nananalagin na
tayo ng pagbabago, darating ang Panginoon upang i-rescue tayo. Kapag nagmithi tayo ng pagbabago, anumang uri
at klaseng tao tayo, tatanggapin tayo ng Diyos at tutulungang magbago. May kayamanan at kasikatan man tayo, ngunit
di tayo maligaya at mapayapa, kailangang mag-desisyon tayong magbago ng buhay.
HEBREO 9:22
Ayon
sa Kautusan, halos lahat ng bagay ay nililinis sa pamamagitan ng dugo, at
walang kapatawaran ng kasalanan kung walang pagbububo ng dugo.
1 JUAN 1:7
Ngunit
kung namumuhay tayo sa liwanag, tayo’y nagkakaisa at nililinis ng dugo ni Jesus
na kanyang Anak sa lahat ng ating kasalanan.
Kapag tayo’y nagkasala, kailangang tumingin
ulit tayo sa krus, huwag nating kundinahin ang sarili natin. Ang krus ay may eternal power upang mag-alis
ng kasalanang nagawa na, maging ang hindi pa nagagawa.
We have to understand
that no one can change us. God alone is
the author of change-politically, economically, traditionally, upbringing,
thought, action, speech, inside & out.
Ang pinakamasarap
matanggap sa church ay hindi pagkain at material kundi si Jesus, ang benefits
ng cross at ang alok niyang buhay na walang-hanggan sa langit.
Ano ang kahalagahan ng
Pagbabago?
Kapag
tumigil na tayong magbago, titigil na rin ang kaligayahan at kapayapaan sa
buhay natin. Ang tunay na kaligayahan at
kapayapaan ay bunga ng pagbabago sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.
Ang
dahilan kung bakit di-gumagaling ang marami dahil binase nila ang kanilang
faith sa doktrina at teaching about healing hindi sa author of healing “Jesus”.
Ayaw ng diablong maipangaral si Cristo sa
mga Islam at Communist nation dahil ayaw niyang maligtas at mabago ang mga
bansang ito; higit sa lahat, ayaw niyang ang buhay ni Cristo at lahat ng nasa
kanya ay suma-kanila, dahil kapag kulang ang tao (kaligayahan, kapayapaan,
kalusugan, biyaya) ay hindi nila mae-enoy ang buhay. Kapag di nila na-enjoy ang buhay, hindi nila
pasasalamatan ang Diyos at mimithiing makilala, for to have the Lord is to Have
everything.
JUAN 1:3
Sa
pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang
hindi sa pamamagitan niya.
COLOSAS 1:15-17
Si
Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita, at siyang may kapangyarihan sa
lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng
nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga naghahari at
namamahala, mga namumuno at may kapangyarihang espirituwal ay pawang nilikha ng
Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.
Siya’y una sa lahat, at sa kanya nakasalalay ang kaayusan ng lahat ng
bagay.
ROMA 8:32
Hindi
niya ipinagkait ang sarili niyang Anak kundi ibinigay para sa ating lahat. Kung naipagkaloob niya sa atin ang kanyang
Anak, hindi ba niya ipagkakaloob sa atin ang lahat ng bagay, kasama ng kanyang
Anak?
The more na hinahanap natin ang biyaya, the
more na ito’y mawawala. Ang
pagkaabalahan ng church dapat ngayon ay unahin ang kaharian ng Diyos upang ang
lahat ng nasa Diyos ay idagdag sa atin.
The higher is our
spirituality, the higher is our material wealth. Marami kahit nagtatrabaho ay di umuunlad
dahil sila’y spiritually bankrupt. Kapag
ika’y spiritually bankrupt, ikaw ay financially bankrupt. Maraming mayayaman ang naba-bancrupt sa
negosyo dahil ang espiritu nila’y bankrupt.
Ang lahat ng blessing ay galing sa espirituwal. It takes the Spirit of God to have revelation
& perfect understanding of God’s Word.
Kapag inuuna natin ang
kaharian ng Diyos, ang biyaya niya ay maidadagdag sa atin (be added unto us),
ngunit ang hindi mag-uuna sa kaharian ng Diyos, ang lahat ng nasa kanya ay
aalisin pa (be removed unto us). Kung gaano
karami ang kinain nating Word of God, ganoon din kadami ang biyaya natin. Si Jesus ay hindi lang alternative at
prayoridad kundi dapat maging lahat-lahat sa atin upang hindi tayo makaranas ng
pinggang walang pagkain at pitakang walang pera.
Hindi
magkakasakit ang sinuman ng walang dahilan kahit super pagod at puyat, kung ang
puso niya ay malinis. Hindi basta-basta
magkakasakit ang taong may malinis na puso, dahil ang pagkakasakit ay laging
konektado sa kalagayan ng puso (pag-aalala, paghihinanakit, pagkapoot, sama ng
loob), ngunit magkasakit man tayo at magkasalang muli, kapag tayo’y bumalik sa
Cross, magaling at pinatawad na tayong muli.
ang Cross ang ating eternal medicine na kapag ininom natin, ang lahat ng
ating karamdam, kasalanan at kahirapan at mawawala.
Hindi ka maba-baptize
ng Holy-Spirit malibang tanggapin mo muna si Cristo, dahil ibinigay lang ni
Cristo ang banal na Espiritu ng siya’y matapos ng mamatay sa Cross upang maging
gabay ng mga nanalig sa kanya. Kapag
tinanggap mo na si Cristo, maaari ka ng ma-baptize ng Holy-spirit. Ang Initial Evidence na ika’y na-baptize ay
ikay magi-speaking in toungues. At ang
Great Evidence na ika’y na-baptize ng Holy-Spirit ay ikay magiging soul winner,
devil-chaser at performer ng signs, wonders & miracles.
Walang power sa kahoy
na krus, kundi ang power ay na kay Cristo na napako sa krus. Maraming enemy of the Cross dahil ayaw sa
Apostol. Di ka maaaring makapag-breaking
of the bread malibang makapakinig ka muna sa apostol.
GAWA 2:42
Nanatili
sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa
pagpipira-piraso ng tinapay, at sa pananalangin.
Ang basehan na napaparangalan mo ang Diyos
hindi dahil marami kang kongregasyon, dahil ang hindu ay milyon ngunit di nila
napaparangalan ang Diyos.
Hindi tayo dapat
ma-encourage sa galing ng pagtuturo ng isang pastor kundi sa pamumuhay niya
kagaya ni Cristo.
MINISTRY- the manifestation &
evidence of the glory, character, works, will, ways, wisdom, nature, meekness,
tenderness, compassion & the love of the son of God (living like Jesus).
If
you are a Living like Jesus, you are a minister & you have a ministry. Kahit archbishop ka pa ngunit di ka LLJ at
walang mandate, you are useless & an illegal minister. No mandate, no ministry. A minister w/o a mandate is illegally
positioned.
Mandate:
Noah- to build the ark.
Moses- to lead the Israelites to
the promised land.
TRUE CHURCH- the glory of God was
evident, the life of Christ was seen, has the mandate, signs, wonders &
miracles are true.
Ang kilalanin mo ang Diyos ay walang wakas
kahit nalibot mo na ang mundo sa pagmiministeryo ay di ka dapat humintong
kauhawan at kagutumang kilalanin ang Diyos,
1 CORINTO 5:17-18
Kaya’t
ang sinumang nakipag-isa kay Cristo isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siya’y bago na.
Ang pagbabago ay na kay Cristo (ang
sinumang na kay Cristo ay isa ng bagong nilalang), tiyak ang pagbabago kay
Cristo (wala na ang lumang pagkatao, lahat ay bago na).
No comments:
Post a Comment