Friday, May 31, 2013

GOD’S INSTRUCTION, OUR OBEDIENCE AND OVERFLOWINGBLESSINGS

GOD’S INSTRUCTION, OUR OBEDIENCE
AND OVERFLOWINGBLESSINGS
(Title)
BY: APOSTLE RENATO D. CARILLO
(SUNDAY AFTERNOON SERVICE, 08 MARCH 2009)


OBSERBASYON:

            Ang araw na ito ay lubos na pinagpala at kinalugdan ng Diyos.  Pinagpala, dahil ang mga dumalong may sakit at karamdaman ay lumabas na magaling; kinalugdan, dahil ang kapahayagan na inilahad ng Diyos na pinamagatang “God’s instruction, our obedience and overflowing blessings” ay nagbukas ng isang katotohanang nagpalaya sa amin na ‘anumang pangangailangan mayroon tayo (spirit, soul and body, physically and spiritually), bago niya ito tugunan, siya muna ay mag-uutos at katapat ng pagsunod ay katugunan sa mga pangangailangan upang siya’y makakita ng pananampalataya at pag-ibig para sa kanya.’

            Napakahalaga talaga na mayroong ‘apostol’ sa iglesya.  Mawalan na ng theologian, huwag lang ang apostol dahil ang tunay na nagpapalaya sa tao ay hindi ang kaalaman patungkol sa salita ng Diyos kundi ang katotohanan patungkol sa salita ng Diyos.  Amen.

TEACHING:

Tinupad mo, Panginoon, ang pangakong binitiwan, Kay buti ng ginawa mo sa lingkod mong minamahal.
Lahat ng sasaating magaganda at mabubuting bagay (salvation, healing, deliverance, promotion, exaltation, honor, victory, blessing, perfect health, answered prayer) ay ayon sa salita ng Diyos.  Kapag wala ang salita ng Diyos, walang sasaatin.  Anumang needs mayroon tayo sa buhay (spirit, soul, body, physical, spiritual), bago ito tugunan ng Diyos, tayo muna ay bibigyan niya ng instruction (utos, salita).  Kapag ito’y ating sinunod, ang ipinangako niyang biyaya ay sasaatin.

LUCAS 5:4-7
            Pagkatapos niyang magsalita ay sinabi kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.”  Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.”  Gayon nga ang ginawa nila at sa dami ng kanilang huli ay halos magkansisira ang kanilang mga lambat.  Kaya’t kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa ibang bangka upang patulong, at lumapit naman ang mga ito.  Napuno ang dalawang bangka na halos lumubog.
            Nang sila’y sumunod sa inutos ni Jesus, ang biyaya ay nag-umapaw sa kanila. Anumang needs mayroon tayo, bago ito tugunan ng Diyos, siya muna ay mag-uutos dahil ang katapat ng pagsunod ay katugunan.

JUAN 21:4-6
            Nang magbubukang-liwayway na, tumayo si Jesus sa pampang, subalit hindi siya nakilala ng mga alagad.  Sinabi niya, “Mga anak, mayroon ba kayong huli?” “Wala po,” tugon nila.  Ihulog ninyo ang lambat sa gawing kanan ng bangka, at makahuhuli kayo,” sabi ni Jesus.  Inihulog nga nila ang lambat at hindi nila ito mahuli sa dami.
            Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay ayon sa kanyang salita.  We will never force God to supply our needs unless we obey what He command.  Do we want God to supply our needs? Then, we must obey his command.  Bago tayo makatanggap ng anumang biyaya, siya muna’y mag-uutos for God will bless us according to His Word.

LUCAS 17:10
            Gayon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami’y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.’”
LUCAS 17:12-14
            Nang papasok na siya sa isang nayon, siya’y sinalubong ng sampung ketongin.  Tumigil sila sa malayu-layo at humiyaw ng: Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!”  nang makita sila ay sinabi niya, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.” At samantalang sila’y naglalakad, gumaling sila.
            Hindi agad pinagaling ni Jesus ang mga ketongin.  Binigyan muna sila ng instruction (magpakita sa priest).  Nang sinunod nila ito, instantly sila’y gumaling.

TRUTH: God will give us the instruction tru His Word, we must obey it then, miracle & overflowing blessing will come.
           
Ang mga biyayang tinatanggap natin ay biyayang matagal ng inilaan ng Diyos.  Hindi natin kailangang humingi ng humingi ng biyaya sa Lord kundi tumanggap nalang ng tumanggap for we are already blessed.  Blessed na tayo ng tayo’y naisilang at lahat ng biyayang matatanggap natin sa mga darating pang mga araw ay mga additional blessing nalang.  Hindi natin kailangang magkaroon ng umaapaw na pera sa pitaka at nag-uumapaw na pagkain sa lamesa bago natin malamang tayo’y pinagpala ng Diyos.  We are already blessed (season or out of season) we are already blessed.  Wala man tayong pera sa bulsa at pagkain sa lamesa, kailangang ang lumalabas sa labi natin ay mga salitang puno ng biyaya at pagpapala.  Anumang salita na hindi ayon sa salita ng Diyos ay kasalanan at ang bunga nito ay karamdaman, kahirapan at krisis.

Bakit kinakailangang mag-utos ng Diyos? Dahil naghahanap siya ng pananampalataya.  Our faith is our point of contact and access to the power of God.  kapag na-contact natin ang power ng Lord tru our faith, we will be blessed.  Our faith make us prosperous, our fear make us poor.  Our faith make us perfectly healthy and wealthy, our fear make us weak and disastrous; for God said, “Fear not, only belive.”

ISAIAS 53:4-5
            Tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata, gayon din ang kirot na tayo sana ang lumasap; akala natin ang dinanas niya’y parusa sa kanya ng Diyos.  Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.  Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.
AWIT 107:20
            Sa salita lamang na kanyang pahatid sila ay gumaling, at naligtas sila sa kapahamakang sana ay darating.
MARCOS 16:17-18
            Ang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumamapalataya ay parurusahan.  Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maamno dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay.”
2 CORINTO 5:17
            Kaya’t ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang.  Wala na ang dating pagkatao; siya’y bago na.
            Anuman ang nararamdaman natin, kailangang consistent tayo sa ating pananampalatayang ‘sa mga latay ni Cristo’y magaling na ako’.  May sintomas pa man tayong nakikita’t nararamdaman, still we must confess again and again what we believe.
JUAN 6:63
            Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng laman.  Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay.
            Ang Word of God ay walang side-effect at overdose.  Sumobra man tayo sa pagsasalita ng Word of Gos, wala itong masamang maidudulot bagkus lalo tayong lalakas, sasagana at uunlad.  Wala man tayong nakikitang kagalingan at kasaganaan, we must believe na mayroon na tayo nito for “Christianity is a great confession.”  Pray man tayo ng pray, kapag di tayo marunong magsalita ng tama, di tayo gagaling sa sakit at di sasagana.  Ang Salita ng Diyos ang nagbibitbit sa pananampalataya.  Kailangang pagkagising sa umaga, kino-confess natin na “We are perfectly healthy and perfectly wealthy.”

GOD SAID: “Anak, anong ‘healing’ ang inaantay ng mga anak ko? Diba matagal ng tapos iyan sa krus? I-claim na lang nila ang healing at touch of seal.
           
Inuutusan tayo ng Lord na bulay-bulayin ang kanyang salita araw at gabi, hindi lamang ang hindi natin alam kundi pati ang mga dati na nating alam.
            Kapag tayo’y nasa gipit na kalagayan, kailangang tanungin natin ang Diyos kung ano ang iuutos niya.  Kung kailangan natin ng pera, uutusan niya tayong magkaloob.  Kung kailangan natin ng healing, uutusan niya tayong tumingin sa cross.

ROMA 8:26-27
            Gayon din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan.  Hindi tayo marunong manalangin ng wasto, kaya’t ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin, sa paraang di magagawa ng pananalita.  At nauunawaan ng Diyos na nakakasaliksik sa puso ng tao, ang ibig-sabihin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu’y lumuluhog para sa mga banal, ayon sa kalooban ng Diyos.
            Ang taong pray ng pray, hindi siya maboboring sa pananalangin dahil tuturuan siya ng Diyos ng iba’t-ibang pananalangin kaya ii-enjoy niya ang prayer at magiging exciting ang prayer sa kanya araw-araw.
            Bakit tayo nili-lead ng Holy-Spirit? Upang turuan tayo ng maraming bagay for God is a God of variety.  Iba’t-ibang prayer, iba’t-ibang tao, iba’t-ibang sitwasyon at usapin sa buhay ang ihaharap niya sa atin.

What is Prayer? Iyakan.
What is Intercessor? Iyakin.

HEBREO 5:7
            Noong si Jesus ay namumuhay rito sa lupa, siya’y dumadalangin at lumuluhagn sumamo sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan.  At dininig siya dahil sa lubusan siyang nagpakumbaba.
            Kailangang titigil tayo sa prayer kapag may peace na tayong nararamdaman sa puso.  Kapag di pa tayo nakakadama ng peace, we must continue praying (travailing prayer).
HEBREO 11:6
            At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya.  Sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos, at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya.

PRAYER- Pinapakita natin ang ating malaking mithiin.
PRAYER&FASTING- Pinapakita natin na napakalaki ng ating mithiin.

MATEO 6:16-18
“Ang Turo Tungkol sa Pag-aayuno”
            Ang taong di marunong mag-ayuno ay taong di lumalago sa pananampalataya.  Maaaring sa knowledge lalago ka pero sa spiritual understanding hindi.  Kapag di ka marunong mag-ayuno, di ka pa patay sa makamundong mithiin.

GRACE- The goodness and lovingkindness of God.

SANTIAGO 5:14-16
            Mayroon bang may sakit sa inyo? Ipatawag niya ang matatanda ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis, sa pangalan ng Panginoon.  At pagagalingin ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya.  Ibabangon siya ng Panginoon, at patatawarin kung nagkasala.  Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isa’t isa, upang kayo’y gumaling.  Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.
            Kapag nagkasakit ka, honor the scripture.  Huwag ka agad magpapa-doktor, call your spiritual elder for you to lead the repentance and to pray for your healing.
           
Tayo’y nagbibigay sa Diyos dahil nag-utos siya at mahal natin ang nag-utos.  Kung magbibigay tayo kung kailan lang tayo magkapera, ibig sabihi’y dinidepende natin ang ating pagsunod sa ating sitwasyon.  Kapag di na ayon sa sitwasyon, hindi na tayo susunod sa utos, what an ignorance.

 TIMOTEO 2:5
            sapaglat iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.

INTERFAITH- No Word of God and no Christ involved. 
                         -Hindi magkakaroon ng interfaith kung di nagkakaisa sa doktrina at paniniwala.
AWIT 121:2
            Ang hangad kong tulong, sa Diyos magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at lupa.
FILIPOS 4:19
            At buhat sa kayamanan niyang hindi mauubos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
GAWA 16:30-31
            Inilabas niya ang mga ito at sinabi, “Mga ginoo, ano po ang dapat kong gawin upang ako’y maligtas?” Sumagot sila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka-ikaw at ang iyong sambahayan.
            Bago dumating ang kaligtasan, kailangang sundin ang instruction –belive in the Lord!
           
Kailangang nagpapala tayo hindi dahil mahirap o mayaman ang tao kundi tayo’y nagpapala dahil iyon ang katangian natin.  We are a giver, we are a generous people. We give not because of the needs, but because it is our character.  Our nature is to bless. 

Bakit hindi kinakausap ng Lord ang mga mayayamang unbeliever na magpala? Dahil hindi nila nature ang mag-bless.
           
Isang simpleng pagsunod sa utos ng Diyos, kaya nitong baligtarin ang buhay natin at pagbangon ay mayaman na tayo.  Malaya ka na sa salapi at tanda na abot-kamay mo na ang kayamanan ng mga liko kapag nag-uumapaw ka sa kagalakan pagdating sa di-mabilang na bigayan (that’s a test!).

2 CORINTO 4:18
            Kaya’t ang paningin namin ay nakapako sa mga bagay na di nakikita, hindi sa nakikita.  Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita. Ngunit walang hanggan ang mga bagay na di nakikita.
            Kapag ang lagi nating tinitingnan at pinapakiramdaman ay ang sitwasyon natin, walang mangyayari sa buhay natin; ngunit kung ang tinitingnan at pina-pakiramdaman natin ay ang mga pangako ng Diyos at kanyang katapatan, ang buhay natin ay magiging makulay at maka- hulugan.
            Kung walang taga-Oras ng Himala sa isang kumpanya, ang kumpanyang ito ay matagal ng sarado.  Ang taga-Oras ng Himala ay blessing dahil ang ang taga-Oras ng Himala ay giver, generous at nabubuhay sa pagsunod sa mga utos ng Diyos.
            Faith has no alternative (pangungutang, pagsasanla) but faith is waiting to the fulfillment of God’s promises.



No comments:

Post a Comment