Monday, September 2, 2013

PRAYER OF REPENTANCE:

Prayer:
Diyos Ama, maraming salamat po dahil Iyong sinugo ang Iyong anak na si Jesu-Cristo sa Krus ng Kalbaryo upang iligtas ang aking buhay, ang aking pamilya, ang aking bansa at sa pamamagitan niya ay bigyan kaming lahat ng bagong buhay, buhay na walang hanggan, masaganang buhay, malayang buhay, mapayapang buhay, malusog na buhay, maligayang buhay.  Maraming salamat Panginoong Jesus na ikaw ay namatay para sa akin at para sa kasalanan ng buong mundo upang sa iyong pagkabuhay na magmuli ay magkaroon ako ng kalayaan sa lahat ng kasalanan at kagalingan sa lahat ng mga sakit at mga karamdaman.
Ito ako, bumabalik sa iyo, nagpapakumbaba, nakakaunawa na kung wala ka ay wala akong magagawa.  Kagaya ako ng sanga na malibang nakakabit sa puno, sa iyo ay hindi mamumunga.  Kagaya ako ng isda na malibang pumunta sa tubig ay mamamatay.  Panginoong Jesus, hindi ko nais mawalay sa iyo.  Hindi ako maaaring mabuhay ng ikaw ay wala.
Patawad po sa lahat ng mga kasalanan na aking nagawa mula pagkabata hanggang sa oras na ito.  Patawad sa lahat ng aking mga lungkot, habag sa sarili, tampo, hinanakit, galit, poot, kamunduhan, kahalayan, pag-abuso sa sarili, pagco compromise, pagsasalita ng mali.  Patawad sa aking pagkakaroon ng maling kaisipan.  Patawad kung ako ay nakapagsinungaling, nanloko ng kapwa, nandaya, at nag take advantage.  Patawad kung ang motibo ng puso ko ay madaya, mali at hindi matuwid.  Patawad sa aking pagkakamali at pag-aakala na mayroon pang manggagamot maliban sa iyo. Maraming salamat, na ikaw pala ang manggagamot hindi tao, pamahiinn, kinamulatan, tradisyon at relihiyon.  Ikaw pala ang manggagamot hindi mga patay na tao na santo daw.  Ikaw ang manggagamot, ang buhay na Diyos, hindi mga rebulto na hindi nakakapagsalita, nakakarinig at nakakalakad.  Ikaw pala ang manggagamot ng aking kaluluwa, espiritu at katawan.
Ito ako ngayon, nagbabalik-loob sa iyo, buong puso kitang tinatanggap.  Panginoong Jesus, halika, pumasok ka sa puso ko ngayon.  Pagharian mo ako.  Aking dinedeklara sa lahat na tanging ikaw ang aking Tagapagligtas, Manggagamot, Diyos ko at buhay ko.  Halika, pagharian mo ako.  Nais kong magsimula ng magandang relasyon sa iyo, relasyon na magpapatuloy hanggang sa ikaw ay bumaba mula sa langit- the rapture of the Church at kunin kami upang ikaw ay makapiling magpakailanman.  Maraming salamat na gaano man karami ang aking kasalanan ay iyo na itong pinatawad.  Tinatanggap ko ngayon ang paghuhugas ng iyong banal na dugo sa lahat ng kasalanan ko.  Ako ay malaya na.  Salamat dahil ang lahat ng kasalanan ko ay napatawad na, nakalimutan na, wala na.  Malaya na ako.  Dahil ako ay iyo nang pinatawad ay pinapatawad ko na rin ang lahat ng tao na sa akin ay nagkasala.  Kakalimutan ko ang kanilang mga kasalanan.
www.miraclehour.com

HEALTH BENEFITS OF MALUNGGAY

·       

 ·         Malunggay leaves helps strengthens the immune system.
·         Malunggay can help restores skin condition, controls blood pressure, and relieves headaches and migraines.
·         Malunggay tea can help strengthen the eye muscles.
·         Malunggay tea can help heal inflammation of the joints and tendons.
·         Malunggay tea can prevent intestinal worms.
·         Malunggay can help increase semen count.
·         Malunggay help normalize blood sugar level therefore preventing diabetes.
·         Malunggay has anti-cancer compounds (phytochemicals) that help stop the growth of cancer cells.
·         Malunggay helps relax and promotes good night sleep.
·         Malunggay tea is used to treat fever and asthma.
·         Malunggay help heals ulcers.
·         Malunggay is high in calcium (four times the calcium in milk), therefore lactating mothers are advised to consume malunggay leaves to produce more milk for their babies. The young malunggay leaves are also boiled and taken as tea.
·         Malunggay contains three times the potassium in bananas.
·         Malunggay contain four times the vitamin A in carrots.
·         An ounce of malunggay has the same Vitamin C content as seven oranges.
·         Malunggay leaves contain two times the protein in milk.
·         Malunggay seed is used to clean dirty or polluted water.








Monday, August 12, 2013

BE POSITIVE


IT IS A LAW THAT EVERY HOUR YOU THINK OF negative emotions LIKE WORRY, FEAR, HOPELESSNESS, DOUBT OR UNBELIEF, IT WILL HAVE A negative impact IN YOUR REALITY.

IT PULLS YOU DOWN FROM ANY AREAS OF SUCCESS.

IT TAKES AWAY YOUR PEACE AND HAPPINESS.

THEREFORE, USE YOUR WILL POWER TO GUARD YOUR HEART AND MIND.

WHAT YOU PLANT IN YOUR MIND WILL GROW NATURALLY AND GIVE YOU ITS CORRESPONDING FRUITS.

ALWAYS REMEMBER: SUCCESS ON YOUR OUTSIDE REALITY ALWAYS STARTS ON YOUR INSIDE REALITY.

UNLEASH THE POWER WITHIN!

POWERFUL WEALTH MAGNET TIP

The habit of GRATITUDE increases and fortifies  your dreams, hope and faith.

While INGRATITUDE  prevent you from falling into error of thinking that the supply is limited.

The opposite of GRATITUDE are blaming and murmuring.

Never waste time with this negative habits.

You disconnect to God by lack of GRATITUDE.

The more you are GRATEFUL, the more you are closer to God and to God's blessings.

Believe God is arranging everything for your success.

In everything, give thanks, little or big.

The more you appreciate your blessings, the more God will give you more and more things to appreciate.




Thursday, August 1, 2013

INSPIRATIONAL MESSAGES From Our Daily Bread




May mga tao na kitang-kita at kilalang kilala sa kanilang paglilingkod sa trabaho at propesyon. May iba naman na simple lang at di kilala. Nakikita man o di nakikita ang ating mga ginagawa, gawin itong may kahandaan at paglilingkod sa isa’t isa sa pag-ibig, sa kamalayang ang pinaglilingkuran ay ang Panginoong Diyos…
“ Sa malawak na lupaing may tanim na aanihin
Kahit sa hamak na gawain, may lugar para sa akin
Sa paglilingkod araw-araw sa maikling buhay sa mundo
Para kay Hesus na napako dahil sa kasalanan natin…”

Ang mga taong sa puso ay may malaking paggalang sa Diyos ay iniibig ang Panginoong Diyos ng buong isip, kaluluwa at lakas. Ipinakikita nila ang pag-ibig na ito sa mundo sa paggalang sa magulang, katapatan sa pag-aasawa at integridad sa trabaho. Iginagalang nila ang buhay ng tao at pinakikitunguhan ang lahat ng may respeto, katapatan at dignidad. Hindi nagsasabi ng masama tungkol sa iba, anumang kasamaan ang nagawa ng mga ito sa kanila. Kuntento sila sa Diyos at anumang ibigay sa kanila at hindi naghahangad ng kung ano. Ito ang tanda na si Hesus ay nasa puso nila at ang kabutihan ng Diyos ay buhay sa kanila…

Anak,
Saan ka man naroroon, ano man ang iyong ginagawa, sino man ang iyong kasama, lagi mong tandaan na ako’y nagtatrabaho para sa iyong tagumpay.-  Hesus

Ang mahalaga sa atin sa lupa ay walang halaga sa langit—mga hindi kailangang bagay na binibili natin at kinokolekta, mga naipon sa bangko, puhunang inireserba sa mga korporasyon para tumubo ng malaki, kabantugan at sentro ng paghanga sa madla.  Sa pagdating ng pananaw mula sa mundo, ano na halaga ng mga ito sa atin?

Mga pangmundong material na ari-arian ay pansamantala lamang.  Tandaan, ang tunay nating kayamanan ay nasa langit.

“Hindi tinubos ng pilak ni ginto man
Daan sa langit hindi mababayaran,
Dugo lang ni Cristo ang tanging saligan
Sa krus ay bayad na lahat kong utang.”

Ang nagtitipon ng kayamanan sa langit ay ang pinakamayaman sa lupa.

Hindi naman mali ang matuwa sa mabubuting bagay na nabibili ng salapi, ngunit huwag na huwag aasa sa kanila para sa kasiyahan sa buhay.  Kung ang ating kaganapan ay depende sa mga materyal na ari-arian, tiyak na bigong-bigo tayo kapag nawala ang mga ito.  Ngunit kapag ang ating kagalakan ay nasa Panginoon, walang makapagpapaalis nito kahit na kahirapan sa buhay.
“Aliwan sa lupa, tila matamis,
ngunit hindi binibigay ang minimithi.
Sa Iyo lang Panginoon, sa Iyo lang
Kagalakan ko ay nananatili.”


Nagkakasala ba tayo sa pamumuhay na parang hindi na natin kailangan ang Diyos?  Maaaring kilala natin Siya bilang Tagapagligtas, ngunit may mga iba na tayong dini-diyos—ang ating sariling karunungan at animong pagkasapat ng sariling kakayahan, ang ating pera at mga naimpok, ang magandang trabaho’t masaganang pamilya.  Maging Diyos man natin ang lahat ng ito, ang tunay na kaligayahan ay wala rito.

Ang buhay ay isang kamangha-manghang karanasan—ang makita ang Diyos na maayos na kumikilos sa kalikasan.  Kalugodlugod na malamang narito tayo para mahalin ang Diyos higit sa lahat at ang kapwa tulad ng pag-ibig sa sarili.  Nakakaaliw na malamang lahat ng ating kasalanan ay napatawad na sa pagkamatay ni Cristo sa  krus.  Nakasasabik ang pag-asa ng walang hanggang buhay sa piling Niya na inihahanda para sa nananalig. O, talagang masarap mabuhay!
   
Ang buhay ay tunay na nakabibigo at nakababagot kung wala ang Diyos.  Ngunit kasabik-sabik kung Siya ang nasa sentro.
    
Maaaring minsan, malalalim na dagat ng buhay ang tinatawid natin, tulad ng ginto ay dapat dalisayin sa pamamagitan ng apoy.  Ngunit sa gitna ng mga ganitong tiisin, pangako ng Diyos na lagi siyang kasama sa hirap, nakikiramay, matapat na kaibigan.  At Siya na “Diyos ng biyaya ay magpapanumbalik, magpapatibay at magpapalakas sa inyo.” {1 Pedro 5:10}

Kahit tayo’y naniniwala’t sumusunod na sa Diyos, hindi maiiwasang didilim parin ang buhay natin at hindi agad magliliwanag.  Maaring lumala pa ang mga pangyayari ngunit purihin ang Diyos, iingatan tayo ng kanyang biyaya at lilipas din ang bagyo.
“kahit anong dilim ng daan mo ngayon
magtiwala sa Diyos, pasisikatin din ang araw
iniibig tayo at nakahanda na ating daraanan
laging magtiwala sa kanyang patnubay.”

Kapag dumating ang mga nakakatakot na pangyayari, mababawasan ang ating pagkabalisa kapag alam natin kung sino kumukontrol dito.  Kung ang ating mundo at buhay ay nasa kamay ng walang pakialam na puwersa, may dahilan tayo para matakot.  Ngunit ang mga kamay na kumukontrol sa sandaigdigan ay mga kamay ng marunong at mahabaging Diyos—mapagkakatiwalaan Siya anuman ang mangyari at hindi tayo matatakot.
   
Sa mga sitwasyong tila nahihirapan tayo, mapapayapa ng Diyos ang ating balisang puso at magbibigay katiyakan na kasama Siya sa bawat daraanang lugar at mga bagong pinto tungo sa hinaharap.  Sa pagtitiwala natin kay Hesus bilang personal na Tagapagligtas at Panginoon, matitiyak natin na “kasama natin si Hesus saan man tayo magpunta.”  Manalig tayo—ang Diyos ang may sabi niyan!
“Tuwing mararamdamang si Cristo ay malapit
napapawi kabalisahan at lahat ng lungkot
siya aking buhay, lakas at pag-asa
siya ang lahat sa akin.”

Ginawa ng Diyos ang bawat araw at ipapakita ng Ama ang lakas Niya para sa kapakanan  natin—ngayon.  Kontrolado niya lahat ng nasa araw na ito.  Lahat ay dumadaan sa kanyang karunungan at pag-ibig at ang mga pagkakataong hirap tayo ay para lumago sa ating pananampalataya.
“Tuwing bagong umaga, pagbukang liwayway
bago bumangon mula sa higaan
magalak, matuwa, purihin ang Diyos
at sa haharapin, siya’y pasalamatan.”













Tuesday, July 2, 2013

DO WE WANT TO DECIDE FOR JESUS?

By paying for our sins on Calvary’s Cross, JESUS has provided the only way of escape from judgment of hell.  We must accept JESUS offer of salvation while it is still good.  So we must not be foolish.  We must believe that JESUS died and rose again to provide us eternal life in heaven.  We must receive Him as our savior today, right now, while there is still time.  Accept God’s free gift of salvation.

Seek the Lord while He may be found, Call upon Him while He is near…. Isaiah 55:6

MY DECISION FOR JESUS:

“Knowing that I need the LORD JESUS CHRIST as my Savior, I know trust in Him to pardon and deliver me from the guilt and power of sin.  As He gives me strength, I shall witness for Him, serve Him in the fellowship of His church and seek to do His will in all areas of my daily life.”

God said it…in His Word
I believe it…in my heart
That settles it…forever
AMEN.

Visit our website: www.miraclehour.com
e-mail us: apostle_carillo@miraclehour.com


SI HESUS AY MULING BABALIK, TAYO BA’Y HANDA NA?

Mateo 24:3-14, Marcos 13:3-13, Lucas 21:7-19
Tinanong si Hesus ng kanyang mga alagad: “ANO PO ANG MAGIGING PALATANDAAN NG INYONG MULING PAGPARITO AT NG KATAPUSAN NG MUNDO?” Sumagot si Hesus… Makakarinig kayo ng mga BALITA TUNGKOL SA DIGMAAN… Magkakaroon ng MALALAKAS NA LINDOL, MAGKAKAGUTOM at MAGKAKASALOT sa ibat ibang dako.  Kailangang MAIPANGARAL muna sa lahat ng bansa ang mabuting balita.  Kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga bagay na ito, malalaman ninyong malapit na ang pagparito Niya.
Gawa 1:11
Itong si Hesus na umakyat sa langit ay MAGBABALIK tulad ng nakita ninyong pag-akyat Niya.
Mateo 24:36-44,Marcos 13:32-37,Lucas 17:26:30
MAGING HANDA KAYONG LAGI, sapagkat HINDI NINYO ALAM KUNG KAILAN SIYA DARATING.  Maaaring sa PAGDILIM, sa HATINGGABI, sa MADALING ARAW, o kaya’y sa UMAGA.

ANO ANG GAGAWIN UPANG MAGING HANDA?
Juan 3:16
TANGGAPIN si Hesus ng buong-puso.
Hebreo 12:14
MAMUHAY ng may kabanalan.  HUWAG umayon sa sistema ng mundo.
2 Pedro 3:6-18
Sa pamamagitan ng MALAKING BAHA—GINUNAW ANG UNANG DAIGDIG… Sa pamamagitan ng APOY, ang LANGIT at LUPA ay TUTUPUKIN pagdating ng Araw ng Paghuhukom at pagpaparusa sa masasama.  Yamang ganito ang magiging WAKAS NG LAHAT NG BAGAY, ITALAGA na ninyo sa kanya ang inyong sarili at mamuhay ng ayon sa kanyang kalooban… SIKAPIN ninyong mamuhay ng payapa, walang dungis at kapintasan.

BAKIT KAILANGANG MAKASAMA SA PAGBABALIK NI HESUS?

Ang lahat ng HINDI NAKASAMA(naiwan sa lupa) sa MULING PAGBABALIK NI HESUS  ay paghaharian ng mga ANTI-KRISTO at sapilitang tatatakan ng 666 o tatak ni Satanas(Pahayag 13:16-18).  Ang sinumang HINDI MAGPAPATATAK NG 666 ay wala ng pag-asa pang makaligtas sa hatol ng Impyerno(Pahayag 14:9-11,Pahayag 20:10).  Ang NATATANGING PAG-ASA na lamang upang makaligtas sa kahatulang ito at makasama ang Dios habang panahon ay IPRESENTA ANG IYONG ULO UPANG PUGUTAN(Pahayag 20:4).  MATINDING kaguluhan ang nakahanda at mararanasan ng mga naiwan sa lupa.  Nakakapangilabot na kaguluhan na sa mga panahon lamang na iyon mangyayari at hindi na maaaring maulit pa na anupat hahanapin ng tao ang kamatayan(Pahayag 9:6)

BABALA:

LABIS-LABIS ANG PAG-IBIG NG DIOS AMA kayat ibinigay Niya ang kaisaisa Niyang anak na si Hesus upang mamatay sa krus at pagbayaran ang ating kasalanan at makaiwas sa hatol ng impyerno(Roma 5:8, Pahayag 21:8).  2,000 taon na ang nakakalipas ng itoy mangyari at alalahanin nating kaya nagtitimpi ang Diyos ay upang bigyan tayo ng pagkakataong tanggapin ang alok Niyang kaligtasan, makapagsisi sa ating mga kasalanan at magbalik-loob sa Kanya, sapagkat hindi Niya nais na tayoy mapahamak (2 Pedro 3:1-15).  HUWAG maging hangal, ang sasalubungin lang ni Hesus sa alapaap sa isang kisapmata, biglang mawawala ang mananampalataya(Rapture, 1 Tesalonica 4:16-17) ay ang mga taong seryosong nananalig sa Salita ng Diyos at minahal Siya ng totoo sapagkat itoy kanyang PAKAKASALAN(Pahayag 19:5-10).


MABUTING BALITA:

Matiyaga pang nag-aantay ang Dios sa atin, kumakatok Siya sa ating puso ngayon.  Maaaring sabihin natin na matagal na natin Siyang tinaggap ngunit tayo ba’y SERYOSO? Kung maaaring dumating si Hesus ngayon, tayo ba’y HANDA?  May oras pa…baka mamaya o maaaring bukas ay huli na ang lahat…at ang pagsisisi nati’y huli na rin.


TIYAK NA NGA!DARATING NA AKO!
                                                                      -HESUS
                                                         (Pahayag 22:20)

For more information, prayer request and counseling:
Call: (02) 911-0189, 703-2024, 703-2025