Lagi ninyong sikapin na ang
pangungusap ninyo’y… pakinabangan ng mga nakakarinig.
-Efeso 4:29
Matindin talaga ang problemang dulot
ng polusyon. Ang lahat ay naaapektuhan nito, pero kung tutuusin, sa atin din
ito nanggagaling.
Iba’t iba ang mga polusyon, pero may
isang uri ng polusyon na hindi nabibigyang-pansin. Ang tawag dito ng mahusay na
mangangaral na si Charles Swindoll ay ‘polusyong nagmumula sa mga sinasabi.’
Kasama dito ang pagrereklamo, panghuhusga at pamimintas.
May magbabarkadang mananampalataya na
nagkaisang solusyunan ang ganitong uri ng polusyon. Gumawa sila ng kasunduan na
wala silang sasabihing anumang makasisira sa iba. Nagulat sila, dahil halos
hindi na sila nagsasalita. Puro paninira pala ang kanilang mga sinasabi noon.
Natuto na silang mag-ingat sa kanilang mga sasabihin.
Sa Efeso 4, sinabihan ni Pablo ang
mga mananampalataya na magpasyang magbago. Sinabihan niya sila na ‘hubarin’ ang
dating pamumuhay at pag-uugaling nakakasakit sa Banal na Espiritu. Kailangang
‘isuot’ nila ang ‘bagong pagkatao’ (talatang 23, 30, 24.) Umasa tayo sa tulong
ng Banal na Espiritu (Galacia 5:16) para mabago natin ang ating ugali, mga
iniisip at mga sinasabi.
Kung nais natin na huwag maging isang
polusyon ang ating mga sinasabi, kailangan nating humingi ng tulong sa Dios at
magbago. Ito ang magandang simula ng paglilinis ng polusyon sa ating buhay.
Isinulat ni: Joanie Yoder
“Huwag
magsasalita ng anumang masasama,
Ng walang
katuturan at hindi magaganda,
O Panginoon,
paano ko po magagawa,
Ang perpektong
paraan ng pagsasalita?”
LABANAN ANG POLUSYON – MAG-INGAT SA
MGA SINASABI.