Tuesday, July 2, 2013

DO WE WANT TO DECIDE FOR JESUS?

By paying for our sins on Calvary’s Cross, JESUS has provided the only way of escape from judgment of hell.  We must accept JESUS offer of salvation while it is still good.  So we must not be foolish.  We must believe that JESUS died and rose again to provide us eternal life in heaven.  We must receive Him as our savior today, right now, while there is still time.  Accept God’s free gift of salvation.

Seek the Lord while He may be found, Call upon Him while He is near…. Isaiah 55:6

MY DECISION FOR JESUS:

“Knowing that I need the LORD JESUS CHRIST as my Savior, I know trust in Him to pardon and deliver me from the guilt and power of sin.  As He gives me strength, I shall witness for Him, serve Him in the fellowship of His church and seek to do His will in all areas of my daily life.”

God said it…in His Word
I believe it…in my heart
That settles it…forever
AMEN.

Visit our website: www.miraclehour.com
e-mail us: apostle_carillo@miraclehour.com


SI HESUS AY MULING BABALIK, TAYO BA’Y HANDA NA?

Mateo 24:3-14, Marcos 13:3-13, Lucas 21:7-19
Tinanong si Hesus ng kanyang mga alagad: “ANO PO ANG MAGIGING PALATANDAAN NG INYONG MULING PAGPARITO AT NG KATAPUSAN NG MUNDO?” Sumagot si Hesus… Makakarinig kayo ng mga BALITA TUNGKOL SA DIGMAAN… Magkakaroon ng MALALAKAS NA LINDOL, MAGKAKAGUTOM at MAGKAKASALOT sa ibat ibang dako.  Kailangang MAIPANGARAL muna sa lahat ng bansa ang mabuting balita.  Kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga bagay na ito, malalaman ninyong malapit na ang pagparito Niya.
Gawa 1:11
Itong si Hesus na umakyat sa langit ay MAGBABALIK tulad ng nakita ninyong pag-akyat Niya.
Mateo 24:36-44,Marcos 13:32-37,Lucas 17:26:30
MAGING HANDA KAYONG LAGI, sapagkat HINDI NINYO ALAM KUNG KAILAN SIYA DARATING.  Maaaring sa PAGDILIM, sa HATINGGABI, sa MADALING ARAW, o kaya’y sa UMAGA.

ANO ANG GAGAWIN UPANG MAGING HANDA?
Juan 3:16
TANGGAPIN si Hesus ng buong-puso.
Hebreo 12:14
MAMUHAY ng may kabanalan.  HUWAG umayon sa sistema ng mundo.
2 Pedro 3:6-18
Sa pamamagitan ng MALAKING BAHA—GINUNAW ANG UNANG DAIGDIG… Sa pamamagitan ng APOY, ang LANGIT at LUPA ay TUTUPUKIN pagdating ng Araw ng Paghuhukom at pagpaparusa sa masasama.  Yamang ganito ang magiging WAKAS NG LAHAT NG BAGAY, ITALAGA na ninyo sa kanya ang inyong sarili at mamuhay ng ayon sa kanyang kalooban… SIKAPIN ninyong mamuhay ng payapa, walang dungis at kapintasan.

BAKIT KAILANGANG MAKASAMA SA PAGBABALIK NI HESUS?

Ang lahat ng HINDI NAKASAMA(naiwan sa lupa) sa MULING PAGBABALIK NI HESUS  ay paghaharian ng mga ANTI-KRISTO at sapilitang tatatakan ng 666 o tatak ni Satanas(Pahayag 13:16-18).  Ang sinumang HINDI MAGPAPATATAK NG 666 ay wala ng pag-asa pang makaligtas sa hatol ng Impyerno(Pahayag 14:9-11,Pahayag 20:10).  Ang NATATANGING PAG-ASA na lamang upang makaligtas sa kahatulang ito at makasama ang Dios habang panahon ay IPRESENTA ANG IYONG ULO UPANG PUGUTAN(Pahayag 20:4).  MATINDING kaguluhan ang nakahanda at mararanasan ng mga naiwan sa lupa.  Nakakapangilabot na kaguluhan na sa mga panahon lamang na iyon mangyayari at hindi na maaaring maulit pa na anupat hahanapin ng tao ang kamatayan(Pahayag 9:6)

BABALA:

LABIS-LABIS ANG PAG-IBIG NG DIOS AMA kayat ibinigay Niya ang kaisaisa Niyang anak na si Hesus upang mamatay sa krus at pagbayaran ang ating kasalanan at makaiwas sa hatol ng impyerno(Roma 5:8, Pahayag 21:8).  2,000 taon na ang nakakalipas ng itoy mangyari at alalahanin nating kaya nagtitimpi ang Diyos ay upang bigyan tayo ng pagkakataong tanggapin ang alok Niyang kaligtasan, makapagsisi sa ating mga kasalanan at magbalik-loob sa Kanya, sapagkat hindi Niya nais na tayoy mapahamak (2 Pedro 3:1-15).  HUWAG maging hangal, ang sasalubungin lang ni Hesus sa alapaap sa isang kisapmata, biglang mawawala ang mananampalataya(Rapture, 1 Tesalonica 4:16-17) ay ang mga taong seryosong nananalig sa Salita ng Diyos at minahal Siya ng totoo sapagkat itoy kanyang PAKAKASALAN(Pahayag 19:5-10).


MABUTING BALITA:

Matiyaga pang nag-aantay ang Dios sa atin, kumakatok Siya sa ating puso ngayon.  Maaaring sabihin natin na matagal na natin Siyang tinaggap ngunit tayo ba’y SERYOSO? Kung maaaring dumating si Hesus ngayon, tayo ba’y HANDA?  May oras pa…baka mamaya o maaaring bukas ay huli na ang lahat…at ang pagsisisi nati’y huli na rin.


TIYAK NA NGA!DARATING NA AKO!
                                                                      -HESUS
                                                         (Pahayag 22:20)

For more information, prayer request and counseling:
Call: (02) 911-0189, 703-2024, 703-2025





KABANALAN, ANO ITO?

PAGHIWALAY SA SISTEMA NG MUNDO:
ROMA 12:1-2= …Ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog na buhay, banal at kalugodlugod sa kanya.  Ito ang karapatdapat na pagsamba ninyo sa Diyos.  Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito.  Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos…
COLOSAS 3:1-3= Binuhay kayong muli kasama ni Cristo, kayat ang pagsumakitan ninyo ay ang mga bagay na nasa langit…isaisip ninyo ang mga bagay na panlangit, hindi ang mga bagay na panlupa…

ANU-ANO ANG MGA SISTEMA NG MUNDO?
1.PALABAS SA MGA TELEBISYON, TUGTOG SA MGA RADYO, MGA BISYO, MGA MAHALAY NA KASUOTAN, MGA KINAGISNANG TRADISYON… (sa mundong ito na pasama ng pasama, dapat pag-isipan nating mga kristiyano ang mga  tanong na ito: “may kinalaman ba ang pananampalataya  ko kay Cristo sa mga pinipili kong panoorin, pakinggan, suotin, kahiligan at paniwalaan?paano nito naaapektuhan ang relasyon k o kay Cristo?nailalapit ba ako nito kay Cristo o nailalayo?”
2.COLOSAS 3:5-9=…pitang makalaman: pangangalunya, kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masasamang nasa, pag-iimbot…galit, poot, sama ng loob, panunungayaw, malalaswang pananalita, pagsisinungaling…
3.SANTIAGO 4:4= Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag kinaibigan ninyo ang sanlibuatan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Kayat sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos.


KABANALAN, GAANO ITO KAHALAGA?
1.KUNG WALANG KABANALAN, HINDI TAYO TATAWAGING MGA ANAK NG DIYOS SAPAGKAT ANG ATING AMANG DIYOS AY BANAL:
1 PEDRO 1:15-16= Yamang ang Diyos na humirang sa inyo ay banal, dapat kayong magpakabanal anuman ang inyong ginagawa, ayon sa nasusulat: “magpakabanal kayo sapagkat Akoy banal.”
2.KAPAG WALANG KABANALAN, HINDI NATIN MAKIKITA ANG DIYOS AT HINDI TAYO PAPASOK SA LANGIT:
HEBREO 12:14= Magpakabanal kayo at sikaping makasundo ang inyong kapwa, sapagkat hindi ninyo makikita ang Diyos kung hindi kayo mamumuhay ng ganito.

    Walang imposible sa Diyos, kaya ka niyang baguhin.  Hilingin mo sa Diyos na  tulungan ka Niyang mamuhay ng may kabanalan.
(anumang bagay na totoo, kagalanggalang, matuwid, malinis, kaibigibig, kapuripuri, kagalingan, nararapat na papurihan--- itoy isipin, isapuso at isapamuhay…FILIPOS 4:8)

“MINAMAHAL KA NG DIYOS”   Nais Niyang masigurado ang iyong kaligtasan.  Maraming umaayaw pagkatapos tanggapin si Cristo dahil maraming tatalikuran.  Ngunit kung mahal natin ang Diyos at ang ating kaluluwang hindi namamatay kailanman gayundiy, ayaw nating magsisi sa bandang huli--- kailangang magdesisyon tayo…CRISTO o MUNDO? LANGIT o IMPIYERNO? KASALANAN o KABANALAN?

Nagmamahal,
Jesus Is Our Shield