Monday, August 12, 2013
BE POSITIVE
IT IS A LAW THAT EVERY HOUR YOU THINK OF negative emotions LIKE WORRY, FEAR, HOPELESSNESS, DOUBT OR UNBELIEF, IT WILL HAVE A negative impact IN YOUR REALITY.
IT PULLS YOU DOWN FROM ANY AREAS OF SUCCESS.
IT TAKES AWAY YOUR PEACE AND HAPPINESS.
THEREFORE, USE YOUR WILL POWER TO GUARD YOUR HEART AND MIND.
WHAT YOU PLANT IN YOUR MIND WILL GROW NATURALLY AND GIVE YOU ITS CORRESPONDING FRUITS.
ALWAYS REMEMBER: SUCCESS ON YOUR OUTSIDE REALITY ALWAYS STARTS ON YOUR INSIDE REALITY.
UNLEASH THE POWER WITHIN!
POWERFUL WEALTH MAGNET TIP
The habit of GRATITUDE increases and fortifies your dreams, hope and faith.
While INGRATITUDE prevent you from falling into error of thinking that the supply is limited.
The opposite of GRATITUDE are blaming and murmuring.
Never waste time with this negative habits.
You disconnect to God by lack of GRATITUDE.
The more you are GRATEFUL, the more you are closer to God and to God's blessings.
Believe God is arranging everything for your success.
In everything, give thanks, little or big.
The more you appreciate your blessings, the more God will give you more and more things to appreciate.
While INGRATITUDE prevent you from falling into error of thinking that the supply is limited.
The opposite of GRATITUDE are blaming and murmuring.
Never waste time with this negative habits.
You disconnect to God by lack of GRATITUDE.
The more you are GRATEFUL, the more you are closer to God and to God's blessings.
Believe God is arranging everything for your success.
In everything, give thanks, little or big.
The more you appreciate your blessings, the more God will give you more and more things to appreciate.
Thursday, August 1, 2013
INSPIRATIONAL MESSAGES From Our Daily Bread
May mga tao
na kitang-kita at kilalang kilala sa kanilang paglilingkod sa trabaho at
propesyon. May iba naman na simple lang at di kilala. Nakikita man o di
nakikita ang ating mga ginagawa, gawin itong may kahandaan at paglilingkod sa
isa’t isa sa pag-ibig, sa kamalayang ang pinaglilingkuran ay ang Panginoong
Diyos…
“ Sa
malawak na lupaing may tanim na aanihin
Kahit sa
hamak na gawain, may lugar para sa akin
Sa
paglilingkod araw-araw sa maikling buhay sa mundo
Para kay
Hesus na napako dahil sa kasalanan natin…”
Ang mga
taong sa puso ay may malaking paggalang sa Diyos ay iniibig ang Panginoong
Diyos ng buong isip, kaluluwa at lakas. Ipinakikita nila ang pag-ibig na ito sa
mundo sa paggalang sa magulang, katapatan sa pag-aasawa at integridad sa
trabaho. Iginagalang nila ang buhay ng tao at pinakikitunguhan ang lahat ng may
respeto, katapatan at dignidad. Hindi nagsasabi ng masama tungkol sa iba,
anumang kasamaan ang nagawa ng mga ito sa kanila. Kuntento sila sa Diyos at
anumang ibigay sa kanila at hindi naghahangad ng kung ano. Ito ang tanda na si
Hesus ay nasa puso nila at ang kabutihan ng Diyos ay buhay sa kanila…
Anak,
Saan ka man
naroroon, ano man ang iyong ginagawa, sino man ang iyong kasama, lagi mong
tandaan na ako’y nagtatrabaho para sa iyong tagumpay.- Hesus
Ang mahalaga
sa atin sa lupa ay walang halaga sa langit—mga hindi kailangang bagay na
binibili natin at kinokolekta, mga naipon sa bangko, puhunang inireserba sa mga
korporasyon para tumubo ng malaki, kabantugan at sentro ng paghanga sa
madla. Sa pagdating ng pananaw mula sa
mundo, ano na halaga ng mga ito sa atin?
Mga
pangmundong material na ari-arian ay pansamantala lamang. Tandaan, ang tunay nating kayamanan ay nasa
langit.
“Hindi
tinubos ng pilak ni ginto man
Daan sa
langit hindi mababayaran,
Dugo lang ni
Cristo ang tanging saligan
Sa krus ay
bayad na lahat kong utang.”
Ang
nagtitipon ng kayamanan sa langit ay ang pinakamayaman sa lupa.
Hindi naman
mali ang matuwa sa mabubuting bagay na nabibili ng salapi, ngunit huwag na huwag
aasa sa kanila para sa kasiyahan sa buhay.
Kung ang ating kaganapan ay depende sa mga materyal na ari-arian, tiyak
na bigong-bigo tayo kapag nawala ang mga ito.
Ngunit kapag ang ating kagalakan ay nasa Panginoon, walang
makapagpapaalis nito kahit na kahirapan sa buhay.
“Aliwan sa
lupa, tila matamis,
ngunit
hindi binibigay ang minimithi.
Sa Iyo
lang Panginoon, sa Iyo lang
Kagalakan ko
ay nananatili.”
Nagkakasala
ba tayo sa pamumuhay na parang hindi na natin kailangan ang Diyos? Maaaring kilala natin Siya bilang
Tagapagligtas, ngunit may mga iba na tayong dini-diyos—ang ating sariling
karunungan at animong pagkasapat ng sariling kakayahan, ang ating pera at mga
naimpok, ang magandang trabaho’t masaganang pamilya. Maging Diyos man natin ang lahat ng ito, ang
tunay na kaligayahan ay wala rito.
Ang buhay ay
isang kamangha-manghang karanasan—ang makita ang Diyos na maayos na kumikilos
sa kalikasan. Kalugodlugod na malamang
narito tayo para mahalin ang Diyos higit sa lahat at ang kapwa tulad ng
pag-ibig sa sarili. Nakakaaliw na
malamang lahat ng ating kasalanan ay napatawad na sa pagkamatay ni Cristo
sa krus.
Nakasasabik ang pag-asa ng walang hanggang buhay sa piling Niya na
inihahanda para sa nananalig. O, talagang masarap mabuhay!
Ang buhay ay
tunay na nakabibigo at nakababagot kung wala ang Diyos. Ngunit kasabik-sabik kung Siya ang nasa
sentro.
Maaaring
minsan, malalalim na dagat ng buhay ang tinatawid natin, tulad ng ginto ay
dapat dalisayin sa pamamagitan ng apoy.
Ngunit sa gitna ng mga ganitong tiisin, pangako ng Diyos na lagi siyang
kasama sa hirap, nakikiramay, matapat na kaibigan. At Siya na “Diyos ng biyaya ay magpapanumbalik,
magpapatibay at magpapalakas sa inyo.” {1 Pedro 5:10}
Kahit tayo’y
naniniwala’t sumusunod na sa Diyos, hindi maiiwasang didilim parin ang buhay
natin at hindi agad magliliwanag.
Maaring lumala pa ang mga pangyayari ngunit purihin ang Diyos, iingatan
tayo ng kanyang biyaya at lilipas din ang bagyo.
“kahit
anong dilim ng daan mo ngayon
magtiwala
sa Diyos, pasisikatin din ang araw
iniibig
tayo at nakahanda na ating daraanan
laging
magtiwala sa kanyang patnubay.”
Kapag
dumating ang mga nakakatakot na pangyayari, mababawasan ang ating pagkabalisa
kapag alam natin kung sino kumukontrol dito.
Kung ang ating mundo at buhay ay nasa kamay ng walang pakialam na
puwersa, may dahilan tayo para matakot.
Ngunit ang mga kamay na kumukontrol sa sandaigdigan ay mga kamay ng
marunong at mahabaging Diyos—mapagkakatiwalaan Siya anuman ang mangyari at
hindi tayo matatakot.
Sa mga
sitwasyong tila nahihirapan tayo, mapapayapa ng Diyos ang ating balisang puso
at magbibigay katiyakan na kasama Siya sa bawat daraanang lugar at mga bagong
pinto tungo sa hinaharap. Sa pagtitiwala
natin kay Hesus bilang personal na Tagapagligtas at Panginoon, matitiyak natin
na “kasama natin si Hesus saan man tayo magpunta.” Manalig tayo—ang Diyos ang may sabi niyan!
“Tuwing
mararamdamang si Cristo ay malapit
napapawi
kabalisahan at lahat ng lungkot
siya aking
buhay, lakas at pag-asa
siya ang
lahat sa akin.”
Ginawa ng
Diyos ang bawat araw at ipapakita ng Ama ang lakas Niya para sa kapakanan natin—ngayon.
Kontrolado niya lahat ng nasa araw na ito. Lahat ay dumadaan sa kanyang karunungan at
pag-ibig at ang mga pagkakataong hirap tayo ay para lumago sa ating
pananampalataya.
“Tuwing
bagong umaga, pagbukang liwayway
bago
bumangon mula sa higaan
magalak,
matuwa, purihin ang Diyos
at sa
haharapin, siya’y pasalamatan.”
Subscribe to:
Posts (Atom)