Sunday, November 18, 2012

I HATE THE WAY I AM by KIM FERRER SANTIAGO


11/16/12-written
12/02/12-given
In Contribution to MARK MUEDAN’s 2012th BIRTHDAY

 “I HATE THE WAY I AM”
-Faith, Hope & Love-
 
Dear Brother Mark,
Alam ko na mahirap akong pakisamahan.
Eto na at ikaw ay aking tatapatin…
“Ang dahilan ng aking pagtungo sa iyo ay upang iyong malagyan ng pera ang aking palad at upang…
 mayroong mahimlayan.” Mahirap talaga ang aking kalagayan dahil…
 Ang aking buhay ay litung- lito sa katotohanang…
Pinipilit kong magbago ngunit ako’y nahihirapang ito’y gawin.

Nang ika’y aking makilala…
Nasabi ko sa aking sarili na…
“Sa wakas ay mayroon na ding makakatulong sa akin upang ang buhay ko ay mailagay sa ayos”
‘Pagkat nais kong mabago…
Nais kong mawala ang aking mithiin sa kamunduhan, sa pera at sa lahat ng bagay.

Minsan nga ay sumasagi sa aking isipan na, “Hindi pa huli ang lahat dahil may oras pa naman.”
Ngunit akin ding naiisip, “Paano kung sa oras na iyon, ako ay mabawian ng buhay o ‘di kaya…
Ang Panginoong Hesus ay bumalik na? Saan ako patutungo? Tiyak na sa impiyerno.”
Dahil kahit nais ng aking puso at isipan na magbago ay hindi naman nais ng aking katawan.
Kapag akin nang sinisimulang baguhin ang aking sarili ay mas maraming pagsubok at tukso ang sa akin ay lumalapit.

Kapag ako ay nagde- desisyong magbago…
Ako ay nakakapag-  isip na, “Ano kaya ang sasabihin ng tao kapag nakitang ako ay nagbago, bakit ako nagkakaganito?”
OO, ako ay makasarili ngunit hindi ko minithi na magkaganito.
Minithi kong magbago dahil hindi ko talaga nais ng ganitong buhay.
Ang sinisigaw ng aking puso ay ang makalangit na katagang, “Maglingkod sa Diyos.”

Sa aking pagmimithi na maglingkod sa Diyos ng buo ay aking naitatanong ng mayroong kabagbagan,
“Paano ang aking pamilya? Ako na lang ang natatangi at maaaring makatulong upang…
Sila ay maiahon sa kahirapan…”
Nais kong makapagtapos ng pag-aaral ngunit pilit na umiiral ang katamaran kapag ako ay patutungo na sa paaralan.
Marami rin akong pangarap na nais maabot ngunit paano matutupad kung ako nga ay tamad?

Tunay ngang ako ay matalino kung….
Aking gagamitin sa tamang kaparaanan- hindi sa kalokohan.
Alam kong walang maaaring makatulong sa akin kundi…
Ang aking sarili, kasama ang aking DIYOS.
KUYA MARK, lahat ng iyong pangaral ay palaging nakatatak sa aking puso at isipan.

Napakadaling sabihin na, “Ako ay Magbabago na” ngunit tila napakahirap gawin.
Ako ay naiinis dahil tuwang- tuwa ang diyablo sa aking mga maling pinaggagagawa,
Ngunit samantalang ang aking mahal na DIYOS ay nalulungkot at umiiyak.
Malakas ang sigaw ng aking pandama na dakila ang aking gagampanan sa mundong ito, kaya…
Ganoon na lamang kalaki ang mithiin ng diyablo na ang aking buhay ay wasakin.

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, kung paano magsimula at kung paano magtatapos…
OO, alam ko kung ano ang tama at mali, ngunit, ang inaakala kong tama ay mali pala.
Ang hirap pala magbago kung ang aking puso ay nasa kasalanan.
Sabi nga ng marami na nakakakita ng aking buhay, “Habang may oras pa ay magbago ka na!”
Ngunit kailan ko sisimulan? Ngayon na ba? Madaling sabihin iyan ngunit tunay na mahirap simulan.

Aking nasasabi na, “Sobrang dali at Sobrang hirap magbago” dahil…
Sobrang Dali kung ako ay mayroong mataas na pananalig at pagsinta sa aking DIYOS, at…
Sobrang Hirap kung hindi ako magtitiwala na kaya akong tulungan ng aking DIYOS na siyang AWTOR NG PAGBABAGO.
Kung ating yuyurakan ang SALITA NG DIYOS ay walang pagbabagong magaganap sa ating buhay, bagkus,
Isang bagay ang sigurado- Impiyerno ang ating kasasadlakan.

KUYA MARK, pasensiya ka na ha, like what I’ve always thought, to say- SORRY talaga, sa…
Palagiang pag- iral ng katigasan ng aking ulo at hindi pagsunod sa iyong mga tagubilin.
EWAN KO, isa lamang ang isinisigaw ng aking ESPIRITU kapag ako ay nagugulumihanan…
“JESUS LOVES US SO MUCH, SO WE MUST LOVE THE LORD OUR GOD WITH ALL OUR HEART AND…
WITH ALL OUR SOUL AND…
WITH ALL OUR MIND AND…
WITH ALL OUR STRENGTH AND THE SECOND IS THIS…
LOVE OUR NEIGHBOR AS OURSELVES FOR…
THERE IS NO COMMANDMENT GREATER THAN THESE… Mark 12:30-31

To HAVE CHANGE is to faith, hope and love. But the greatest of these is LOVE…1 Corinthians 13:13

Kim Santiago

1 comment: