Friday, May 31, 2013

“HE WHO WINS SOULS IS WISE”

“HE WHO WINS SOULS IS WISE”
(Title)
(SUNDAY THANKSGIVING DAY, 22 MARCH 09)

OBSERBASYON:

Sa araw na ito, ang Panginoong Jesus ay paulit-ulit na nangungusap sa buhay ng kanyang lingkod “Apostol Renato D. Carillo” na ‘anihan na!’,  matatalino ang nagliligtas ng mga kaluluwa.  Ito’y kanyang paulit-ulit na sinasabi sa katotohanang ang mga senyales ng kanyang pagbabalik ay malawakan ng namamalas ng lahat ng tao sa buong-mundo, hindi lihim kundi hayag.

“HE WHO WINS SOUL IS WISE’ ang temang ipinahayag ng lingkod ng Diyos sa araw na ito, na anupa’t damang-dama naming lahat ng nagsidalo na ang mga kaluluwa’y uhaw na uhaw at gutom na gutom na sa kaligtasan at kapayapaang  alok ni Cristo; na kailangang magmadali na ang mga kristiyanong anihin sila dahil kung hindi, tiyak na ang mga kaluluwang ito’y iiyak at mamatay na ‘di ligtas.

Sa araw ding ito, ang buong Jesus Is Our Shield-Oras ng Himala ay nagbalik pasasalamat sa Diyos at galak ng galak na lumuwalhati sa Diyos dahil sa dakilang bagay na pinangyari ng Diyos sa anibersaryo ng Oras ng Himala sa Araneta Coliseum-21 March 09.

Suma-Diyos ang lahat ng tagumpay at suma-diyablo ang lahat ng pagkatalo.  Amen.

TEACHING:

Ang mga senyales at tanda na nangyayari ngayon ay tanda na si Jesus ay parating na…
*increase of technology(technology is for the endtime for it is a tool in spreading the gospel with speed and urgency)
*the gospel of the Lord was preached worldwide-mat.24.14
           
Ang utos ng Diyos sa lahat ay hindi ‘be ready’ at ‘get ready’, kundi ‘live ready’ at ‘rapture ready’.
            Ito na ang panahon ng kamatayan sa sarili, mabilis na pagsunod na walang opinion at pagbubulay-bulay.
            Kung maghahanda ka lang dahil nakakita ka na ng mga tanda, disqualified ka sa rapture, ngunit kung nabubuhay ka sa paghahanda, kandidato ka sa rapture.

Gospel is all about the Lord Jesus Christ, His death & resurrection, His redemptive work on the cross, His offering of salvation & eternal life.
Ministry is all about Jesus, not about our talent, ability, skills, beautiful voice, long preaching, theology, divinity, doctorate…

Jesus said: Preach the gospel!
           
Anuman ang pakiramdam mo, ayaw man ng pakiramdam mo, may kinakain ka o wala, may pera ka o wala, nasa bundok ka o nasa siyudad, sikat ka o hindi, may building ka o nasa kalsada, may bagyo o wala, you must preach the gospel.
            The only one who can encourage us to preach the gospel is the Lord.  People who don’t want to preach the gospel are people who don’t encounter God night & day, don’t have the time to pray & fast.  Our motivation why we preach the gospel is because Jesus commanded us & we love the one who commanded us.  Jesus not commanded us to preach the gospel when we have a job, support, when we graduate.  Jesus commanded us to preach because anytime He will return & the people must hear the gospel.  Ang Cristianong hindi nagliligtas ng kaluluwa ay ignorante at mangmang for Jesus said, “those who win souls is wise.”  Ang dahilan kung bakit walang naliligtas sa isang bayan dahil walang nangangaral.  Kahit kumpleto ka ng lahat ng means & ways to preach the gospel ngunit di ka kumikilos ay walang maliligtas. 
Kapag ang oras at panahon mo’y hindi mo inubos sa pagganap ng kalooban ng Diyos, ikaw ay valedictorian sa kamangmangan.  Minsan lang tayo mabuhay at pagkatapos ay eternal life so I suggest that “we have only one life, so use it wisely for lost time can be regain but lost life cannot be regain.”
If we’re not able to display the power of the gospel, we’re not qualified to preach the gospel, because a gospel full of head-knowledge  is useless but a gospel full of God’s power is a blessing.

FILIPOS 3:17
            Mga kapatid, magkaisa kayong tumulad sa halimbawang ipinakita ko sa inyo.  Kami ang gawin ninyong huwaran.  Masdan ninyo ang lahat ng sumusunod sa mga halimbawang ito.
           
Bakit laging hinahalimbawa ng mga apostol ang kanilang sarili? Dahil ang buhay ni Cristo ay nasa kanila.  Mayroon silang maipapakitang ehemplo.

LUCAS 22:35
            Pagkatapos, tinanong sila ni Jesus, “Nang suguin ko kayo nang walang dalang lukbutan, supot, o panyapak, kinulang ba kayo ng anuman?” “Hindi po,” tugon nila.
           
Nagugutom ang mga naglilingkod sa Diyos dahil hindi sila nagliligtas ng kaluluwa.  Malibang mag-trabaho ka, saka ka lamang makatatanggap ng suweldo. Kapag ang goal lang ng naglilingkod sa Diyos ay magpala lamang, di siya uuwi ng walang biyaya.  Kapag naghihirap ang pastor, manggagawa at kongregasyon, hindi sumusunod sa Diyos iyan.  Kapag sinasapamuhay lang ng Cristiano ang Lucas 6:38, mag-uumapaw ang lahat sa biyaya.
            Kapag ang ating espiritu ay na-kontrol na ng sinuman at dina makagalaw,  mag-desisyon na tayong manindigan sa ikalalaya natin.
            Lalago lang tayo sa espiritwal kapag nagliligtas tayo ng kaluluwa dahil marami kang mae-encounter at Diyos mismo ang magtuturo sa’yo ng kanyang kaparaanan at bibigyan ka niya ng pabor.
            Kapag may nagtanong kung ano ang ministry natin, answer them: Living like Jesus for ministry is all about Jesus.
            Spend our time wisely tru preaching the gospel.  Living alone is not boring, just go out & spend your time preaching & you will discover that you are not alone.  Our heart & mind must be fix on what God has commanded us to do.

1 CORINTO 9:16
            Hindi ngayo’t nangangaral ako ng Mabuting Balita ay maaari na akong magmalaki.  Iyan ang tungkuling iniatang sa akin.  Sa aba ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita!
LUCAS 19:10
            Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.”
LUCAS 9:23-25
            At sinabi niya sa lahat, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin.  Ang naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon.  Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong snlibutan kung ang katumbas naman nito’y kanyang buhay? Ano nga ang mapapala niya kung siya’y mapahamak?

CROSS/CRUCIFIXION: The place of unending joy & victory.


No comments:

Post a Comment