Prayer:
Diyos
Ama, maraming salamat po dahil Iyong sinugo ang Iyong anak na si Jesu-Cristo sa
Krus ng Kalbaryo upang iligtas ang aking buhay, ang aking pamilya, ang aking
bansa at sa pamamagitan niya ay bigyan kaming lahat ng bagong buhay, buhay na
walang hanggan, masaganang buhay, malayang buhay, mapayapang buhay, malusog na
buhay, maligayang buhay. Maraming
salamat Panginoong Jesus na ikaw ay namatay para sa akin at para sa kasalanan
ng buong mundo upang sa iyong pagkabuhay na magmuli ay magkaroon ako ng kalayaan
sa lahat ng kasalanan at kagalingan sa lahat ng mga sakit at mga karamdaman.
Ito ako, bumabalik sa iyo,
nagpapakumbaba, nakakaunawa na kung wala ka ay wala akong magagawa. Kagaya ako ng sanga na malibang nakakabit sa
puno, sa iyo ay hindi mamumunga. Kagaya
ako ng isda na malibang pumunta sa tubig ay mamamatay. Panginoong Jesus, hindi ko nais mawalay sa
iyo. Hindi ako maaaring mabuhay ng ikaw
ay wala.
Patawad po sa lahat ng mga kasalanan na
aking nagawa mula pagkabata hanggang sa oras na ito. Patawad sa lahat ng aking mga lungkot, habag
sa sarili, tampo, hinanakit, galit, poot, kamunduhan, kahalayan, pag-abuso sa
sarili, pagco compromise, pagsasalita ng mali.
Patawad sa aking pagkakaroon ng maling kaisipan. Patawad kung ako ay nakapagsinungaling, nanloko
ng kapwa, nandaya, at nag take advantage.
Patawad kung ang motibo ng puso ko ay madaya, mali at hindi
matuwid. Patawad sa aking pagkakamali at
pag-aakala na mayroon pang manggagamot maliban sa iyo. Maraming salamat, na
ikaw pala ang manggagamot hindi tao, pamahiinn, kinamulatan, tradisyon at
relihiyon. Ikaw pala ang manggagamot
hindi mga patay na tao na santo daw.
Ikaw ang manggagamot, ang buhay na Diyos, hindi mga rebulto na hindi
nakakapagsalita, nakakarinig at nakakalakad.
Ikaw pala ang manggagamot ng aking kaluluwa, espiritu at katawan.
Ito ako ngayon, nagbabalik-loob sa iyo,
buong puso kitang tinatanggap.
Panginoong Jesus, halika, pumasok ka sa puso ko ngayon. Pagharian mo ako. Aking dinedeklara sa lahat na tanging ikaw
ang aking Tagapagligtas, Manggagamot, Diyos ko at buhay ko. Halika, pagharian mo ako. Nais kong magsimula ng magandang relasyon sa
iyo, relasyon na magpapatuloy hanggang sa ikaw ay bumaba mula sa langit- the
rapture of the Church at kunin kami upang ikaw ay makapiling magpakailanman. Maraming salamat na gaano man karami ang
aking kasalanan ay iyo na itong pinatawad.
Tinatanggap ko ngayon ang paghuhugas ng iyong banal na dugo sa lahat ng
kasalanan ko. Ako ay malaya na. Salamat dahil ang lahat ng kasalanan ko ay
napatawad na, nakalimutan na, wala na.
Malaya na ako. Dahil ako ay iyo
nang pinatawad ay pinapatawad ko na rin ang lahat ng tao na sa akin ay
nagkasala. Kakalimutan ko ang kanilang
mga kasalanan.
www.miraclehour.com