Sunday, March 3, 2024

ALDRIN CABRERA

 Isa sa revelation narinig ko kay Tatay hindi inalis ng Lord sa apoy si Sedrac, Mesiac, Abednego pero sinamahan niya para magovercome.


Same kay Daniel di niya inalis ang mga Leon pero pinadala niya Anghel para ingatan siya. 


Si Jesus di inalis ng Lord ang cross pero sinamahan siya ng Lord na matapos ang cross.


Ganun din sa buhay natin minsan may mga pagsubok na gusto natin ipatanggal sa Lord pero gusto ng Lord na iovercome natin ito na kasama siya matuto tayo kumapit sa kanya lalo pag wala na tayo makapitan.♥️


11 Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan.


12 Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap.


13 Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.


- FILIPOS 4:11-13 MBBTAG


Kaya huwag tayo lumayo sa Lord pag may pagsubok lalo tayo lumapit dahil bibigyan niya tayo lakas na magtagumpay.


Pag lalo tayo lumayo sa Lord pag may problema tayo mas delikado dahil vulnerable tayo sa kaaway di tayo matutulungan maiingatan ng Lord.