DAKILA
ang taong nakakapaglingkod sa
karamihan at hindi umaasa ng kabayaran.
MATAPANG ang taong ang takot ay tanging
sa Diyos niya
inilaan.
MAYAMAN
ang taong marami ang
natutulungan sa kabila ng sariling
pangangailangan at
kasalatan.
MATALINO
ang taong natutuhan ang mga
leksiyong hatid ng karanasan, kamalian at
kapaligiran.
MALAKAS ang taong alam ang kanyang
kahinaan at ito’y
kanyang
pagtatagumpayanan.
Nawa’y
bigyan tayo ng Diyos ng mga
katangiang ito at maipamuhay para sa
Kanyang
kaluwalhatian.
No comments:
Post a Comment