Kung ang epekto ng aking pagsilang ng sanggol ay ang malaking pagbabago sa aking itsura, pagtaba, pagkakaroon ng stretchmarks, pagiging panget sa paningin ng iba - okay lang. Ang pagiging isang ina ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay at hinding hindi ko yun ipagpapalit sa kahit ano.
Tuesday, May 31, 2022
Thursday, May 26, 2022
NANAY NA SI YANG
Minsan, namessage ko yung kaibigan ko.
"Mi, alam mo minsan gusto ko na din magtrabaho. Gusto ko na din kasi makabalik sa hanapbuhay para makatulong ako financially dito sa bahay."
Yung sagot nya nakapagpabago sa perspective ko.
"Enjoyin mo muna. Yung anak nyo, minsan lang yan bata. Yung mga panahon na yun, yung childhood nya, di mo na yan maiibalik. Ang pera, kikitain mo pa. Mabilis ang panahon. DI MO NAMAMALAYAN, may sarili na yang buhay. Kaya enjoyin mo lang muna."
That's when I realized na..
Biyaya talagang maituturing yung 24/7 nagagabayan ko yung anak ko.
Yung naiaayos ko yung gamit nya bago pumasok sa school.
Yung naihahanda ko ang pagkain nya breakfast, lunch at dinner.
Yung ako ang nagpapatulog sa kanya.
Madami pa din namang paraan para tumulong kay Mister sa bahay. Sa panahon ngayon, madaming ways para kumita. Sipag, tyaga at diskarte lang.
At the end of the day ang mahalaga:
Ginagawa mo ang lahat ng makakaya upang maging isang mabuting ina at asawa.
🥰😍😊
🔅 credits: She can mom