Friday, May 31, 2013

“YOU SHALL KNOW THE TRUTH AND THE TRUTH YOU KNOW SHALL SET YOU FREE”

WRITTEN REPORT
(MARCH 2009)

Revelation&Prophetic Word 
Of the Man of God
 ‘Apostle Renato D. Carillo’
OBSERVATIONS AND
SUMMARIZE TEACHINGS
(Write-Ups)


Reported to: Apostle Renato D. Carillo
Reported by: Yhang Cabrera-Cupang Antipolo Chapter

“YOU SHALL KNOW THE TRUTH AND
THE TRUTH YOU KNOW SHALL SET YOU FREE”
(Title)
BY: APOSTLE RENATO D. CARILLO
(CENTRALIZED SUNDAY SERVICE, O1 MARCH 09)


OBSERBASYON:

            Hindi kayang ipaliwanag ng lubos sa pamamagitan ng salita ang dakilang bagay na naganap at nangyari sa araw na ito.  Hindi maipaliwanag, sa kadahilanang una; ang pagpapamalas niya ng kanyang walang-hanggang katapatan sa “Jesus Is Our Shield Oras ng Himala” ay nagpapatunay na lubos niyang kinalulugdan ang ministeryong ito.  Nagsimula sa ‘kalsada’ sa bilang na iilan, nalipat sa ‘auditorium’ sa bilang na daan-daan, at sa araw na ito ay nag-desisyon ng ganapin ang pagtitipon sa ‘liwasang-bayan’ dahil sa libo-libong buhay na hindi maawat sa pagdami.  Pangalawang kadahilanan ay ang walang-hanggang pag-ibig ng Diyos sa ministeryong ito ng kanyang apostol.  Noon, ang ‘body of Christ’ sa Pilipinas ay sarado at  walang balak pagbuksan ng pinto ang lingkod ng Diyos ngunit sa araw na ito, ayon sa mga report na ipinaabot ng “Chairman in JIOSWM Worldwide Convention” sa buhay ni “Ptr. Reynaldo D. Carillo”, ang body of Christ ay nagsisimula ng buksan ang kanilang mga pintuan upang maipadama ang kanilang pagtanggap at pag-ibig sa buhay ng lingkod ng Diyos-Apostol Renato D. Carillo, aleluya!  Dakilain ang Diyos! Pangatlo, sa kadahilanang ang walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos sa pagliligtas ng mga buhay sa ministeryo ng kanyang apostol ay malayong-malayo na kumpara noon.  Sa araw na ito, nasaksihan namin ang pagpapagaling ng Diyos sa mga buhay na may sakit at karamdaman, na kahit sila’y nasa upuan at ‘di pa ipinapanalangin ng lingkod ng Diyos-silang lahat ay gumagaling na!  Ang pagliligtas ng Diyos ng mga buhay ay sumasaklaw na sa lahat ng uri at klase ng tao.  Sa pamamagitan ng “Mission of Love”, ‘di mabilang na kapus-palad na mga pamilya ang pinasagana ng Diyos at sa pamamagitan din naman ng maraming imbitasyon para sa lingkod ng Diyos, ang mga nasa ahensya ng gobyerno, mga prominenteng tao, kilala, sikat at tanyag na mga tao sa lipunan ay inaabot na rin ng Diyos ng salita ng pagliligtas, aleluya! Purihin ang Diyos!  Pang-apat, sa kadahilanang ang walang-hanggang panukala ng Diyos sa bibliya ay isa-isa niya ng nilalahad sa perpekto at ganap nitong kahulugan na tunay na magpapalaya sa sinumang makakarinig.  Sa araw na ito, dakilang katotohanan ang aming napakinggan na pinamagatang “You shall know the Truth and the Truth you know shall set you Free”, aleluya! Sa Diyos ang lahat ng kataas-taasang parangal sa dakilang bagay na pinapangyari niya sa ministeryo ng kanyang lingkod.  Sa katotohanan ng kanyang salita na naririnig sa radio, telebisyon at mga pagtitipon!  Amen!

TEACHING:

JUAN 8:31-32
            Sinabi naman ni Jesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya, “Kung patuloy kayong susunod sa aking aral, tunay ngang kayo’y mga alagad ko; makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”
            Ang kamatayan, sakit, karamdaman, kahirapan, takot, kabiguan, kasawian at suliranin ay maiiwasan kapag ang katotohanan ay malalaman.  Ang katotohanan lamang ang susi upang tayo’y makalaya sa lahat ng ito.  Sapagkat ang katotohanan ay may dalang kalayaan; hindi pansamantalang kalayaan kundi panghabang-panahong kalayaan.  Ang katotohanan ay masusumpungan kung atin itong hahanapin sa Salita ng Diyos.

JUAN 19:30
            Nang masipsip ni Jesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.
            Tapos na ang kapangyarihan ng kapahamakan, sakit, karamdaman, kahirapan, kasalanan, kasamaan ng si Jesus ay namatay sa krus ng kalbaryo 2,000 taon na ang nakakalipas.  “It is done!” This truth brings everlasting joy, true peace and eternal life.  We must know this truth for this truth is all about what Jesus has done on the Cross.  The Cross is the very key in order for us to have unending & eternal victory; the Cross is the centre of all joy, the very root of true peace.  We must know the truth of the Cross because if not, we will suffer from God’s judgment and miss the benefits of the Cross.

1 JUAN 2:1-2
            Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo para hindi kayo magkasala.  Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapamagitan tayo sa Ama.  At iya’y si Jesu-Cristo, ang walang sala. Sapagkat si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin, at kasalanan din ng lahat ng tao.
            Ang lahat ng masasama at pangit na naghahari sa buhay ng tao ay nilupig na ni Jesus, tinalo niya na, winakasan niya na sa krus.  Ang kapangyarihan nito ay totally inalis niya at pinalitan niya lahat ng sakdal at mabubuting bagay.  Ang atin lamang gagawin upang hindi na ito muling maghari sa atin ay mabuhay kagaya niya, tupdin ang kalooban ng Amang sumasalangit at lumakad sa liwanag ng kanyang salita.  Kapag ito’y ating ginawa, ang kapangyarihan ng masasamang umaalipin sa atin noon ay hindi na babalik kailanman.  Once na tayo’y sumuway, lahat ng masasamang bagay na umalipin sating nawala na ay muling babalik; kaya’t ang mga apostol ay nagtuturong mabuhay tayo kagaya ni Cristo upang ang winakasan ni Cristo sa krus ay hindi na muling bumalik sa atin.
            Dahil sa kawalan ng perfect revelation at interes sa salita ng Diyos, marami ay umaalis sa pananampalataya at tumatalikod.  Dahil dito, ang nawalang bunga ng kasalanan(sakit, karamdaman, kahirapan) ay muling bumabalik.  Kapag ito’y nangyari, kailangang tumingin uli tayo sa Cross, i-confess ang pagkakasala upang ang lahat ng bumalik sa atin ay alisin muli ng Diyos.  We must lose the blood of Jesus again, look to the Jesus and receive the benefits of the Cross
            Hindi sapat na makinig at sumulat kundi dapat ang Salita ng Diyos ay binubulay-bulay natin araw at gabi upang sa gano’y mabigyan tayo nito ng abilidad na masunod ang kanyang salita. Halimbawa, nahihirapan kang magpatawad, bulay-bulayin mo ang Salita niya patungkol rito at ikaw ay matututong magpatawad.  Kung saang area ng buhay mo nagi-struggle ka, dapat bulay-bulayin mo ang mga verses patungkol dito at bibigyan ka ng Lord ng strength from heaven upang masunod ito.  If you want to be free from bondages, you must decide to obey the Word of God for the truth of the Word of God will set us free.
            Ang “Kagalingan sa sakit at karamdaman” ay para lamang sa mga taong hindi pa kilala ang Diyos, makikilala pa lang siya.  Ang “Perfect health” ay para sa mga nabubuhay kagaya ni Cristo.  Kapag ikaw ay mananampalataya na kay Cristo at nagkasakit, di mo na kailangang magpa-pray pa ng ‘prayer of healing’ kundi ‘tanggapin mo na lang ang kagalingan’ dahil matagal na itong available.  Ang nangangailangan lang ng ‘prayer of healing’ ay mga taong makakakilala pa lang kay Cristo.

Bakit tayo nagkakasala at namimiss ang benefits ng Cross?
*Dahil tayo’y sumuway.  Tayo’y sumuway dahil ‘di natin binulay-bulay ang Salita ng Diyos.  Kapag lagi nating binubulaybulay ang Salita ng Diyos, malalaman natin ang katotohanan.  Kapag nalaman natin ang katotohanan, magkakaroon tayo ng mithiing lakaran ito.  Kapag ito’y ating nilakaran, magiging ecxiting ang buhay natin araw-araw.  Kapag naging exciting ang buhay natin araw-araw, praise God dahil tayo na ang pinaka-maligayang taong nabubuhay.

MISSION OF LOVE- Love in action, love express means a way of life.
           
Kapag ang pag-ibig mo ay galing sa langit, hindi ka lang magbibigay kundi magsasakripisyo ka pa.  Ang nagmamahal kagaya ni Cristo ay hindi nagbibigay lang dahil siya’y pinagpala kundi kung wala siya, gumagawa siya ng paraan upang makapagbigay.  Kung nais nating mabuhay kagaya ni Cristo, we must surrender all.
            Kapag tumatayo ang Lingkod ng Diyos, ang Diyos ay nagsisimula ng magsalita at hanggat nakatayo ang Lingkod ng Diyos, ang Diyos ay hindi tumitigil magsalita kaya’t ito’y direct to the point at life-changing.  The voice of the man of God is the voice of God.
            Kapag fulltime ka sa ministry, hindi ibig-sabihin na sinurrrender mo na ang lahat.  Nakabase sa pagsunod mo sa lahat ng inuutos niya ang pagsu-surrender mo ng buhay.  Once the Lord revealed himself to us, ang tanging sasabihin niya ay ang “Will” ng God the Father directly.  Kapag tayo’y kinausap niya, matututo tayong mag-humble ng totoo sapagkat malalaman nating sino tayo upang kausapin ng may lalang sa atin.  Kahit edukado tayo at mayaman, we are useless and nothing malibang mahabag ang Diyos sa atin na tayo’y gamitin at bigyan ng tungkulin.
            Inuutusan tayo ng Lord na magbigay at magsakripisyo hindi magbilang ng pera sa pitaka.  Inuutusan tayo ng Lord na magpadama ng pag-ibig sa kapwa hindi malungkot at mag-alala.  Kapag ang Diyos ay nagliligtas ng ‘di mabilang na kaluluwa at ang ginagawa niyang pagliligtas ay dakila at ‘di ordinaryo, saklaw ang lahat ng klase ng tao(mayaman, mahirap, prominente, mangmang, tanyag, ordinaryo), siya ay umaasa rin na ang pagbibigay, pagkakaloob at pagsasakripisyo natin ay dakila din at ‘di ordinaryo.
            When God blessed us, promoted us and exalted us in our job, work, business and ministry, it means na nais ng Diyos na higitan pa natin ang pagkakaloob na ginagawa natin sa nakalipas upang mas marami tayong mapagpala.  God do great things in our life not because we are something great, NO! but God do great things for us for the sake of other people to be bless by our life.  We are a blessing.


GOD SAID:
“Anak, kapag nakakita ka ng anumang uri ng pangangailangan (sakit, karamdaman, kahirapan sa pamilya, katrabaho, kapitbahay, bayan at bansa) i-minister mo sila, magkaroon ka ng bahagi, magpala ka at ika’y aking bibiyayaan.
            God is commanding us that when we see a need, we must minister them, share the love of Christ, bless them, sacrifice for them- that is “Love in Action”.
           
Kung bakit natutulog ang kaligtasan ng marami at ‘di nadadama ang pag-ibig ni Cristo dahil ang mga mananampalataya ay natutulog din at ayaw kumilos upang magpadama ng pag-ibig.

GOD SAID:
“Kapag may pangit na naganap sa isang pamilya, trabaho, kapitbahay, bayan at bansa, walang ibang dapat sisihin kundi ang mga anak Ko na nasa lugar na iyan dahil hindi nila ginagampanan ang kanilang responsibilidad.
            Kapag hindi natin ginamapanan ang ating responsibilidad sa Diyos gaya ng pagliligtas ng kaluluwa, pananalangin, pag-aayuno, pagkakaloob, pagbibigay at pagsasakripisyo, tayo ang mananagot kapag ang mga kaluluwang nasa paligid natin ay napahamak.
           
Kapag tayo’y nagbubulaybulay ng kanyang salita, hinangad natin ang katotohanan, ito’y pinaniwalaan at kinain, sa araw at oras na iyan, tayo ay biglang mailalagay sa isang mataas na kalalagyan sapagkat tayo’y dadalawin ng Lord.  No need to wait after a weeks, no need to attend seminars but that moment, our life will transformed.  When we transformed, we will have the strength to move on.  When we have the strength to move on, we will have the power to do greater works!
            Sa ayaw at sa gusto natin, anumang desisyon na ating gagawin, tiyak na ito’y may epekto sa lahat.  Kapag tayo’y sumuway sa salita ng Diyos, may masama itong epekto sa lahat; kapag tayo’y sumunod sa salita ng Diyos, may mabuti itong epekto sa lahat.

KAWIKAAN 4:20-21
            Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti.  Pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi.  Huwag itong babayaang mawala sa paningin, sa puso mo ay iukit na mabuti at malalim.
1.PAKINGGAN MONG MABUTI- huwag pumayag na ma-distruct ka, huwag ilingon ang ulo sa kaliwa’t kanan, katabi’t likuran.
2.PAKINIG MO AY IKILING- ibigay ang teynga sa kanya, ituon ang pandinig sa kanya, intindihin at unawain ang kanyang mga sinasabi.
3.HUWAG ITONG BABAYAANG MAWALA- bulaybulayin, basahin ng pauli-ulit, alalahanin araw at gabi ang kanyang salita.
4.IUKIT NG MABUTI AT MALALIM- ilagay sa puso, kainin ng labi, isiksip sa isipan ang kanyang salita.
(kapag ating pinakinggang mabuti, ikiniling ang pandinig, hindi hinayaang mawala at inukit ng mabuti at malalim sa puso ang Salita ng Diyos, dudulutan tayo nito ng isang buhay na puno ng biyaya at tagumpay, pamumuhay na kagaya ni Cristo)

AWIT 66:18
            Kung sa kasalanan ako’y magtutuloy, Di ako diringgin nitong Panginoon…
JOSHUA 1:8
            Huwag mong kaligtaang basahin ang aklat na yaon.  Dili-dilihin mo iyon araw-gabi upang matupad mo ang lahat ng nasusulat doon.  Sa gayon, giginhawa ka at magtatagumpay.
           
Kung hindi natin pahahalagahan ang Salita ng Diyos (binulaybulay, pinanood, pinakinggan sa pamamgitan ng mga compact discs ng lingkod ng Diyos) tiyak na tayo’y manlalamig, manlalata hanggang talikuran na ang pananampalataya.
            Kapag ating binulaybulay ang Salita ng Diyos, ito’y ating maipapaliwanag ng maigi at mahihimay ng isa-isa.  Kapag ating binulaybulay ang Salita ng Diyos, tayo ay nakasumpong ng isang buhay na makulay at makahulugan, tayo’y nakasumpong ng ginto.
            Kapag ang Salita ng Diyos at ating pinakinggan, tinanggap, pinaniwalaan, binulay, sinaisip at sinapuso, tayo ay magkakaroon ng perpektong kalusugan, perpektong buhay na perpekto sa lahat ng bagay.  Gaya ni Moses, sa sobrang katandaan ay hindi nagkasakit.  Gaya ni Pablo, sa sobrang daming byahe ay ‘di nagkasakit.  Gaya ni Tatay Apostol, sa sobrang pagod at puyat ay ‘di nagkasakit.  Kapag tayo’y nagkasakit, ibig-sabihin tayo ay sumusuway sa Diyos.  But still, those who cling to the Word of God will have perfect health.  That is a fact!  God is perfect and because He is perfect, His Word is perfect and those who believe His Word will be perfect, too; therefore, Perfection is a truth.
DISCIPLE: A man and a woman who lives like Jesus.

KAWIKAAN 11:24-25
            Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay.  Ang taong matulungin ay luluwag ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.
            Kapag alam mo na ang truth ng Word of God, ‘di ka makukuntento sa blessing kundi maghahangad ka pa ng mas malaking kayamanan dahil ito ang sinasabi ng Salita ng Diyos.  Ang Salita ng Diyos ang nag-aalis ng maling kaisipan sa atin at nagtataboy ng kasinungalingan.
            Ang turo ng mundo ay “Huwag kang magbigay, nasa krisis ang mundo”, ang turo ng Diyos ay “Magbigay ka at ‘di ka makakaranas ng krisis.”
            Hindi man natin makita at maranasan pa ang biyaya ng Diyos ngayon, umaasa tayo na makikita’t mararanasan natin ito bukas.  Hindi man natin ito makita bukas, that means, iniipon ito ng Diyos.  At the perfect time, ang naipong biyaya ay aapaw sa atin.  Huwag tayong maiinip at magsasawang gumawa ng mabuti bagkus tumuloy at ‘wag manghinawa, panghinaan ng loob at mawalan ng pag-asa.
            Imposible sa mga anak ng Diyos na nabubuhay sa Word of God at sumasampalataya sa kanyang mga pangako ang ‘di magtatagumpay sa lahat ng bahagi ng buhay dahil ang “Salita ng Diyos ay totoo.”

JUAN 17:19
            At alang-alang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.
AWIT 145:13
            Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.  Di ka bibiguin sa mga pangako pagkat ang Diyos ay tapat, ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat.
HEBREO 4:12
            Sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa, higit na matalas kaysa alinmang tabak na magkabila’y talim.  Ito’y tumatagos maging sa pinaghihiwalayan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak ng sa buto, at nakatataho ng mga iniisip at binabalak ng tao.
1 HARI 8:56
            “Purihin si Yahweh! Tinupad niyang lahat ang kanyang mga pangako, at binigyan ng katahimikan ang bayan niyang Israel.  Sa lahat niyang mga pangako kay Moises, wala isa mang nasira.
AWIT 89:1-2
            Pag-ibig mo, Yahweh, na di nagmamaliw.  Ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin; ang katapatan mo’y laging sasambitin.  Yaong pag-ibig mo’y walang katapusan, sintatag ng langit ang ‘yong katapatan.
1 PEDRO 1:24-25
            Ayon sa Kasulatan, “Ang lahat ng tao ay gaya ng damo, gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan.  Ang damo ay natutuyo, at nalalanta ang bulaklak, Ngunit ang salita ng Panginoon ay mamamalagi kailanman”…
MATEO 24:35
            Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko’y hindi magkakabula.”
AWIT 33:6-9
            Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit, ang araw, ang buwa’t talang maririkit; sa iisang dako, tubig ay tinipon, at sa kalaliman ay doon kinulong.  Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa! Dapat katakutan ng buong nilikha! Ang buong daigdig sa kanyang salita ay pawang nayari, lumitaw na bigla.
JUAN 2:23
            Nang Pista ng Paskuwa, nasa Jerusalem si Jesus.  Marami ang sumampalataya sa kanya nang makita nila ang mga kababalaghang ginawa niya.
           
Ang dusa, lungkot, hirap, sakit, karamdaman at krisis ay maiiwasan kapag alam natin ang katotohanan.  Ang katotohanan ay nasa salita ng Diyos at pagbubulaybulay nito.  Kung may susunod sa Word of God, ang kahirapan at krisis ng buhay ay tapos na!
            Hindi sapat na sabihin nating “Mahal kita, o Diyos”.  Dapat ito’y pinapatunayan tru “Radical love” (walang pinag-aalala at kinakatakutan).  Di kayang tinagin ng leon, ng fiery furnace, ng martyrdom at ng kamatayan sa krus-sa mabuhay, sa mamatay.  Ang radical love na komitment ng mga anak ng Diyos ay di kayang tawaran ng mga deboto sa nazareno na 3 araw pa ang pista ay nasa luneta na, tinatalo nito ang paninindigan ng mga suicide bomber, terorista, pulitiko at mga kulto, handang ialay ang buhay alang-alang sa Diyos.
            Anuman ang kalagayan natin sa buhay, kailangang mapatunayan natin ang ating pag-ibig sa Diyos.  Minsan lang tayo mabuhay sa mundo at ang susunod na yugto ay tanggapan ng biyaya.
            Ang “Pananampalataya” ay 2 lang:  maninidigan ka o aatras.
            Kapag tayo’y nagdesisyon na para sa Diyos, kailangang disiplinado na tayo sa buhay.  Kapag tayo’y disiplinado na, kailangang maging determinado tayong gawin ang kalooban ng Diyos.  Hindi natin magagawa ang kalooban ng Diyos malibang tayo’y mag-desisyon, maging disiplinado sa pagsupil ng laman at maging determinadong matapos ang ipinagagawa ng Ama.
            Sa mata ng marami, ang radikal na pag-ibig para sa Diyos ay mali at wala sa katinuan, ngunit sa Diyos, ito’y lubos niyang kinalulugdan.

BELIEVE
B-ecause 
E-mmanuel “God is with us”
L-ives forever
I-I (personal)
E-xpect
V-ictory forever
E-veryday, everywhere, anytime and all the time!

“I believe.  I believe God.  I believe the Word of God.  I believe His promises and prophecies.  I believe.”



No comments:

Post a Comment