Thursday, January 18, 2024

IMAGE

 “Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin.


Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.

Exodo 20:4‭-‬5

IMAHE

 Walang kuwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto, at walang kabuluhan ang mga diyus-diyosang kanilang pinahahalagahan.


Mga bulag at hangal ang sumasamba sa mga ito, kaya sila'y mapapahiya. Walang idudulot na mabuti ang paggawa ng mga rebulto para sambahin.


Tandaan ninyo, ang sumasamba sa mga ito ay mapapahiya lamang. Ang mga gumagawa nito'y tao lamang, kaya't magsama-sama man sila at ako'y harapin, sila'y matatakot at mapapahiya rin.


Ang panday ay kumukuha ng isang pirasong bakal at inilalagay ito sa apoy. Pagkatapos ay pinupukpok niya ito sa pamamagitan ng kanyang malakas na bisig hanggang sa magkahugis. Sa paggawa nito, siya ay nauuhaw, nagugutom at napapagod.


Ang karpintero naman ay kumukuha ng isang pirasong kahoy. Ginuguhitan niya ito ng anyong tao, saka inuukit hanggang sa mayari ang isang magandang imahen. Pagkatapos, ilalagay niya ito sa kanyang bahay. Pumipili siya at pumuputol ng isang matigas na kahoy sa gubat tulad ng sedar, ensina at sipres. Maaari din siyang magtanim ng laurel at ito ay hintaying lumaki habang dinidilig ng ulan.


Ang kaputol na kahoy nito ay ginagawang panggatong at ang kaputol naman ay ginagawang diyus-diyosan. Ang isang piraso ay iginagatong para magbigay ng init sa kanya at para igatong sa pagluluto. Ang isang piraso ay ginagawang rebulto para sambahin. Ang ibang piraso ng kahoy ay ginagawang panggatong. Dito siya nag-iihaw ng karne at nasisiyahan siyang kumain nito. Kung nadarama niya ang init ng apoy ay nasasabi niya ang ganito: “Salamat at hindi na ako giniginaw!” 


Ang natirang kahoy ay ginagawa nga niyang diyos na kanyang niluluhuran at sinasamba. Dumadalangin siya sa rebulto, “Iligtas mo ako sapagkat ikaw ang aking diyos!”  Ang mga taong gayon ay mga mangmang at hindi inuunawa ang kanilang ginagawa. Tinakpan nila ang kanilang mga mata at sinarhan ang isipan sa katotohanan


Hindi na nila naisip na ang kaputol ng ginawa nilang rebulto ay ginamit na panggatong sa pagluluto ng tinapay at karneng kanilang kinain. Hindi man lamang nila itinanong sa kanilang sarili kung hindi kaya karumal-dumal ang sumamba sa isang pirasong kahoy.  Ang mga gumagawa nito'y parang kumakain ng abo. Lubusan na siyang nailigaw ng kanyang maling paniniwala at mahirap nang ituwid. At hindi siya papayag na ang rebultong hawak niya ay hindi mga diyos.


Isaias 44:9‭-‬20

Ang Biblia sa Aklat ng Lumang Tipan

Monday, January 15, 2024

THIRD YEAR WEDDING ANNIVERSARY

 Genuinely happy i married you. Happy 3rd Year Wedding Annniversary ❤️

“Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito, isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka. At mahalin mo.” Salamat sa pagmamahal Nestor. Happy 3rd Yr Wedding Anniversary


The best ingredients of a happy marriage are time spent together, communication, intimacy , trust, honesty, transparency and love. Love is the most essential part of any relationship and with love comes respect for each other♥️

Happy 3rd Year Wedding Anniversary. ILOVEYOU ♥️

#ThirdYearWeddingAnniversary 😘👄❤


Before going to my dreamland tonight, I just wanna greet a happy happy happy 3rd Year Wedding Anniversary to the Woman of my life. Thank you for choosing me & for loving me with all of your heart, from the start. Thank you for bringing out the best in me. I am sorry for my flaws.. I know I'm not a perfect husband but I'm trying to be the one you deserve. iloveyou so much Wife. Sooner or later our prayers for Neya will be answered & we'll be more happier than before. iloveyou & I will always be grateful & blessed to have you ♥️

#ThirdYearWeddingAnniversary