Friday, May 31, 2013

“WE WILL TELL THEM THAT CHRIST IS THE ANSWER TO ALL THEIR PROBLEMS”

“WE WILL TELL THEM THAT CHRIST IS THE ANSWER
TO ALL THEIR PROBLEMS”
(Title)
(MONDAY PASTORS CONFERENCE, 23 MARCH 09)

OBSERBASYON:

Sa araw na ito, nagbigay ang Diyos ng mga dakilang kadahilanan kung bakit kailangang maipangaral at maipakilala sa Cristo sa lahat ng tao.  Dahil dito, kanyang isinugo ang buong Jesus Is Our Shield-Oras ng Himala na ipahayag sa lahat ng tao sa buong-mundo na tanging si Cristo lamang ang kasagutan at katugunan sa lahat ng problemang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan, wala ng iba.

Sa araw na ito, maraming kapahayagang inilahad ang lingkod ng Diyos “Apostol Renato D. Carillo” na ngayon lang naming napakinggan.  Tunay ang nasusulat sa Bibliya na ‘kapag ilkaw ay naging kalugod-lugod sa paningin ng Diyos, ang lahat ng kanyang sekreto at lihim ng kanyang panukala ay sasabihin niya sa’yo.’

Sa araw na ito, aming naunawaang lubos ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang Apostol sa Church.  Kapag walang Apostol o Tatay sa church, mahihirapan ang mga kristiyanong malaman kung ano ang tunay na kahulugan ng ‘pagkakahirang at pagkakapili’.  Kapag walang Apostol, maraming Kristiyano ang naglalakbay pa rin sa ilang na di alam ang tiyak na direksyon at kalooban ng Diyos.


Purihin ang Diyos! Dakilain ang pangalan niya sa buhay ng kanyang lingkod.  Amen.

“HE WHO WINS SOULS IS WISE”

“HE WHO WINS SOULS IS WISE”
(Title)
(SUNDAY THANKSGIVING DAY, 22 MARCH 09)

OBSERBASYON:

Sa araw na ito, ang Panginoong Jesus ay paulit-ulit na nangungusap sa buhay ng kanyang lingkod “Apostol Renato D. Carillo” na ‘anihan na!’,  matatalino ang nagliligtas ng mga kaluluwa.  Ito’y kanyang paulit-ulit na sinasabi sa katotohanang ang mga senyales ng kanyang pagbabalik ay malawakan ng namamalas ng lahat ng tao sa buong-mundo, hindi lihim kundi hayag.

“HE WHO WINS SOUL IS WISE’ ang temang ipinahayag ng lingkod ng Diyos sa araw na ito, na anupa’t damang-dama naming lahat ng nagsidalo na ang mga kaluluwa’y uhaw na uhaw at gutom na gutom na sa kaligtasan at kapayapaang  alok ni Cristo; na kailangang magmadali na ang mga kristiyanong anihin sila dahil kung hindi, tiyak na ang mga kaluluwang ito’y iiyak at mamatay na ‘di ligtas.

Sa araw ding ito, ang buong Jesus Is Our Shield-Oras ng Himala ay nagbalik pasasalamat sa Diyos at galak ng galak na lumuwalhati sa Diyos dahil sa dakilang bagay na pinangyari ng Diyos sa anibersaryo ng Oras ng Himala sa Araneta Coliseum-21 March 09.

Suma-Diyos ang lahat ng tagumpay at suma-diyablo ang lahat ng pagkatalo.  Amen.

TEACHING:

Ang mga senyales at tanda na nangyayari ngayon ay tanda na si Jesus ay parating na…
*increase of technology(technology is for the endtime for it is a tool in spreading the gospel with speed and urgency)
*the gospel of the Lord was preached worldwide-mat.24.14
           
Ang utos ng Diyos sa lahat ay hindi ‘be ready’ at ‘get ready’, kundi ‘live ready’ at ‘rapture ready’.
            Ito na ang panahon ng kamatayan sa sarili, mabilis na pagsunod na walang opinion at pagbubulay-bulay.
            Kung maghahanda ka lang dahil nakakita ka na ng mga tanda, disqualified ka sa rapture, ngunit kung nabubuhay ka sa paghahanda, kandidato ka sa rapture.

Gospel is all about the Lord Jesus Christ, His death & resurrection, His redemptive work on the cross, His offering of salvation & eternal life.
Ministry is all about Jesus, not about our talent, ability, skills, beautiful voice, long preaching, theology, divinity, doctorate…

Jesus said: Preach the gospel!
           
Anuman ang pakiramdam mo, ayaw man ng pakiramdam mo, may kinakain ka o wala, may pera ka o wala, nasa bundok ka o nasa siyudad, sikat ka o hindi, may building ka o nasa kalsada, may bagyo o wala, you must preach the gospel.
            The only one who can encourage us to preach the gospel is the Lord.  People who don’t want to preach the gospel are people who don’t encounter God night & day, don’t have the time to pray & fast.  Our motivation why we preach the gospel is because Jesus commanded us & we love the one who commanded us.  Jesus not commanded us to preach the gospel when we have a job, support, when we graduate.  Jesus commanded us to preach because anytime He will return & the people must hear the gospel.  Ang Cristianong hindi nagliligtas ng kaluluwa ay ignorante at mangmang for Jesus said, “those who win souls is wise.”  Ang dahilan kung bakit walang naliligtas sa isang bayan dahil walang nangangaral.  Kahit kumpleto ka ng lahat ng means & ways to preach the gospel ngunit di ka kumikilos ay walang maliligtas. 
Kapag ang oras at panahon mo’y hindi mo inubos sa pagganap ng kalooban ng Diyos, ikaw ay valedictorian sa kamangmangan.  Minsan lang tayo mabuhay at pagkatapos ay eternal life so I suggest that “we have only one life, so use it wisely for lost time can be regain but lost life cannot be regain.”
If we’re not able to display the power of the gospel, we’re not qualified to preach the gospel, because a gospel full of head-knowledge  is useless but a gospel full of God’s power is a blessing.

FILIPOS 3:17
            Mga kapatid, magkaisa kayong tumulad sa halimbawang ipinakita ko sa inyo.  Kami ang gawin ninyong huwaran.  Masdan ninyo ang lahat ng sumusunod sa mga halimbawang ito.
           
Bakit laging hinahalimbawa ng mga apostol ang kanilang sarili? Dahil ang buhay ni Cristo ay nasa kanila.  Mayroon silang maipapakitang ehemplo.

LUCAS 22:35
            Pagkatapos, tinanong sila ni Jesus, “Nang suguin ko kayo nang walang dalang lukbutan, supot, o panyapak, kinulang ba kayo ng anuman?” “Hindi po,” tugon nila.
           
Nagugutom ang mga naglilingkod sa Diyos dahil hindi sila nagliligtas ng kaluluwa.  Malibang mag-trabaho ka, saka ka lamang makatatanggap ng suweldo. Kapag ang goal lang ng naglilingkod sa Diyos ay magpala lamang, di siya uuwi ng walang biyaya.  Kapag naghihirap ang pastor, manggagawa at kongregasyon, hindi sumusunod sa Diyos iyan.  Kapag sinasapamuhay lang ng Cristiano ang Lucas 6:38, mag-uumapaw ang lahat sa biyaya.
            Kapag ang ating espiritu ay na-kontrol na ng sinuman at dina makagalaw,  mag-desisyon na tayong manindigan sa ikalalaya natin.
            Lalago lang tayo sa espiritwal kapag nagliligtas tayo ng kaluluwa dahil marami kang mae-encounter at Diyos mismo ang magtuturo sa’yo ng kanyang kaparaanan at bibigyan ka niya ng pabor.
            Kapag may nagtanong kung ano ang ministry natin, answer them: Living like Jesus for ministry is all about Jesus.
            Spend our time wisely tru preaching the gospel.  Living alone is not boring, just go out & spend your time preaching & you will discover that you are not alone.  Our heart & mind must be fix on what God has commanded us to do.

1 CORINTO 9:16
            Hindi ngayo’t nangangaral ako ng Mabuting Balita ay maaari na akong magmalaki.  Iyan ang tungkuling iniatang sa akin.  Sa aba ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita!
LUCAS 19:10
            Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.”
LUCAS 9:23-25
            At sinabi niya sa lahat, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin.  Ang naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon.  Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong snlibutan kung ang katumbas naman nito’y kanyang buhay? Ano nga ang mapapala niya kung siya’y mapahamak?

CROSS/CRUCIFIXION: The place of unending joy & victory.


“GOD IS THE AUTHOR OF CHANGE”

“GOD IS THE AUTHOR OF CHANGE”
(Title)
(SUNDAY AFTERNOON SERVICE, 15 MARCH ’09

OBSERBASYON:

            Napakabuti ng Diyos sa araw na ito.  Wala syang katulad sa kabutihan, wala ng papantay sa tindi ng pag-ibig niya, at wala ng hihigit pa sa bigat ng kanyang pasaning bigyan ng tunay na pagbabagong-buhay (isang buhay na ganap at kasiyasiya) ang bawat tao.

            “GOD IS THE AUTHOR OF CHANGE” ang tema ng napaka- dakilang kapahayagan na pinangaral ng lingkod ng Diyos “Apostol Renato D. Carillo” sa araw na ito, na nagdulot ng napakalaking pag-asa sa puso ng lahat na ang ‘pagbabago’ ng takbo ng buhay at bansa ay hindi mahirap maranasan at makamit basta’t si Cristo ang lalapitan at hihingian ng tulong.

            Dahil pinatunayan ng Diyos na ang pagbabago ay isang katotohanan, ang lahat ng nagsidalong may sakit at karamdaman sa araw na ito ay gumaling lahat.  Silang lahat ay nagsiuwing taglay ang pagbabago sa kanilang mga pisikal na pangangatawan.  Ganundin, sa lahat ng nagsidalo ang pagbabago sa moral at espiritwal ay tunay na namalas.

            Purihin ang Diyos! Kay Cristo, ang tunay na pagbabago ay totoo.  Amen.

TEACHING:

2 Bagay na kailangang gawin upang mabago ang takbo ng Pilipinas:
1. Tuloy-tuloy na dalhin o idirekta sa Panginoong Jesus ang lahat (huwag ng idaan sa relihiyon, doktrina, dogma, katesismo, haka-haka, kuro-kuro).
2. Kung sila’y nasa Panginoon na, i-follow up sila ng Word of God.
(kapag ang 2 ito’y in-aply, ang totoong pagbabago ay darating, for God alone is the author of Change).

1 TIMOTEO 2:5-6
            sapagkat iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus na naghandog ng kanyang buhay upang tubusin ang lahat.  Siya ang katunayan ng banal na layunin ng Diyos at nahayag sa takdang panahon.
            Ang lahat ng needs ng tao, ang source ay nasa Diyos lahat (salvation, healing, deliverance, revival, restoration, blessing, favor) ngunit ito’y darating lamang sa tao tru our Lord Jesus Christ.  Ang sinumang lalapit sa Diyos Ama na hindi dumaan kay Jesus ay hindi valid sa Diyos Ama.  Lahat ay kailangang dumaan kay Jesus for there is only one mediator & that is Jesus.

FILIPOS 4:19
            At buhat sa kayamanan niyang hindi mauubos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
JUAN 3:16-17
            “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.  Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.”
LUCAS 19:10
            “Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.”

Transformation- change, convertion
“God is the author of transformation”
Dati, ang pangalan ni Pedro ay Simon, ng ma-encounter niya ang Lord tru Andres, kaagad ang pangalan niyang Simon ay napalitan ng Pedro, bakit? Sapagkat ito’y tanda na si Pedro ay nabago.  Na-encounter niya ang author ng Change of life.
            Hindi totoo na gusto nating magbago dahil sa problema, suliranin o krisis na kinakaharap natin.  Ang totoo’y sumisigaw na tayo ng pagbabago dahil sawang-sawa na tayo sa paggawa ng kasalanan.
            Kapag nananalagin na tayo ng pagbabago, darating ang Panginoon upang i-rescue tayo.  Kapag nagmithi tayo ng pagbabago, anumang uri at klaseng tao tayo, tatanggapin tayo ng Diyos at tutulungang magbago.  May kayamanan at kasikatan man tayo, ngunit di tayo maligaya at mapayapa, kailangang mag-desisyon tayong magbago ng buhay.

HEBREO 9:22
            Ayon sa Kautusan, halos lahat ng bagay ay nililinis sa pamamagitan ng dugo, at walang kapatawaran ng kasalanan kung walang pagbububo ng dugo.
1 JUAN 1:7
            Ngunit kung namumuhay tayo sa liwanag, tayo’y nagkakaisa at nililinis ng dugo ni Jesus na kanyang Anak sa lahat ng ating kasalanan.
           
Kapag tayo’y nagkasala, kailangang tumingin ulit tayo sa krus, huwag nating kundinahin ang sarili natin.  Ang krus ay may eternal power upang mag-alis ng kasalanang nagawa na, maging ang hindi pa nagagawa.
            We have to understand that no one can change us.  God alone is the author of change-politically, economically, traditionally, upbringing, thought, action, speech, inside & out.
            Ang pinakamasarap matanggap sa church ay hindi pagkain at material kundi si Jesus, ang benefits ng cross at ang alok niyang buhay na walang-hanggan sa langit.

Ano ang kahalagahan ng Pagbabago?
            Kapag tumigil na tayong magbago, titigil na rin ang kaligayahan at kapayapaan sa buhay natin.  Ang tunay na kaligayahan at kapayapaan ay bunga ng pagbabago sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.
            Ang dahilan kung bakit di-gumagaling ang marami dahil binase nila ang kanilang faith sa doktrina at teaching about healing hindi sa author of healing “Jesus”.
Ayaw ng diablong maipangaral si Cristo sa mga Islam at Communist nation dahil ayaw niyang maligtas at mabago ang mga bansang ito; higit sa lahat, ayaw niyang ang buhay ni Cristo at lahat ng nasa kanya ay suma-kanila, dahil kapag kulang ang tao (kaligayahan, kapayapaan, kalusugan, biyaya) ay hindi nila mae-enoy ang buhay.  Kapag di nila na-enjoy ang buhay, hindi nila pasasalamatan ang Diyos at mimithiing makilala, for to have the Lord is to Have everything.

JUAN 1:3
            Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.
COLOSAS 1:15-17
            Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita, at siyang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha.  Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihang espirituwal ay pawang nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.  Siya’y una sa lahat, at sa kanya nakasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay.
ROMA 8:32
            Hindi niya ipinagkait ang sarili niyang Anak kundi ibinigay para sa ating lahat.  Kung naipagkaloob niya sa atin ang kanyang Anak, hindi ba niya ipagkakaloob sa atin ang lahat ng bagay, kasama ng kanyang Anak?
           
The more na hinahanap natin ang biyaya, the more na ito’y mawawala.  Ang pagkaabalahan ng church dapat ngayon ay unahin ang kaharian ng Diyos upang ang lahat ng nasa Diyos ay idagdag sa atin.
            The higher is our spirituality, the higher is our material wealth.  Marami kahit nagtatrabaho ay di umuunlad dahil sila’y spiritually bankrupt.  Kapag ika’y spiritually bankrupt, ikaw ay financially bankrupt.  Maraming mayayaman ang naba-bancrupt sa negosyo dahil ang espiritu nila’y bankrupt.  Ang lahat ng blessing ay galing sa espirituwal.  It takes the Spirit of God to have revelation & perfect understanding of God’s Word.
            Kapag inuuna natin ang kaharian ng Diyos, ang biyaya niya ay maidadagdag sa atin (be added unto us), ngunit ang hindi mag-uuna sa kaharian ng Diyos, ang lahat ng nasa kanya ay aalisin pa (be removed unto us).  Kung gaano karami ang kinain nating Word of God, ganoon din kadami ang biyaya natin.  Si Jesus ay hindi lang alternative at prayoridad kundi dapat maging lahat-lahat sa atin upang hindi tayo makaranas ng pinggang walang pagkain at pitakang walang pera.
            Hindi magkakasakit ang sinuman ng walang dahilan kahit super pagod at puyat, kung ang puso niya ay malinis.  Hindi basta-basta magkakasakit ang taong may malinis na puso, dahil ang pagkakasakit ay laging konektado sa kalagayan ng puso (pag-aalala, paghihinanakit, pagkapoot, sama ng loob), ngunit magkasakit man tayo at magkasalang muli, kapag tayo’y bumalik sa Cross, magaling at pinatawad na tayong muli.  ang Cross ang ating eternal medicine na kapag ininom natin, ang lahat ng ating karamdam, kasalanan at kahirapan at mawawala.
            Hindi ka maba-baptize ng Holy-Spirit malibang tanggapin mo muna si Cristo, dahil ibinigay lang ni Cristo ang banal na Espiritu ng siya’y matapos ng mamatay sa Cross upang maging gabay ng mga nanalig sa kanya.  Kapag tinanggap mo na si Cristo, maaari ka ng ma-baptize ng Holy-spirit.  Ang Initial Evidence na ika’y na-baptize ay ikay magi-speaking in toungues.  At ang Great Evidence na ika’y na-baptize ng Holy-Spirit ay ikay magiging soul winner, devil-chaser at performer ng signs, wonders & miracles.
            Walang power sa kahoy na krus, kundi ang power ay na kay Cristo na napako sa krus.  Maraming enemy of the Cross dahil ayaw sa Apostol.  Di ka maaaring makapag-breaking of the bread malibang makapakinig ka muna sa apostol.

GAWA 2:42
            Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipira-piraso ng tinapay, at sa pananalangin.
           
Ang basehan na napaparangalan mo ang Diyos hindi dahil marami kang kongregasyon, dahil ang hindu ay milyon ngunit di nila napaparangalan ang Diyos.
            Hindi tayo dapat ma-encourage sa galing ng pagtuturo ng isang pastor kundi sa pamumuhay niya kagaya ni Cristo.

MINISTRY- the manifestation & evidence of the glory, character, works, will, ways, wisdom, nature, meekness, tenderness, compassion & the love of the son of God (living like Jesus).
           
 If you are a Living like Jesus, you are a minister & you have a ministry.  Kahit archbishop ka pa ngunit di ka LLJ at walang mandate, you are useless & an illegal minister.  No mandate, no ministry.  A minister w/o a mandate is illegally positioned.

Mandate:
Noah- to build the ark.
Moses- to lead the Israelites to the promised land.

TRUE CHURCH- the glory of God was evident, the life of Christ was seen, has the mandate, signs, wonders & miracles are true.
           
Ang kilalanin mo ang Diyos ay walang wakas kahit nalibot mo na ang mundo sa pagmiministeryo ay di ka dapat humintong kauhawan at kagutumang kilalanin ang Diyos,

1 CORINTO 5:17-18
            Kaya’t ang sinumang nakipag-isa kay Cristo isa nang bagong nilalang.  Wala na ang dating pagkatao; siya’y bago na.
           
Ang pagbabago ay na kay Cristo (ang sinumang na kay Cristo ay isa ng bagong nilalang), tiyak ang pagbabago kay Cristo (wala na ang lumang pagkatao, lahat ay bago na).


GOD’S INSTRUCTION, OUR OBEDIENCE AND OVERFLOWINGBLESSINGS

GOD’S INSTRUCTION, OUR OBEDIENCE
AND OVERFLOWINGBLESSINGS
(Title)
BY: APOSTLE RENATO D. CARILLO
(SUNDAY AFTERNOON SERVICE, 08 MARCH 2009)


OBSERBASYON:

            Ang araw na ito ay lubos na pinagpala at kinalugdan ng Diyos.  Pinagpala, dahil ang mga dumalong may sakit at karamdaman ay lumabas na magaling; kinalugdan, dahil ang kapahayagan na inilahad ng Diyos na pinamagatang “God’s instruction, our obedience and overflowing blessings” ay nagbukas ng isang katotohanang nagpalaya sa amin na ‘anumang pangangailangan mayroon tayo (spirit, soul and body, physically and spiritually), bago niya ito tugunan, siya muna ay mag-uutos at katapat ng pagsunod ay katugunan sa mga pangangailangan upang siya’y makakita ng pananampalataya at pag-ibig para sa kanya.’

            Napakahalaga talaga na mayroong ‘apostol’ sa iglesya.  Mawalan na ng theologian, huwag lang ang apostol dahil ang tunay na nagpapalaya sa tao ay hindi ang kaalaman patungkol sa salita ng Diyos kundi ang katotohanan patungkol sa salita ng Diyos.  Amen.

TEACHING:

Tinupad mo, Panginoon, ang pangakong binitiwan, Kay buti ng ginawa mo sa lingkod mong minamahal.
Lahat ng sasaating magaganda at mabubuting bagay (salvation, healing, deliverance, promotion, exaltation, honor, victory, blessing, perfect health, answered prayer) ay ayon sa salita ng Diyos.  Kapag wala ang salita ng Diyos, walang sasaatin.  Anumang needs mayroon tayo sa buhay (spirit, soul, body, physical, spiritual), bago ito tugunan ng Diyos, tayo muna ay bibigyan niya ng instruction (utos, salita).  Kapag ito’y ating sinunod, ang ipinangako niyang biyaya ay sasaatin.

LUCAS 5:4-7
            Pagkatapos niyang magsalita ay sinabi kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.”  Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.”  Gayon nga ang ginawa nila at sa dami ng kanilang huli ay halos magkansisira ang kanilang mga lambat.  Kaya’t kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa ibang bangka upang patulong, at lumapit naman ang mga ito.  Napuno ang dalawang bangka na halos lumubog.
            Nang sila’y sumunod sa inutos ni Jesus, ang biyaya ay nag-umapaw sa kanila. Anumang needs mayroon tayo, bago ito tugunan ng Diyos, siya muna ay mag-uutos dahil ang katapat ng pagsunod ay katugunan.

JUAN 21:4-6
            Nang magbubukang-liwayway na, tumayo si Jesus sa pampang, subalit hindi siya nakilala ng mga alagad.  Sinabi niya, “Mga anak, mayroon ba kayong huli?” “Wala po,” tugon nila.  Ihulog ninyo ang lambat sa gawing kanan ng bangka, at makahuhuli kayo,” sabi ni Jesus.  Inihulog nga nila ang lambat at hindi nila ito mahuli sa dami.
            Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay ayon sa kanyang salita.  We will never force God to supply our needs unless we obey what He command.  Do we want God to supply our needs? Then, we must obey his command.  Bago tayo makatanggap ng anumang biyaya, siya muna’y mag-uutos for God will bless us according to His Word.

LUCAS 17:10
            Gayon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami’y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.’”
LUCAS 17:12-14
            Nang papasok na siya sa isang nayon, siya’y sinalubong ng sampung ketongin.  Tumigil sila sa malayu-layo at humiyaw ng: Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!”  nang makita sila ay sinabi niya, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.” At samantalang sila’y naglalakad, gumaling sila.
            Hindi agad pinagaling ni Jesus ang mga ketongin.  Binigyan muna sila ng instruction (magpakita sa priest).  Nang sinunod nila ito, instantly sila’y gumaling.

TRUTH: God will give us the instruction tru His Word, we must obey it then, miracle & overflowing blessing will come.
           
Ang mga biyayang tinatanggap natin ay biyayang matagal ng inilaan ng Diyos.  Hindi natin kailangang humingi ng humingi ng biyaya sa Lord kundi tumanggap nalang ng tumanggap for we are already blessed.  Blessed na tayo ng tayo’y naisilang at lahat ng biyayang matatanggap natin sa mga darating pang mga araw ay mga additional blessing nalang.  Hindi natin kailangang magkaroon ng umaapaw na pera sa pitaka at nag-uumapaw na pagkain sa lamesa bago natin malamang tayo’y pinagpala ng Diyos.  We are already blessed (season or out of season) we are already blessed.  Wala man tayong pera sa bulsa at pagkain sa lamesa, kailangang ang lumalabas sa labi natin ay mga salitang puno ng biyaya at pagpapala.  Anumang salita na hindi ayon sa salita ng Diyos ay kasalanan at ang bunga nito ay karamdaman, kahirapan at krisis.

Bakit kinakailangang mag-utos ng Diyos? Dahil naghahanap siya ng pananampalataya.  Our faith is our point of contact and access to the power of God.  kapag na-contact natin ang power ng Lord tru our faith, we will be blessed.  Our faith make us prosperous, our fear make us poor.  Our faith make us perfectly healthy and wealthy, our fear make us weak and disastrous; for God said, “Fear not, only belive.”

ISAIAS 53:4-5
            Tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata, gayon din ang kirot na tayo sana ang lumasap; akala natin ang dinanas niya’y parusa sa kanya ng Diyos.  Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.  Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.
AWIT 107:20
            Sa salita lamang na kanyang pahatid sila ay gumaling, at naligtas sila sa kapahamakang sana ay darating.
MARCOS 16:17-18
            Ang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumamapalataya ay parurusahan.  Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maamno dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay.”
2 CORINTO 5:17
            Kaya’t ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang.  Wala na ang dating pagkatao; siya’y bago na.
            Anuman ang nararamdaman natin, kailangang consistent tayo sa ating pananampalatayang ‘sa mga latay ni Cristo’y magaling na ako’.  May sintomas pa man tayong nakikita’t nararamdaman, still we must confess again and again what we believe.
JUAN 6:63
            Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng laman.  Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay.
            Ang Word of God ay walang side-effect at overdose.  Sumobra man tayo sa pagsasalita ng Word of Gos, wala itong masamang maidudulot bagkus lalo tayong lalakas, sasagana at uunlad.  Wala man tayong nakikitang kagalingan at kasaganaan, we must believe na mayroon na tayo nito for “Christianity is a great confession.”  Pray man tayo ng pray, kapag di tayo marunong magsalita ng tama, di tayo gagaling sa sakit at di sasagana.  Ang Salita ng Diyos ang nagbibitbit sa pananampalataya.  Kailangang pagkagising sa umaga, kino-confess natin na “We are perfectly healthy and perfectly wealthy.”

GOD SAID: “Anak, anong ‘healing’ ang inaantay ng mga anak ko? Diba matagal ng tapos iyan sa krus? I-claim na lang nila ang healing at touch of seal.
           
Inuutusan tayo ng Lord na bulay-bulayin ang kanyang salita araw at gabi, hindi lamang ang hindi natin alam kundi pati ang mga dati na nating alam.
            Kapag tayo’y nasa gipit na kalagayan, kailangang tanungin natin ang Diyos kung ano ang iuutos niya.  Kung kailangan natin ng pera, uutusan niya tayong magkaloob.  Kung kailangan natin ng healing, uutusan niya tayong tumingin sa cross.

ROMA 8:26-27
            Gayon din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan.  Hindi tayo marunong manalangin ng wasto, kaya’t ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin, sa paraang di magagawa ng pananalita.  At nauunawaan ng Diyos na nakakasaliksik sa puso ng tao, ang ibig-sabihin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu’y lumuluhog para sa mga banal, ayon sa kalooban ng Diyos.
            Ang taong pray ng pray, hindi siya maboboring sa pananalangin dahil tuturuan siya ng Diyos ng iba’t-ibang pananalangin kaya ii-enjoy niya ang prayer at magiging exciting ang prayer sa kanya araw-araw.
            Bakit tayo nili-lead ng Holy-Spirit? Upang turuan tayo ng maraming bagay for God is a God of variety.  Iba’t-ibang prayer, iba’t-ibang tao, iba’t-ibang sitwasyon at usapin sa buhay ang ihaharap niya sa atin.

What is Prayer? Iyakan.
What is Intercessor? Iyakin.

HEBREO 5:7
            Noong si Jesus ay namumuhay rito sa lupa, siya’y dumadalangin at lumuluhagn sumamo sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan.  At dininig siya dahil sa lubusan siyang nagpakumbaba.
            Kailangang titigil tayo sa prayer kapag may peace na tayong nararamdaman sa puso.  Kapag di pa tayo nakakadama ng peace, we must continue praying (travailing prayer).
HEBREO 11:6
            At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya.  Sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos, at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya.

PRAYER- Pinapakita natin ang ating malaking mithiin.
PRAYER&FASTING- Pinapakita natin na napakalaki ng ating mithiin.

MATEO 6:16-18
“Ang Turo Tungkol sa Pag-aayuno”
            Ang taong di marunong mag-ayuno ay taong di lumalago sa pananampalataya.  Maaaring sa knowledge lalago ka pero sa spiritual understanding hindi.  Kapag di ka marunong mag-ayuno, di ka pa patay sa makamundong mithiin.

GRACE- The goodness and lovingkindness of God.

SANTIAGO 5:14-16
            Mayroon bang may sakit sa inyo? Ipatawag niya ang matatanda ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis, sa pangalan ng Panginoon.  At pagagalingin ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya.  Ibabangon siya ng Panginoon, at patatawarin kung nagkasala.  Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isa’t isa, upang kayo’y gumaling.  Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.
            Kapag nagkasakit ka, honor the scripture.  Huwag ka agad magpapa-doktor, call your spiritual elder for you to lead the repentance and to pray for your healing.
           
Tayo’y nagbibigay sa Diyos dahil nag-utos siya at mahal natin ang nag-utos.  Kung magbibigay tayo kung kailan lang tayo magkapera, ibig sabihi’y dinidepende natin ang ating pagsunod sa ating sitwasyon.  Kapag di na ayon sa sitwasyon, hindi na tayo susunod sa utos, what an ignorance.

 TIMOTEO 2:5
            sapaglat iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.

INTERFAITH- No Word of God and no Christ involved. 
                         -Hindi magkakaroon ng interfaith kung di nagkakaisa sa doktrina at paniniwala.
AWIT 121:2
            Ang hangad kong tulong, sa Diyos magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at lupa.
FILIPOS 4:19
            At buhat sa kayamanan niyang hindi mauubos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
GAWA 16:30-31
            Inilabas niya ang mga ito at sinabi, “Mga ginoo, ano po ang dapat kong gawin upang ako’y maligtas?” Sumagot sila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka-ikaw at ang iyong sambahayan.
            Bago dumating ang kaligtasan, kailangang sundin ang instruction –belive in the Lord!
           
Kailangang nagpapala tayo hindi dahil mahirap o mayaman ang tao kundi tayo’y nagpapala dahil iyon ang katangian natin.  We are a giver, we are a generous people. We give not because of the needs, but because it is our character.  Our nature is to bless. 

Bakit hindi kinakausap ng Lord ang mga mayayamang unbeliever na magpala? Dahil hindi nila nature ang mag-bless.
           
Isang simpleng pagsunod sa utos ng Diyos, kaya nitong baligtarin ang buhay natin at pagbangon ay mayaman na tayo.  Malaya ka na sa salapi at tanda na abot-kamay mo na ang kayamanan ng mga liko kapag nag-uumapaw ka sa kagalakan pagdating sa di-mabilang na bigayan (that’s a test!).

2 CORINTO 4:18
            Kaya’t ang paningin namin ay nakapako sa mga bagay na di nakikita, hindi sa nakikita.  Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita. Ngunit walang hanggan ang mga bagay na di nakikita.
            Kapag ang lagi nating tinitingnan at pinapakiramdaman ay ang sitwasyon natin, walang mangyayari sa buhay natin; ngunit kung ang tinitingnan at pina-pakiramdaman natin ay ang mga pangako ng Diyos at kanyang katapatan, ang buhay natin ay magiging makulay at maka- hulugan.
            Kung walang taga-Oras ng Himala sa isang kumpanya, ang kumpanyang ito ay matagal ng sarado.  Ang taga-Oras ng Himala ay blessing dahil ang ang taga-Oras ng Himala ay giver, generous at nabubuhay sa pagsunod sa mga utos ng Diyos.
            Faith has no alternative (pangungutang, pagsasanla) but faith is waiting to the fulfillment of God’s promises.



“YOU SHALL KNOW THE TRUTH AND THE TRUTH YOU KNOW SHALL SET YOU FREE”

WRITTEN REPORT
(MARCH 2009)

Revelation&Prophetic Word 
Of the Man of God
 ‘Apostle Renato D. Carillo’
OBSERVATIONS AND
SUMMARIZE TEACHINGS
(Write-Ups)


Reported to: Apostle Renato D. Carillo
Reported by: Yhang Cabrera-Cupang Antipolo Chapter

“YOU SHALL KNOW THE TRUTH AND
THE TRUTH YOU KNOW SHALL SET YOU FREE”
(Title)
BY: APOSTLE RENATO D. CARILLO
(CENTRALIZED SUNDAY SERVICE, O1 MARCH 09)


OBSERBASYON:

            Hindi kayang ipaliwanag ng lubos sa pamamagitan ng salita ang dakilang bagay na naganap at nangyari sa araw na ito.  Hindi maipaliwanag, sa kadahilanang una; ang pagpapamalas niya ng kanyang walang-hanggang katapatan sa “Jesus Is Our Shield Oras ng Himala” ay nagpapatunay na lubos niyang kinalulugdan ang ministeryong ito.  Nagsimula sa ‘kalsada’ sa bilang na iilan, nalipat sa ‘auditorium’ sa bilang na daan-daan, at sa araw na ito ay nag-desisyon ng ganapin ang pagtitipon sa ‘liwasang-bayan’ dahil sa libo-libong buhay na hindi maawat sa pagdami.  Pangalawang kadahilanan ay ang walang-hanggang pag-ibig ng Diyos sa ministeryong ito ng kanyang apostol.  Noon, ang ‘body of Christ’ sa Pilipinas ay sarado at  walang balak pagbuksan ng pinto ang lingkod ng Diyos ngunit sa araw na ito, ayon sa mga report na ipinaabot ng “Chairman in JIOSWM Worldwide Convention” sa buhay ni “Ptr. Reynaldo D. Carillo”, ang body of Christ ay nagsisimula ng buksan ang kanilang mga pintuan upang maipadama ang kanilang pagtanggap at pag-ibig sa buhay ng lingkod ng Diyos-Apostol Renato D. Carillo, aleluya!  Dakilain ang Diyos! Pangatlo, sa kadahilanang ang walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos sa pagliligtas ng mga buhay sa ministeryo ng kanyang apostol ay malayong-malayo na kumpara noon.  Sa araw na ito, nasaksihan namin ang pagpapagaling ng Diyos sa mga buhay na may sakit at karamdaman, na kahit sila’y nasa upuan at ‘di pa ipinapanalangin ng lingkod ng Diyos-silang lahat ay gumagaling na!  Ang pagliligtas ng Diyos ng mga buhay ay sumasaklaw na sa lahat ng uri at klase ng tao.  Sa pamamagitan ng “Mission of Love”, ‘di mabilang na kapus-palad na mga pamilya ang pinasagana ng Diyos at sa pamamagitan din naman ng maraming imbitasyon para sa lingkod ng Diyos, ang mga nasa ahensya ng gobyerno, mga prominenteng tao, kilala, sikat at tanyag na mga tao sa lipunan ay inaabot na rin ng Diyos ng salita ng pagliligtas, aleluya! Purihin ang Diyos!  Pang-apat, sa kadahilanang ang walang-hanggang panukala ng Diyos sa bibliya ay isa-isa niya ng nilalahad sa perpekto at ganap nitong kahulugan na tunay na magpapalaya sa sinumang makakarinig.  Sa araw na ito, dakilang katotohanan ang aming napakinggan na pinamagatang “You shall know the Truth and the Truth you know shall set you Free”, aleluya! Sa Diyos ang lahat ng kataas-taasang parangal sa dakilang bagay na pinapangyari niya sa ministeryo ng kanyang lingkod.  Sa katotohanan ng kanyang salita na naririnig sa radio, telebisyon at mga pagtitipon!  Amen!

TEACHING:

JUAN 8:31-32
            Sinabi naman ni Jesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya, “Kung patuloy kayong susunod sa aking aral, tunay ngang kayo’y mga alagad ko; makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”
            Ang kamatayan, sakit, karamdaman, kahirapan, takot, kabiguan, kasawian at suliranin ay maiiwasan kapag ang katotohanan ay malalaman.  Ang katotohanan lamang ang susi upang tayo’y makalaya sa lahat ng ito.  Sapagkat ang katotohanan ay may dalang kalayaan; hindi pansamantalang kalayaan kundi panghabang-panahong kalayaan.  Ang katotohanan ay masusumpungan kung atin itong hahanapin sa Salita ng Diyos.

JUAN 19:30
            Nang masipsip ni Jesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.
            Tapos na ang kapangyarihan ng kapahamakan, sakit, karamdaman, kahirapan, kasalanan, kasamaan ng si Jesus ay namatay sa krus ng kalbaryo 2,000 taon na ang nakakalipas.  “It is done!” This truth brings everlasting joy, true peace and eternal life.  We must know this truth for this truth is all about what Jesus has done on the Cross.  The Cross is the very key in order for us to have unending & eternal victory; the Cross is the centre of all joy, the very root of true peace.  We must know the truth of the Cross because if not, we will suffer from God’s judgment and miss the benefits of the Cross.

1 JUAN 2:1-2
            Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo para hindi kayo magkasala.  Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapamagitan tayo sa Ama.  At iya’y si Jesu-Cristo, ang walang sala. Sapagkat si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin, at kasalanan din ng lahat ng tao.
            Ang lahat ng masasama at pangit na naghahari sa buhay ng tao ay nilupig na ni Jesus, tinalo niya na, winakasan niya na sa krus.  Ang kapangyarihan nito ay totally inalis niya at pinalitan niya lahat ng sakdal at mabubuting bagay.  Ang atin lamang gagawin upang hindi na ito muling maghari sa atin ay mabuhay kagaya niya, tupdin ang kalooban ng Amang sumasalangit at lumakad sa liwanag ng kanyang salita.  Kapag ito’y ating ginawa, ang kapangyarihan ng masasamang umaalipin sa atin noon ay hindi na babalik kailanman.  Once na tayo’y sumuway, lahat ng masasamang bagay na umalipin sating nawala na ay muling babalik; kaya’t ang mga apostol ay nagtuturong mabuhay tayo kagaya ni Cristo upang ang winakasan ni Cristo sa krus ay hindi na muling bumalik sa atin.
            Dahil sa kawalan ng perfect revelation at interes sa salita ng Diyos, marami ay umaalis sa pananampalataya at tumatalikod.  Dahil dito, ang nawalang bunga ng kasalanan(sakit, karamdaman, kahirapan) ay muling bumabalik.  Kapag ito’y nangyari, kailangang tumingin uli tayo sa Cross, i-confess ang pagkakasala upang ang lahat ng bumalik sa atin ay alisin muli ng Diyos.  We must lose the blood of Jesus again, look to the Jesus and receive the benefits of the Cross
            Hindi sapat na makinig at sumulat kundi dapat ang Salita ng Diyos ay binubulay-bulay natin araw at gabi upang sa gano’y mabigyan tayo nito ng abilidad na masunod ang kanyang salita. Halimbawa, nahihirapan kang magpatawad, bulay-bulayin mo ang Salita niya patungkol rito at ikaw ay matututong magpatawad.  Kung saang area ng buhay mo nagi-struggle ka, dapat bulay-bulayin mo ang mga verses patungkol dito at bibigyan ka ng Lord ng strength from heaven upang masunod ito.  If you want to be free from bondages, you must decide to obey the Word of God for the truth of the Word of God will set us free.
            Ang “Kagalingan sa sakit at karamdaman” ay para lamang sa mga taong hindi pa kilala ang Diyos, makikilala pa lang siya.  Ang “Perfect health” ay para sa mga nabubuhay kagaya ni Cristo.  Kapag ikaw ay mananampalataya na kay Cristo at nagkasakit, di mo na kailangang magpa-pray pa ng ‘prayer of healing’ kundi ‘tanggapin mo na lang ang kagalingan’ dahil matagal na itong available.  Ang nangangailangan lang ng ‘prayer of healing’ ay mga taong makakakilala pa lang kay Cristo.

Bakit tayo nagkakasala at namimiss ang benefits ng Cross?
*Dahil tayo’y sumuway.  Tayo’y sumuway dahil ‘di natin binulay-bulay ang Salita ng Diyos.  Kapag lagi nating binubulaybulay ang Salita ng Diyos, malalaman natin ang katotohanan.  Kapag nalaman natin ang katotohanan, magkakaroon tayo ng mithiing lakaran ito.  Kapag ito’y ating nilakaran, magiging ecxiting ang buhay natin araw-araw.  Kapag naging exciting ang buhay natin araw-araw, praise God dahil tayo na ang pinaka-maligayang taong nabubuhay.

MISSION OF LOVE- Love in action, love express means a way of life.
           
Kapag ang pag-ibig mo ay galing sa langit, hindi ka lang magbibigay kundi magsasakripisyo ka pa.  Ang nagmamahal kagaya ni Cristo ay hindi nagbibigay lang dahil siya’y pinagpala kundi kung wala siya, gumagawa siya ng paraan upang makapagbigay.  Kung nais nating mabuhay kagaya ni Cristo, we must surrender all.
            Kapag tumatayo ang Lingkod ng Diyos, ang Diyos ay nagsisimula ng magsalita at hanggat nakatayo ang Lingkod ng Diyos, ang Diyos ay hindi tumitigil magsalita kaya’t ito’y direct to the point at life-changing.  The voice of the man of God is the voice of God.
            Kapag fulltime ka sa ministry, hindi ibig-sabihin na sinurrrender mo na ang lahat.  Nakabase sa pagsunod mo sa lahat ng inuutos niya ang pagsu-surrender mo ng buhay.  Once the Lord revealed himself to us, ang tanging sasabihin niya ay ang “Will” ng God the Father directly.  Kapag tayo’y kinausap niya, matututo tayong mag-humble ng totoo sapagkat malalaman nating sino tayo upang kausapin ng may lalang sa atin.  Kahit edukado tayo at mayaman, we are useless and nothing malibang mahabag ang Diyos sa atin na tayo’y gamitin at bigyan ng tungkulin.
            Inuutusan tayo ng Lord na magbigay at magsakripisyo hindi magbilang ng pera sa pitaka.  Inuutusan tayo ng Lord na magpadama ng pag-ibig sa kapwa hindi malungkot at mag-alala.  Kapag ang Diyos ay nagliligtas ng ‘di mabilang na kaluluwa at ang ginagawa niyang pagliligtas ay dakila at ‘di ordinaryo, saklaw ang lahat ng klase ng tao(mayaman, mahirap, prominente, mangmang, tanyag, ordinaryo), siya ay umaasa rin na ang pagbibigay, pagkakaloob at pagsasakripisyo natin ay dakila din at ‘di ordinaryo.
            When God blessed us, promoted us and exalted us in our job, work, business and ministry, it means na nais ng Diyos na higitan pa natin ang pagkakaloob na ginagawa natin sa nakalipas upang mas marami tayong mapagpala.  God do great things in our life not because we are something great, NO! but God do great things for us for the sake of other people to be bless by our life.  We are a blessing.


GOD SAID:
“Anak, kapag nakakita ka ng anumang uri ng pangangailangan (sakit, karamdaman, kahirapan sa pamilya, katrabaho, kapitbahay, bayan at bansa) i-minister mo sila, magkaroon ka ng bahagi, magpala ka at ika’y aking bibiyayaan.
            God is commanding us that when we see a need, we must minister them, share the love of Christ, bless them, sacrifice for them- that is “Love in Action”.
           
Kung bakit natutulog ang kaligtasan ng marami at ‘di nadadama ang pag-ibig ni Cristo dahil ang mga mananampalataya ay natutulog din at ayaw kumilos upang magpadama ng pag-ibig.

GOD SAID:
“Kapag may pangit na naganap sa isang pamilya, trabaho, kapitbahay, bayan at bansa, walang ibang dapat sisihin kundi ang mga anak Ko na nasa lugar na iyan dahil hindi nila ginagampanan ang kanilang responsibilidad.
            Kapag hindi natin ginamapanan ang ating responsibilidad sa Diyos gaya ng pagliligtas ng kaluluwa, pananalangin, pag-aayuno, pagkakaloob, pagbibigay at pagsasakripisyo, tayo ang mananagot kapag ang mga kaluluwang nasa paligid natin ay napahamak.
           
Kapag tayo’y nagbubulaybulay ng kanyang salita, hinangad natin ang katotohanan, ito’y pinaniwalaan at kinain, sa araw at oras na iyan, tayo ay biglang mailalagay sa isang mataas na kalalagyan sapagkat tayo’y dadalawin ng Lord.  No need to wait after a weeks, no need to attend seminars but that moment, our life will transformed.  When we transformed, we will have the strength to move on.  When we have the strength to move on, we will have the power to do greater works!
            Sa ayaw at sa gusto natin, anumang desisyon na ating gagawin, tiyak na ito’y may epekto sa lahat.  Kapag tayo’y sumuway sa salita ng Diyos, may masama itong epekto sa lahat; kapag tayo’y sumunod sa salita ng Diyos, may mabuti itong epekto sa lahat.

KAWIKAAN 4:20-21
            Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti.  Pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi.  Huwag itong babayaang mawala sa paningin, sa puso mo ay iukit na mabuti at malalim.
1.PAKINGGAN MONG MABUTI- huwag pumayag na ma-distruct ka, huwag ilingon ang ulo sa kaliwa’t kanan, katabi’t likuran.
2.PAKINIG MO AY IKILING- ibigay ang teynga sa kanya, ituon ang pandinig sa kanya, intindihin at unawain ang kanyang mga sinasabi.
3.HUWAG ITONG BABAYAANG MAWALA- bulaybulayin, basahin ng pauli-ulit, alalahanin araw at gabi ang kanyang salita.
4.IUKIT NG MABUTI AT MALALIM- ilagay sa puso, kainin ng labi, isiksip sa isipan ang kanyang salita.
(kapag ating pinakinggang mabuti, ikiniling ang pandinig, hindi hinayaang mawala at inukit ng mabuti at malalim sa puso ang Salita ng Diyos, dudulutan tayo nito ng isang buhay na puno ng biyaya at tagumpay, pamumuhay na kagaya ni Cristo)

AWIT 66:18
            Kung sa kasalanan ako’y magtutuloy, Di ako diringgin nitong Panginoon…
JOSHUA 1:8
            Huwag mong kaligtaang basahin ang aklat na yaon.  Dili-dilihin mo iyon araw-gabi upang matupad mo ang lahat ng nasusulat doon.  Sa gayon, giginhawa ka at magtatagumpay.
           
Kung hindi natin pahahalagahan ang Salita ng Diyos (binulaybulay, pinanood, pinakinggan sa pamamgitan ng mga compact discs ng lingkod ng Diyos) tiyak na tayo’y manlalamig, manlalata hanggang talikuran na ang pananampalataya.
            Kapag ating binulaybulay ang Salita ng Diyos, ito’y ating maipapaliwanag ng maigi at mahihimay ng isa-isa.  Kapag ating binulaybulay ang Salita ng Diyos, tayo ay nakasumpong ng isang buhay na makulay at makahulugan, tayo’y nakasumpong ng ginto.
            Kapag ang Salita ng Diyos at ating pinakinggan, tinanggap, pinaniwalaan, binulay, sinaisip at sinapuso, tayo ay magkakaroon ng perpektong kalusugan, perpektong buhay na perpekto sa lahat ng bagay.  Gaya ni Moses, sa sobrang katandaan ay hindi nagkasakit.  Gaya ni Pablo, sa sobrang daming byahe ay ‘di nagkasakit.  Gaya ni Tatay Apostol, sa sobrang pagod at puyat ay ‘di nagkasakit.  Kapag tayo’y nagkasakit, ibig-sabihin tayo ay sumusuway sa Diyos.  But still, those who cling to the Word of God will have perfect health.  That is a fact!  God is perfect and because He is perfect, His Word is perfect and those who believe His Word will be perfect, too; therefore, Perfection is a truth.
DISCIPLE: A man and a woman who lives like Jesus.

KAWIKAAN 11:24-25
            Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay.  Ang taong matulungin ay luluwag ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.
            Kapag alam mo na ang truth ng Word of God, ‘di ka makukuntento sa blessing kundi maghahangad ka pa ng mas malaking kayamanan dahil ito ang sinasabi ng Salita ng Diyos.  Ang Salita ng Diyos ang nag-aalis ng maling kaisipan sa atin at nagtataboy ng kasinungalingan.
            Ang turo ng mundo ay “Huwag kang magbigay, nasa krisis ang mundo”, ang turo ng Diyos ay “Magbigay ka at ‘di ka makakaranas ng krisis.”
            Hindi man natin makita at maranasan pa ang biyaya ng Diyos ngayon, umaasa tayo na makikita’t mararanasan natin ito bukas.  Hindi man natin ito makita bukas, that means, iniipon ito ng Diyos.  At the perfect time, ang naipong biyaya ay aapaw sa atin.  Huwag tayong maiinip at magsasawang gumawa ng mabuti bagkus tumuloy at ‘wag manghinawa, panghinaan ng loob at mawalan ng pag-asa.
            Imposible sa mga anak ng Diyos na nabubuhay sa Word of God at sumasampalataya sa kanyang mga pangako ang ‘di magtatagumpay sa lahat ng bahagi ng buhay dahil ang “Salita ng Diyos ay totoo.”

JUAN 17:19
            At alang-alang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.
AWIT 145:13
            Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.  Di ka bibiguin sa mga pangako pagkat ang Diyos ay tapat, ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat.
HEBREO 4:12
            Sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa, higit na matalas kaysa alinmang tabak na magkabila’y talim.  Ito’y tumatagos maging sa pinaghihiwalayan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak ng sa buto, at nakatataho ng mga iniisip at binabalak ng tao.
1 HARI 8:56
            “Purihin si Yahweh! Tinupad niyang lahat ang kanyang mga pangako, at binigyan ng katahimikan ang bayan niyang Israel.  Sa lahat niyang mga pangako kay Moises, wala isa mang nasira.
AWIT 89:1-2
            Pag-ibig mo, Yahweh, na di nagmamaliw.  Ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin; ang katapatan mo’y laging sasambitin.  Yaong pag-ibig mo’y walang katapusan, sintatag ng langit ang ‘yong katapatan.
1 PEDRO 1:24-25
            Ayon sa Kasulatan, “Ang lahat ng tao ay gaya ng damo, gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan.  Ang damo ay natutuyo, at nalalanta ang bulaklak, Ngunit ang salita ng Panginoon ay mamamalagi kailanman”…
MATEO 24:35
            Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko’y hindi magkakabula.”
AWIT 33:6-9
            Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit, ang araw, ang buwa’t talang maririkit; sa iisang dako, tubig ay tinipon, at sa kalaliman ay doon kinulong.  Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa! Dapat katakutan ng buong nilikha! Ang buong daigdig sa kanyang salita ay pawang nayari, lumitaw na bigla.
JUAN 2:23
            Nang Pista ng Paskuwa, nasa Jerusalem si Jesus.  Marami ang sumampalataya sa kanya nang makita nila ang mga kababalaghang ginawa niya.
           
Ang dusa, lungkot, hirap, sakit, karamdaman at krisis ay maiiwasan kapag alam natin ang katotohanan.  Ang katotohanan ay nasa salita ng Diyos at pagbubulaybulay nito.  Kung may susunod sa Word of God, ang kahirapan at krisis ng buhay ay tapos na!
            Hindi sapat na sabihin nating “Mahal kita, o Diyos”.  Dapat ito’y pinapatunayan tru “Radical love” (walang pinag-aalala at kinakatakutan).  Di kayang tinagin ng leon, ng fiery furnace, ng martyrdom at ng kamatayan sa krus-sa mabuhay, sa mamatay.  Ang radical love na komitment ng mga anak ng Diyos ay di kayang tawaran ng mga deboto sa nazareno na 3 araw pa ang pista ay nasa luneta na, tinatalo nito ang paninindigan ng mga suicide bomber, terorista, pulitiko at mga kulto, handang ialay ang buhay alang-alang sa Diyos.
            Anuman ang kalagayan natin sa buhay, kailangang mapatunayan natin ang ating pag-ibig sa Diyos.  Minsan lang tayo mabuhay sa mundo at ang susunod na yugto ay tanggapan ng biyaya.
            Ang “Pananampalataya” ay 2 lang:  maninidigan ka o aatras.
            Kapag tayo’y nagdesisyon na para sa Diyos, kailangang disiplinado na tayo sa buhay.  Kapag tayo’y disiplinado na, kailangang maging determinado tayong gawin ang kalooban ng Diyos.  Hindi natin magagawa ang kalooban ng Diyos malibang tayo’y mag-desisyon, maging disiplinado sa pagsupil ng laman at maging determinadong matapos ang ipinagagawa ng Ama.
            Sa mata ng marami, ang radikal na pag-ibig para sa Diyos ay mali at wala sa katinuan, ngunit sa Diyos, ito’y lubos niyang kinalulugdan.

BELIEVE
B-ecause 
E-mmanuel “God is with us”
L-ives forever
I-I (personal)
E-xpect
V-ictory forever
E-veryday, everywhere, anytime and all the time!

“I believe.  I believe God.  I believe the Word of God.  I believe His promises and prophecies.  I believe.”



ONLY GOD CAN JUDGE ME


There Minutes When I Fall Short, hopefully. I Notice And Get myself Back On track Before Someone Other Than God See me And Fleshly JUDGE me.

Tuesday, May 28, 2013

LETTER OF APOLOGY

My Letter of apology to you, Friend

I’m sorry. I know these past days I have not been able to portray a happy version of me. There’s just been a lot going on in my head that are conflicting. I’m torn, literally. So if I seem to be more "negative" than I used to be, I’m sorry. It wasn’t my intention to cast my gloomy shadows upon you also. Sorry for all my depressing sides that I have shown to you.I’mSorry.


Yhang

SINONG DAKILA?

DAKILA ang taong nakakapaglingkod sa

karamihan at hindi umaasa ng kabayaran.


MATAPANG  ang taong ang takot ay tanging 

sa Diyos niya inilaan.


MAYAMAN ang taong marami ang 

natutulungan sa kabila ng sariling

pangangailangan at kasalatan.


MATALINO ang taong natutuhan ang mga 



leksiyong hatid ng karanasan, kamalian at 

kapaligiran.


MALAKAS  ang taong alam ang kanyang 

kahinaan at ito’y kanyang 

pagtatagumpayanan.


Nawa’y bigyan tayo ng Diyos ng mga 


katangiang ito at maipamuhay para sa


Kanyang kaluwalhatian.