LOVESTRUCK
Singles Edition by: Ronald
Molmisa
Being single doesn’t
necessary mean you’re available.
Sometimes you have to put up a sign that says, “Do not Disturb” on your
heart.
Tanggapin natin ang katotohanan na hindi lahat ng singles
ay makakapag-asawa. Ibinigay na
halimbawa ng Panginoon ang buhay ng mga “eunuch.” They failed to marry either due to personal
choice or unforeseen circumstances. As
Matthew 19:11-12 (NIV) reveals: “Not everyone can accept this word but only
those to who it has been given. For
there are eunuchs who were born that way, and there are eunuchs who have been
made eunuchs by others. And there are
those who choose to live like eunuchs for the sake of the kingdom of
heaven. The one who can accept this
should accept it.
PRESENTING…
THE SINGLES
Sa ilang focus group discussions at surveys na ginawa ko,
maraming singles aged 25 and above ang maibibilang sa anumang grupong ito. Hindi ko na isinama sa listahan ang mga namatayan
ng asawa.
The Huwag-Na-Muna Squad
Sila ang talagang hindi pa
qualified pumasok sa relasyon dahil wala pa sila sa tamang season ng kanilang
buhay. Kailangan nilang unahin ang pag-aaral para makahanap ng maayos na
trabaho. Madidistract lang sila ng romantic relationship kaya huwag na muna.
The
Tsaka-Na-Breadwinner-Kasi-Ako-O-di-pa-Ako-Ready Group
Sa dami ng puwedeng gawin
na responsibilidad sa buhay, sila ang nagdesisyon na i-delay ang
pakikipagrelasyon o pag-aasawa. Kabilang dito ang mga nagtatrabaho at
sumusuporta sa pamilya nila. Ang iba, gusto munang i-enjoy ang buhay
binata/dalaga bago lumagay sa tahimik. They enjoy being single while others
dream of having an established career.
The Uber Busy Cluster
Sila ang walang panahon
para sa romantic endeavors. They are simply too busy to be in love. They work
all day at pag-uwi sa bahay ay matutulog na lang.
The High Value Group
Mataas ang standards nila
sa future partner. Ito ang mga pihikan. Dahil malaki ang sweldo, may lifestyle
like the rich and famous, at kayang-kaya magpamilya anytime. Gusto nila ng
kapartner na kapantay ng kanilang “halaga.”
The Wala Talaga Circle
Para sa mga babae, hindi
dahil sa ginusto nilang maging single kundi dahil wala pa silang natatagpuan na
bibihag sa kanilang puso. Inaakala din nilang lahat ng eligible men ay taken
na. Ang counterpart naman nito sa mga lalaki ay ang “The Always Basted” clan.
The Love Hurts Society
Sila ang mga ingat na
ingat na ibigay ang kanilang puso. May mga bitter silang pinagdaanan sa
pakikipagrelasyon. Some still suffer from loneliness and grief due to a
break-up or loss of a loved one. O kaya naman ay naapektuhan sila ng masasamang
karanasan sa pag-ibig ng kanilang mga kaibigan o mahal sa buhay. Kinandado at
kinaha-de-yero ang puso. Nangangailangan sila ng matinding emotional
rehabilitation. Sila lang ang nakakaalam kung kailan sila muling mai-inlove.
The Last Trip/Chance
Passenger Clan
They are on the road to
spinsterhood/bachelordom. Lampas na sila sa kalendaryo kaya nagmamadali na at
umaasa na makakasama pa sila sa huling biyahe. Ang iba ay desperado na dahil
stressed na sa kahihintay. Samantalang ang iba, chillax lang.
The Single-blessed
Assembly
Sila ang mga kumbinsidong
hindi sila tinatawag para mag-asawa at magkapamilya. You may call them
different names pero hindi sila apektado ng anumang panunukso. Kayang-kaya nila
harapin ang hassles ng pagiging single. They have discovered that being single
is their destiny. At hindi nila pinagsisisihan iyon.
The At Iba Pa Group
Kasama rito ang mga
pumipiling maging single dahil sa hindi sila naniniwala sa kasal (kaya hanggang
cohabitation o live-in lang), may ibang pananaw at ugali ukol sa lalaki o babae
(i.e. woman/man hater), o sadyang hindi pa kayang pumasok sa seryosong
commitment. May mga tao ring walang kakayahang mag-asawa dahil sa kanilang
pisikal na kalagayan (i.e. may “Down’s Syndrome,” o kaya yung may certain
disabilities or physical limitations that will make it impossible for them to
marry).
Marami pang dahilan na puwedeing ilista rito pero mauubos
lang ang space ng libro.
FACING THE EMO PART OF BEING A SINGLE
Hindi madali ang maging
single. Marami kang sasagupaing mga
multo na paulit-ulit kang bibisitahin lalo na kung nag-iisa ka na lang sa
kuwarto at anino mo na lang ang kasama mo.
EMOTIONAL PANIC
Habang mabilis na
nagpapalit ang araw sa kalendaryo, marami ang kinakabahan, lalo na sa mga
ladies, torture ang unti-unting pagdating ng kanilang biological expiration
date. Hindi maiiwasang makaramdam ng
inggit o frustration sa tuwing makakakita ng mga couples na sweet na
sweet. Mas tumitindi ang pressure kapag
sunud-sunod nang nag-aasawa ang mga kabarkada mo. Worried ka na maiwan ng biyahe ng bus. You also fear the shrinking pool of eligible
men.
LONELINESS
Kahit nakangiti ang ilan
kapag tinanong mo kung OK sila, kadalasang kabaligtaran ang nararamdaman nila
lalo na kung sila ay nag-iisa. Sa kabila
ng tagumpay mo sa carrier, you miss someone whom to share your victories
with. You miss hearing the saccharine
words and sweet nothings from a partner.
Takot ang iba na tumandang dalaga/binata. Many even contemplate on having a child
without a husband. Mag-ampon na lang daw
o dumaan sa in vitro fertilization. Pero
mahirap naman ito kung gusto mo lang magkaanak for “instrumental” reasons. Gagamitin mo pa ang bata para mapunuan ang
iyong kalungkutan.
LOW SELF-ESTEEM
Para sa mga taong
nakapaligid sa iyo, hindi kumpleto ang anumang tagumpay na iyong matatamo kapag
wala kang partner. Dito bumababa ang tingin
ng maraming singles sa kanilang sarili.
Kahit gaano sila kaganda, feeling nila, sila na ang pinakapangit na tao
sa buong mundo. Iniisip lagi na wala
silang X factor na maaaring mapansin ng marami.
Sa maraming pagkakataon, hindi nakakatuwa kung nagiging talk of the
Church/office ka at nagte-trending sa twitter ang pangalan mo bilang most
eligible bachelor/ lady.
UNCERTAINTY IN LIFE’S DIRECTION
Dahil sa monotony, hindi
mo alam kung saan papunta ang buhay mo.
Your major question, what is the purpose of my life? Maraming singles ang nagiging self-absorbed
dahil sarili lamang nila ang kanilang iniintindi. Kakabit nito ang feeling of aimlessness. Kaya ang iba, sinusubukan ang iba’t ibang
bagay para lamang magkaroon ng kakaibang spice ang buhay/ i.e. sexual
activities.
SEXUAL URGES AND TEMPTATIONS
Single or married, hindi
mo kayang pigilan ang raging hormones mo, lalo na if you are at the prime years
of your life. The fact is, most singles,
including Christians, masturbate periodically to release sexual tension.
RELENTLESS SOCIAL PRESSURE
Isa sa pinaka-nakakaasar
na parte ng buhay single ay ang sandamakmak na pagpuna, panunuya o panunukso
mula sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Kahit ang mga simbahan ay madalas hindi supportive sa idea na OK lang
ang maging single. Kahit ang mga
Singles’ Ministries ay may subtle attempts to pressure its members to get
married. Due to unwanted social pressure,
many women settle for guys who are below their standards.
So, paano mo haharapin ang mga hindi matigil-tigil na
tukso? Una, dedma ka lang. Never dignify
the issue. Ngitian mo lang. Magsasawa rin sila. Pangalawa, you can confront them head-on, you
must have the gentle audacity to say, “Hindi ko kailangan ng ka-partner para
maging masaya.” Third, kung talagang
nakakairita na ang mga panunukso, mag-desisyon na umiwas sa mga taong
nambubuska. Huwag nang pumunta sa mga
lugar kung saan ikaw ang magiging target ng pang-aasar. Iyan ay kung madali kang maapektuhan ng
kanilang mga panunuya.
AS YOU WAIT…
The single life is not
necessarily better or worse than married life, only different. Anuman ang relationship status mo, may
magandang plano ang Diyos para sa iyo.
Maraming bagay ang magagawa ng isang single na hindi na kayang gawin ng
may asawa o may pamilya. Stop blaming
yourself kung bakit ka single. At huwag
na huwag maiinip sa paghihintay. Kung
nasa plano ng Diyos na makapag-asawa ka, ang isang magandang love story ay
isasakatuparan Niya at the right time lalo na kung hinahayaan mong si Lord ang
maging Script Writer at Director ng buhay mo.
Maximize Your Freedom
Habang single, enjoy
life. Dahil kapag uugod-ugod ka na,
hindi mo na magagawa ang maraming adventures ng buhay. Mag-enroll sa graduate school, travel to
different places, get involved in worthwhile socio-civic activities among
others. Develop healthy relationship
apart from marriage. Marami akong
kaibigan na fulfilled sa kanilang buhay kahit walang asawa. Natutunan kasi nila na maging malapit sa mga
kaibigan at kamag-anak. Ipakita sa iba
na masaya ang maging single, na hindi mo kailangan ng partner para masabing
makulay ang buhay. Marriage is not the
only remedy to loneliness, nor is it the whole purpose of life.
Develop Your Personality
Your identity should be
complete before you enter into a relationship.
Kung gagawin mong dahilan ang pakikipag-relasyon para mabuo ang pagkatao
mo, masasanay kang umasa sa iba para lumigaya.
Kaya, ang marami, kapag iniwan ng BF/GF, halos magunaw ang mundo dahil
isinandal sa ka-partner ang kaligayahan.
Home your skills and talents. Men
and women are attracted to the member of the opposite sex who is talented. Build your self-confidence. Maraming naiinip kasi walang
pinagkakaabalahan sa buhay. Their
energies are so focused on imagining how life will be better if they get
married. Other things in their life seem
dull. You should never be consumed by
the idea that you need a man/woman in your life to feel complete.
Have an Accountability Group
Huwag mong isiping
nag-iisa ka sa iyong struggle. Marami
kayo. Hindi nagiging malamig ang Pasko
at Valentines Day mo kung marami kayong nagkakaisa at nagtutulungan. If you feel helpless, help other people. Nakakagaan ng feeling. You are not called to be grumpy
everyday. Celebrate your singlehood with
others.
Pursue Purity
Katulad ng ibang spiritual
disciplines, singles must know how to abstain from sexual activities. Iwasan ang panonood ng pornographic films na
magpupukaw ng malalaswang damdamin.
Iwasan ang makipag-flirt sa opposite sex. Ibuhos ang panahon sa mga bagay na maglalayo
sa iyo sa mga sexual thoughts. More
importantly, ask God to sustain and provide for you. When God saw that Adam was lonely, ibinigay
niya si Eba. God knows your deepest
frustrations and struggles.
Never Compare Yourself with Others
May iba kang tinatahak na
landas sa buhay. Kung naka-focus ang
paningin mo sa iba, lagi kang madidismaya dahil laging may makakalampas sa
achievements, performance at kaguwapuhan/kagandahan mo. This can lead to jealousy and envy. See yourself as God sees you. May unique purpose ang Diyos para sa iyo and
He will surely fulfill His plans for your life according to His timetable.
Find your Happiness in the Lord
Kailangang hanapin natin
ang tunay na kaligayahan sa Panginoon na Siyang unang nagmahal sa atin. Siya lang ang tanging makapagsasabi sa iyo,
“Hindi kita kailanman iiwan o pababayaan.”
Sapat ang pag-ibig ni Lord. Sa
Kanya, siguradong walang heartbreak. The
Psalmist wrote, “Delight yourself in the Lord and He will give you the desires
of your heart.” Let Him fill the hole in
your heart that you think can only be filled by a significant other. Kung nasubukan mo nang kumunsulta sa mga
Radio Dj’s, physchologists at love gurus, subukan mo namang lumapit sa
pinagmumulan ng tunay na pag-ibig. If
God is all you have, you have everything you need.
YOU WERE BORN THIS WAY
Men accuse women of being
too emotional while ladies accuse guys of not being emotional enough. Why? Guys tend to use their brain’s left
hemisphere – the logical/rational side.
Ang mga babae naman ay parehong ginagamit ang left at right sides ng
utak nila dahil mas develop ang kanilang corpus collusum – a bundle of fibers
that connect the two sides. Mas malaki
rin ang kanilang limbic system o ang parte ng utak na may control sa pang-amoy,
emosyon at pakiramdam. Dahil dito, women
are more expressive and more prone to depression. Isabay mo pa dito ang katotohanan na mas
kaunti ang pino-produce nilang serotonin, ang neutrotransmitter chemical which
gives a “feel good” state. At kapag
kulang ang kemikal na ito, mas umiigting ang negative moods katulad ng anxiety
disorders, panic at pessimism.
ANG LAHI NI EBA
May mga distinct na
katangian ang babae na kailangang malaman ng mga lalaki. Isa-isahin natin.
Emotional and Romantic
Natural sa mga babae na
kiligin sa mga kuwentong nagpapakita na sila ang prinsesa o binibining
inaaruga. Ini-imagine nila ang isang
lalaking TDH (o Tall, Dark and Handsome) na magse-save sa kanila mula sa
kumunoy ng kalungkutan. Kaya sumikat si
Edward Cullen ng Twilight dahil nakaka-inlab daw ang isang lalaking handang
magpuyat (although hindi talaga siya natutulog) para lang ikaw ay makatulog ng
mahimbing. Sa kabilang banda, hindi rin
maiiwasan ng mga ladies ang maging moody (na influenced by their menstrual
cycle). They often struggle with the
need for intimacy and emotional closeness.
They are also prone for emotionalism which can result in “imagined
loved” and self-created romance.”
They Crave Words of Affirmation
Some people say that the
way to a woman’s heart is through her ears – mahalaga sa babae ang compliments
at praises. Huwag na huwag itong
kalilimutan mga guys. Kapag bago ang hairstyle,
musika sa pandinig nila ang mga salitang, “Ganda ng hair mo, honey!,” o
“Pang-international pageant ang beauty mo.”
Morale at self-esteem booster iyon.
Appreciate their loveliness.
Ikaliligaya rin nila ang
expressions ng iyong cheesy love sa mga social networking sites. Warning: Girls, huwag agad-agad padadala sa
mga matatamis na dila ng kalalakihan.
You must learn to discern kung binibilog lang nila ang ulo mo.
Matindi ang Radar
Call it “tamang hinala,”
“intuition” o “gut geeling.” Pero
matindi talaga ang pakiramdam ng babae, lalo na pagdating sa mga aktibidades
(kasama na ang kalokohan) ng lalaki. It
is in her brain. Active ang utak ng mga
ladies sa lahat ng pagkakataon kaya mas maraming napapansin. Ang mga bagay na binabalewala ni Adan,
malinaw na malinaw na nasasagap ng satellite dish ni Eba. Sa mga mister na maraming itinatago, humanda
na kayong makarinig ng classified investigatory research kapag ginabi na kayo
ng uwi at hindi kayo nagte-text kay misis.
May pagka-historical din ang babae.
Matandain sa mga detalye. Kayang
tandaan ang kulay ng damit mo ng huli kayong mag-away, ang oras kung kailan ka
nagsabi ng “I Love You,” at ang lahat ng special dates ninyo sa relasyon.
Ladies are Talkers
They connect
verbally. Hindi kumpleto ang araw nila
kung hindi nakakapag-tsismisan tungkol sa maraming bagay na na-experience
nila. Sa mga hindi mapigilan ang bibig
sa kasasalita, sila ang mga nababansagang mga gossiper o “tsismosa.” Ang sobrang pananalita ang nagiging dahilan
kung bakit hindi na sila minsan nagiging mysterious sa mga lalaki. Binubulalas na kasi ang lahat ng kanilang
nalalaman, emosyon at pinakatatagong sikreto.
May Pagkaselosa
Aminin man o hindi ng
ilan, ayaw na ayaw ng mga girls na makita ang kanilang partner na
nakikipagharutan sa iba. Valid naman ang
reason kaya, boys, iwasan ng ikumpara sila sa female celebrities at i-highlight
ang mga bagay na wala sa kania. Sakit
noon. Huwag niyo nang hintayin na umabot
sa boiling point ang galit ng ka-partner.
Never din na magpakita na mas higit ang iyong treatment sa ibang
girls. Tatahimik lang sila. Hindi ninyo alam, kumukulo na pala ang dugo
nila at nag-iipon na ng sama ng loob.
Tapat kung Magmahal
Exception to the rule ang
mga babaeng nanlalalaki. Hindi normal sa
babae ang makipag-relasyon nang sabay sa dalawang lalaki. Hindi rin nila ugali ang makipag-flirt sa
ibang boys kung committed na sila sa kanilang BF or asawa. Men should, therefore, reciprocate by being
affectionate and honest.
Longs for Protection and Security
Ito ay hindi dahil mahina
sila kundi dahil gusto nilang maramdaman ang pagmamahal ng lalaki. Ang tunay na lalaki ay kayang ipagtanggol at
proteksyunan ang kanyang prinsesa.
Mahirap maging asawa ang mga lalaking backbone-challenged. Sila ang inaasahan ng magiging haligi ng
relasyon. They are mandated by God to
protect their wives and provide for them.
Women also long to be pursued.
Sila dapat ang hinahanap at hindi ang naghahabol.
ANG LAHI NI ADAN
Maraming babae ang
nagtatanong, “Nasaan na ang mga tunay na lalaki?” Ang sagot ko naman, “Anong
uri ng lalaki ba ang hinahanap ninyo?” Madalas tinetailor-fit ng mga babae ang
kanilang version of masculinity ayon sa kanilang feminine characteristics-gusto
ng malambing, sensitive, caring, in touch with their feelings, at kung ano-ano
pa. As a result, madalas lito ang mga
lalaki sa dapat nilang ikilos. Ladies,
if you want to feel feminine, let men be masculine. Tingnan natin ang kanilang inherent
qualities.
Rational and Logical
Palaisip at palahanap ng
sagot ang mga lalaki. Hindi basta-basta
tumatanggap ng mga conclusions na walang maayos na basehan. Kahit nabubuko na sa kalokohan, ang laging
sagot, “may ebidensiya ka ba?” Dahil mas nangingibabaw ang utak, may
pagka-manhid ang mga lalaki. Kung nais
ninyo, ladies, na maunawaan kayo, diretsuhin ninyo ang boys kung ano ang inyong
nararamdaman. Mahirap maging
assume-mera. Understand that men are not
born sensitive to many things.
Equipped with Visual Scanning Powers
The eyes of man are never
satisfied. Mabilis mabihag ng
magagandang kababaihan ang lahi ni Adan.
Automatic ang visual scanning capacity kapag may babaeng voluptuous ang
katawan. Hence, they are also
susceptible to forming flawless image of women in their mind. They can be obsessed with their own
fantasies. This complements the wiring
of women. Kung ang mga lalaki ay
nahu-hook sa pornography, ang mga babae naman ay nahu-hook sa fashion industry. Women would like to be attractive, especially
to the man they want to marry. It is,
therefore, important that men should have covenant with their eyes, that it is,
not to look at women with lust.
Not Really Cheesy
For boys, ang romance ay
isa lamang instrument sa loob ng kanilang toolbox. Ginagamit lang kung kinakailangan. Madalas, kapag mission accomplish na, itatabi
na ang tools for future use. Inillalabas
ulit nila ang mga ito kapag sumasapit ang weeksary, monthsary, anniversary,
February 14 at mahahalagang occasions.
Mahina rin ang memory ng mga lalaki pagdating sa mga importanteng
detalye ng relationship. Kailangang
ipaalala mo sa kanya kung kailan at saan kayo unang nag-date, ano ang mga
pangakong binitawan niya, at ipa-recall ang mga bagay na maaaring naibaon niya
na sa limot.
Tends to be Quiet
Hindi masalita ang mga
boys. They are secretive and often express
their feelings non-verbally. Minsan
sapat na sila ay makinig at pakinggan.
Huwag magtataka kung “Yes” or “No” lang ang sagot nila sa mga tanong
niyo. Ladies, huwag pipiliting sabihin
nila ang problema nila kung ayaw nila.
Madalas, susubukin muna nilang gawan ng solusyon nang mag-isa. Ipapaalam lang nila sa inyo ang problema
kapag naresolba na, or hindi na nila mahanap ang solusyon. Hindi nakakapagtaka na higit kalahati ng
divorce sa US ay sinisimulan ng mga babae.
Ang dahilan: Hindi nila ma experience ang emotional attachment sa
kanilang mga asawa. Kasi nga, hindi expressive ang mga lalaki sa kanilang
nararamdaman sa pamamagitan ng salita.
Sees Physical Touch as an Expression of Love
Men show love and
affection through physical touch. Many
view sex as the only way to be close.
Guys feel a stronger desire for sex whereas ladies struggle more with
the emotional desire for intimacy. But
it is wrong to say that men cannot control their libido and women should give
their bodies to please them. So girls,
see the guys’ touch as their way of saying, “I like you” and “I care.” Pero mag-set ng limits kasi makitid ang
pagitan ng love at lust.
Has a Competitive Spirit
Tingnan niyo na lang ang
kinahihiligan nilang sports and forms of recreation – basketball, football, car
racing. Kapag nagbibiruan, nagpapalitan
sila ng masasakit na salita pero hindi naman talaga sineseryoso. Bahagi lang ng friendly competition. Pero iba ang mga babae. Nagpapalitan sila ng compliments pero
nag-iisnaban naman. Bahagi rin ng
competitive spirit ang pagiging possessive.
It is not unusual na bakuran ng boys ang kanilang GF at kontrolin ang
kanilang ginagawa. Ayaw na ayaw na
nagsusuot ng maikling shorts o skirts ang GF dahil “For his eyes” only lang daw
ang katawan ng ka-partner. Sa kabilang
banda, may double standard na ipinatutupad.
Kung gaano kahigpit sa partner, ayaw naman isuko ng mga lalaki ang
kanilang personal freedom.
NANLILIGAW O NALILIGAW?
SA
MGA MANLILIGAW
Tandaan
na may tamang panahon sa panliligaw
Kapag napaaga ka sa pagdating sa
bus/jeepney station, kailangan mong maghintay sa pagdating ng sasakyan. Maghihintay ka rin for the next bus kung
naiwan ka naman ng biyahe. Maaaring
nababasted ka dahil wala ka sa timing.
Dapat sakto ka lang. Pakiramdaman
mo ang klima (i.e. priorities, feelings) ng iyong buhay at buhay ng liligawan
mo. Everything is made perfect in God’s
time. Kapag ni-reject ka na ng dalawang
beses, dapat may ideya ka na kung type ka ng babae. Magmumukha kang desperado kung ipagsisiksikan
mo ang iyong sarili sa kanya. Mahirap
umasa kung ang tingin sa iyo ay “hanggang kaibigan” lang talaga. Move on, kapatid.
Manligaw
ng may Tamang Dahilan
May nanliligaw dahil sa social
pressure. Nag-trip lang manuyo dahil
nasabing bakla at kinukuwestiyon ang sekswalidad. Tinatamaan na daw ang personal ego. O kaya naman ay napilit lang ng ng mga
kabarkada. Natukso lang, tinuluyan
na. manligaw ka kung seryoso ka sa iyong
nararamdaman. Huwag na huwag paglalaruan
ang damdamin ng liligawan dahil kapag sinagot ka niya, sersyosong sagot iyon at
hindi laro-laro lang.
Unahing
suriin ang Kalooban ng liligawan
Kapag bata ka, akala mo lahat ng
maganda at guwapo puwede nang mapangasawa.
Habang tumatanda ka, doon mo mare-realize na mas mahalaga ang kabutihan
ng kalooban para maging maayos ang inyong pagsasama. Sabi nga sa isang kanta, ang kagandahan ay
parang kasuotan at pinta sa tahanan, lumilipas at may hangganan. Kaya, huwag na huwag palilinlang. Ipanalangin rin na ibigay sa iyo ng Panginoon
ang taong kayang tanggapin ang buo mong pagkatao – warts and all.
Suyuin
ang Pamilya ng Babae
Kung binabandera ng kulturang kanluran
ang indibidwalismo, mahalaga sa kulturang Pinoy ang pagmamahal sa pamilya at
komunidad. Kilalanin at mahalin ang
mahal sa buhay ng nililigawan. Isipin na
hindi lang ang dalaga ang pakakasalan mo kundi maging ang pamilya niya. Ngayon pa lang ay dapat na matutunan mong
mahalin at igalang ang iyong mga future biyenan at in-laws. Nagpapakita ito na seryoso ka sa nararamdaman
mo at malinis ang iyong motibo.
Be
a Gentleman
Ligawan ang babae sa
bahay, hindi sa kanto. Hindi kayo pusa o
asong kalye na kung saan-saan lang maglalampungan. Gawin ang ligawan sa bahay ng babae kung saan
makikilala mo ang pamilya niya.
Magpaalam sa parents ng babae kung magde-date. Siguraduhing mapagkakatiwalaan kayo kung
lalabas kayo. Baka umalis kayo ng weekend
tapos bumalik na kayo after a year at kalong-kalong na ninyo ang inyong
panganay. Walang biglang-liko
(motel.) ihatid ang babae sa bahay,
buong-buo at walang kapintasan.
Protektahan ang kanyang puri. At
kapag ikaw ang nagyayang mag-date, ikaw ang magbayad! Tsaka na kayo mag – KKB
(kanya-kanyang gastos) kapag may official relationship na kayo. Mapag-uusapan iyan later on.
Display Sincerity and Genuine Character
Madalas na best foot
forward ang approach ng lalaki sa panunuyo – magalang, mabango, naka-wax ang
buhok at gentleman sa lahat ng bagay.
May expiration date ang pagpapanggap.
Kailangang tapat at totoo ang ipinapakita mo. Ikaw rin ang mahihirapan kapag naging kayo na
at iba ang inaasahan sa iyo. Mahirap
mag-maintain ng character na fake. Maraming
relasyon ang nawawasak dahil may lahing hunyango (chameleon) ang isa sa mga
partner. Kung WYSWYG (What You See is
What You Get) ang usapan, WYSWYG ang gawin.
No pretensions.
Learn that Patience is a Virtue
Kung seryoso ang isang
lalaki sa nararamdaman niya, magsisikap siya para mapaibig ang babae. Ang walang tiyaga, walang nilaga. Kapag hinahayaan ka ng babae na manligaw, iisa lang ang ibig
sabihin noon – may pag-asa ka brother.
Kaya huwag kang parang sirang plakang tanong ng tanong ng, “may pag-asa
ba ako?” Kaya ka nga nanliligaw para tumaas ang chance na magustuhan ka, ‘di
ba? Kahit may pagtingin sa iyo ang babae, huwag umasang magiging kayo
agad. Asahan na may konting challenge
para mapatunayang totoo. Hangga’t hindi
sinasabi ng babae na tumigil ka, dire-diretso ang patunayan at tapat at seryoso
ka sa nararamdaman mo.
Remember that Marriage should be the Goal of Dating.
Bakit ka manliligaw kung
wala ka namang intensiyong pakasalan ang babae? Kawawa ang dalaga kung i-eenjoy
mo lang na maging GF siya pero wala kang planong iharap siya sa altar. Mas magandang mapunta na lang siya sa lalaking
may future ang buhay niya. You will just
waste the precious years of her life loving you. Magpaka-lalaki ka, brother. Ipakita ang tunay na commitment. Iplano mo kung kailan mo siya balak pakasalan
kapag naging kayo na.
TOP FIVE SIGNS NA MAY
PAG-ASA KA.
TOP 5: Kapag tinitingnan mo, ngumingit sa iyo, nako-conscious, o kaya ay
nagpapakita ng gesture clues. (i.e. inaayos ang buhok, posture)
TOP 4: Tumatahimik, nagiging tongue-tied o stuttering kapag kinakausap
mo.
TOP 3: Sinasabihan ka ng friends niya na may pagtingin siya sa iyo.
TOP 2: Positibo ang response sa panliligaw mo. Hinahayaan ka lang.
TOP 1: Diretso ka niyang sinasabihan na may pag-asa ka. Ikaw na!
SA MGA NAGPAPALIGAW
Para makaiwas sa mga
unnecessary heartbreak, lagi kong ipinapayo ang mga sumusunod sa lahat ng
ladies na lumalapit sa akin for counseling.
Ladies, your heart is precious to the Lord. Ingatan iyan ng husto.
Use your powers Wisely
Ang totoo niyan,
makapangyarihan ang mga babae pagdating sa stage ng panliligaw. Sila kasi ang may hawak ng susi ng pintuan ng
puso nila. Sila ang magde-desisyon kung
ibibigay nila ang matamis nilang “Oo.”
Pag-aralan ang sitwasyon at huwag basta-basta ibibigay ang susi, dahil
baka sa magnanakaw o kawatan ninyo maibigay.
Mahalaga ang yugtong ito ng buhay ninyo, girls. Kapag hindi kayo magiging maingat, kayo naman
ang pahihirapan ng lalaki kapag naging bahagi na sila ng inyong buhay. Hayaan ninyong magpakitang-gilas ang
lalaki. Kung type ninyo ang guy, let him
polish his armor a little bit more for it to shine.
Know you negotiables and non-negotiables
Binabasag daw ng pag-ibig
ang mga standards natin para sa ating future partner. Laging may exception para sa mamahalin
mo. But you will always get what you
settle for. On a sheet of paper, make
two columns where you would write the following. Things you cannot compromise
(non-negotiables) and can compromise (minor issues). Ang mga bagay na non-negotiables ay ang mga
bagay na BIG DEAL sa iyo dahil maapektuhan nito ang malaking bahagi ng buhay
mo. May mga babaeng ayaw mag-asawa ng
smoker dahil may hika o breathing problems.
Ang mga negotiable naman ay mga bagay na puwede mong palampasin dahi
hindi naman ganoon kahalaga sa iyo (i.e. kulay ng balat at tangos ng ilong.)
Huwag magpaasa
Nagpa-power trip minsan
ang ilang ladies. Marami silang boys
toys. Huwag gawing milking cows (i.e
para lang may manlibre) ang mga lalaki.
Marunong din silang masaktan.
Straightforward na sabihin kung ayaw sa isang lalaki. Mas matindi ang sakit if you will prolong
their efforts tapos wala rin palang mangyayari.
Diretsuhin ang mga manliligaw.
Madi-discourage sila pero hindi nila iyon ikamamatay.
Don’t get too serious too soon.
Maraming babae ang super
excited na ifast-forward ang relasyon at magplano for the future. Bakit pa ba patatagalin kung doon din naman
ang punta, ‘di ba? FAIL. Hinay-hinay
lang. Nakaka- turn off minsan sa ibang
lalaki ang agresibong babae. Tatlong
linggo pa lang nililigawan pero gusto nang pag-usapan ang kasal, ilan ang
magiging anak at kung saan magha-honeymoon. Easy ka lang.
GTKY (Getting To Know You) muna.
Huwag i-entertain ang mga lalaking may sabit at mga unbelievers.
Isarado ang puso sa mga
lalaking meron ng GF o asawa. Malaking
sakit sa ulo iyan. Many women who date
married men usually have wasted lives.
For commited Christians, the 6:14 principle is non-negotiable. Wala na dapat sa listahan ang hindi
nagmamahal kay Lord. Sabi ng maraming
unbelievers, “Discrimination” daw ang pag-reject ng mga Christians sa mga hindi
mananampalataya bilang mapapangasawa.
Hindi nila kasi naindtindihan na mas matindi ang pasakit na mararamdaman
nila kung i-reject sila ni Lord dahil hindi sila mananampalataya sa kanya.
Be a Sherlock Holmes.
Investigate. Inquire.
Magtanong-tanong tungkol sa character ng nanunuyo sa iyo. Alamin kung matino ba siya at talagang
boyfriend/husband material. Beware of
negative signs. Tingnan kung paano niya
pinapakisamahan ang ibang tao. Kung
hindi mo siya mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay, don’t expect na madali
siyang mapagkatiwalaan sa malaking isyu ng buhay mo. Makinig din sa mga exes ng manliligaw. Kapag sinabi ng maraming nakarelasyon niya na
isa siyang “jerk,” maaaring hindi nila sinasabi iyon dahil nagseselos sa iyo,
kundi talagang jerk siya.
Marriage should be the goal of dating.
Katulad ng nirekomenda ko
sa mga lalaki, kailangang malinaw din sa inyo na ang relasyon ay paghahanda
para sa pagpapamilya. Bakit ka
magpapaligaw kung wala kang intensiyong pakasalan ang lalaki. Kawawa ang binata kung i-eenjoy mo lang na
maging BF siya pero wala ka naman pa lang planong humarap sa altar kasama
niya. Mas magandang manligaw na lang
siya sa babaeng handa siyang makasama habangbuhay.
TOP FIVE SIGNS na may pagtingin siya sa iyo:
TOP 5: May special treatment sa iyo na hindi niya ginagawa sa ibang
babae.
TOP 4: Lagi kang tinetext/ tinatawagan o pinapansin para kamustahin o
makipagkulitan.
TOP 3: Gusto ka niyang makasama sa lakaran (with barkadas o exclusive na
kayo lang.)
TOP 2: May effort lagi. Laging may
oras para sa iyo kahit uber-busy siya.
TOP 1: Sinabi niya nang diretso na interesado siya sa iyo.
Usapang M.U., First Moves at Online Romance
WHAT IS M.U.?
Magkarelasyon Unofficially
May pagtitinginan pero
walang pormal na relasyon. Emotionally
involved ang isa’t isa pero hindi matatawag na mag-BF/GF. Potential na mag-partner pa lamang at
naghihintay sa tamang panahon para maging true lovers. Hindi puwedeng maging kayo sa maraming
kadahilanan. Kung naguguluhan kayo sa
ganitong set-up, ganoon talaga iyon.
Kasi nga, walang malinaw na commitment.
OK LANG BANG MANLIGAW ANG BABAE SA LALAKI?
Sa isang seminar,
nilapitan ako ng isang dalagang eight years nang may pagtingin sa kaibigan
niyang lalaki. Nang naka-graduate na
siya sa college, she is now ready to “bring the ship into the shore.” Ang tanong niya sa akin: Ok lang ba na
ipaalam niya sa lalaki ang nararamdaman niya?
Nagbago na lang ang
panahon. Marami nang kababaihan ang
hindi naniniwala na dapat sila ang nilalapitan at naghihintay sa initiative ng
guys pagdating sa panliligaw. Baka
tumandang-dalaga sila nang hindi nila gusto.
Kaya ang iba, nagsisimulang manligaw online. Sa mga progresibong babaeng kilala ko, hindi
sila mangingiming sabihin sa iyo, “Puwede ba kitang maging boyfriend?”
Wala akong nakikitang
masama kung babae ang manligaw sa lalaki.
We were born with equal rights and freedom. Kabilang na dito ang suungin ang mga bagay na
magbibigay ng kaligayahan sa atin. I
have always maintained that courting is a social contruct, a cultural practice. May ilang bansa (India, Bangladesh, Sri
Lanka) ang nagsasagawa ng mga arranged marriages na hindi tanggap sa ating
kultura. Nagaganap ito kung saan mas
marami ang babae at kakaunti ang lalaki sa pamayanan. Isang dahilan kung bakit nananatili ang
ganitong uri ng pag-aasawa ay dahil itinuturing itong mabisang paraan upang
tumagal ang relasyon dahil sa involvement ng mga magulang sa kasal ng kanilang
anak. Ang kababaihan ang nagbibigay ng
dowry o regalo sa pamilya ng lalaki. At
kapag wala ka nito, mahihirapan kang makapag-asawa. Sa kabilang banda, marami ang umaalma dahil
nililimitahan ng cultural practice na ito ang pag-papamilya ng maraming
kababaihan. Ang kanilang slogan, “I just
want you. I don’t want dowry.” Panahon na lamang ang nakapagsasabi kung
kailan magigiba ang tradisyong ito.
Pero ito naman ang aking
payo sa mga pinay sa bansa: You must be sensitive to the culture of your
community. Dapat handa kayo sa
consequence na gagawin ninyo at sa stigma na maaaring maidulot sa inyo ng
pagiging agresibo. Baka maikapit sa inyo
ang mga terms na “slot,” “malandi,” “lalakero” o “babaeng pakawala.” Sa kasalukuyang kundisyon ng kulturang pinoy,
nananatiling masagwa sa mata ng marami na ang babae ang magkandarapa upang
makuha ang matamis na “Oo” ng lalaki.
Hanggat palipad-hangin lang siguro.
Karamihan sa mga lalaking
pinoy ay hindi rin aprubado sa mga garapalang panunuyo ng mga babae. Nakaka-lalaki daw. Call it machismo, pero para sa kanila,
courtship is the guy’s business. Nilikha
ang babae mula sa tadyang ni Adan. Si
Adan ang dapat na maghanap ng nawawalang rib niya. Sinusuportahan naman ito ng kalimitang
attitude ng maraming kababaihan. Bagaman
idinedeklara nila na dapat may karapatan din silang manligaw, marami sa kanila
ay hindi handang gawin ang kanilang sinasabi.
Easier said than done.
Pag-isipan ninyo girls:
Kapag kayo ang manliligaw, kaya ba ninyong pangatawanan ang mga gagawin ninyo?
Handa ba kayong manlibre at magbayad ng pagkain sa date? Handa ba kayong
sunduin ang mga lalaki sa mga bahay nila at pagpapaalam sa mga mga magulang?
Kaya rin ba ninyong ibigay ang mga hilig naming bagay (i.e. rubbershoes) at
kayang sakyan ang trip namin sa buhay? Nasa inyo ang pagdedesisyon. Dapat handa rin kayong mabasted. Note: marami ding choosy na lalaki at hindi
basta-basta nagbibigay ng matamis nilang “Oo.”
Ingat din kayo sa mga guys na mapagsamantala. Sasabihin sa inyong inlab sa inyo pero
gagawin lang kayong “sex playmates,” “Sugar mommy” or both.
LOVERS ONLINE
The world has become a
much smaller place. Mas marami kang
choices kung mapapasok mo ang mundo ng online dating. Ngayon, tatapat ka na lang sa computer at
magreregister sa isang dating website at puwede ka nang makahanap ng future
partner mo.
Hindi lahat ng
nagsi-search ng partner online ay sadyang desperado, nababagot sa buhay o kaya
ay nagha-hunting lang ng sex buddy. May
ilang akong kaibigang natagpuan ang significant other nila sa pamamagitan ng
yahoo chat/instant messenger. They are
now happily married. Bagaman wala pang
malawak na pag-aaral sa epekto ng online relationships sa tatag ng pagsasama ng
mag-asawa, nananatili itong sikat na paraan para magkaroon ng karelasyon.
But be warned. Mahirap magkaroon ng relasyon sa pamamagitan
ng simpleng text at chat. Ang inaakala
mong maginoo/binibini sa picture at SMS ay baka demonyito/demonyita pala sa
totoong buhay. Usung-uso din ang pagsisinungaling
sa pagsagot sa mga online surveys ng match-making websites. We should be aware of several
guidelines. Una, huwag ibibigay tiwala
at mga personal na impormasyon habang walang maayos na relasyon. Remain anonymous hanggat hindi ka nakakasiguro
sa tunay na identity ng kausap mo.
Matindi na ang technology ngayon.
ang inaakala mong tao e robot na simsimi pala. Pangalawa, go slow. Huwag mabilis na ma-inlab. Maraming teenagers ang nagsasabing nai-inlab
sila sa guy/girl na sa facebook lang nila nakilala o kaya ay nagforward sa
kanila ng “mwah, mwah, tsup, tsup” sa cellphone text. Huwag agad maniniwala sa information na
ibinibigay sa iyo. Iwasan ang
makipag-eyeball nang hindi pa kilala nang husto ang personalidad at pagkatao ng
taong kausap online. Pangatlo,
kailangang may offline interaction din.
Iba pa rin ang taong nakikita at nahahawakan mo kaysa avatar na produkto
ng online matrix. Simulang kilalanin ang
isa’t isa sa pag-uusap sa online video chat (i.e. skype or facebook.) At kung sakaling magkikita, planuhin ng
maayos ang meet-up. The first meeting
should be in public place para maiwasan ang hindi magagandang pangyayari. Your goal is to get to know each other more.
Overall, kailangang maging
maingat sa paggamit ng social networking sites (SNS). Maging matalino at huwag padadaig sa mga high
tech na manloloko. The internet is a
jungle. You must know the strategies of
survival para hindi ka mabiktima ng mga masasamang elemento sa cyberspace.
LOVE VERSUS
ZOMBIES
YOU NEED C.P.R.
Kapag aftermath na ng break-up ang
pinag-uusapan, walang natutuwa. It
HURTS, you know. Alam ba ninyong puwede
ninyong ikamatay ito dahil sa emotional stress at trauma? Ikaw ba naman ang
maglaan ng emosyon, panahon at pera sa minahal mo at biglang naglahong parang
bula. Kahit sabihin pang ginawa mo ang
lahat ng iyon out of love, may lakas kang binuhos doon. Feeling mo, nag-disapper ang malaking bahagi
ng iyong pagkatao. Kinakailangang
mag-adjust ka sa iyong bagong relationship status. Kung naging instant member ka ng Lonely
Hearts Club, you need CPR.
CRY
Madaling kalimutan na ang lahat at
magsimula muli (As if walang nangyari sa ilang taon na kayo ay nagsama.) There will surely be a painful grieving
process that maybe difficult to get over.
Magpakatotoo ka, kapatid. Hindi
masamang umiyak. Iyak lang. Huwag nang mag-deny sa nararamdaman. Kahit sa gitna ng pagtatrabaho, iyak lang
(abisuhan mo lang ang boss at mga kasamahan para maintindihan ka nila.) Kapag nasa public place (bus o MRT) OK lang
umiyak (maglagay ka lang ng shades para hindi halata at baka mapagkamalan kang
baliw.) May cathartis effect ang
pag-iyak (emotional release.) Ilabas ang
lahat ng mabigat na emosyon. Ngunit sa
paghihinagpis mo, ipanalangin mo na samahan ka ni Lord. He is near to the brokenhearted at mapapagaan
Niya ang iyong mga kabigatan. Puwede
mong sabihin sa Kanya, “Lord, alam Niyo pong sobrang lungkot ko. Puwede mo ba ako yakapin? In His presence,
you can find comfort and peace.
PONDER ON WHAT HAPPENED
Habang kinakalma ang iyong kalooban,
pag-isipan ang ilang bagay sa buhay mo.
Have a time of reflection and self- introspection. Isuko ang lahat ng galit at emosyon sa
Diyos. Hindi makabubuti na ibunton ang
lahat ng sisi sa partner mo. Kung wala
kang ginawang masama para hiwalayan ka, maaaring may mali ka pa rin. Kasi nagkamali ka ng pagpili ng partner kahit
hindi naman ito ang intensiyon mo. Be
ready to accept your shortcomings.
Ganundin, huwag sisihin ang sarili nang todo-todo. Lalo ka lang magkaka-highblood. Just have a firm resolve not to repeat your
blunders. Tingnan ang lahat ng pagsubok
sa buhay bilang magagandang aral. Kaya
ng Panginoon na bigyan ka ng partner na mag-aalaga sa iyong puso. Gamitin at matuto mula sa iyong mapait na
karanasan para tulungan ang iba. Ika nga
ni Carl Jung, isang Swiss Psychiatrist, we are “wounded healers.” Avoid being vengeful. Kung mananatili kang bitter, hindi ka
magiging better. Remember that vengeance
is God’s not yours. Siguradong talo ka kung pananatilihin ang hinanakit sa
puso mo. Para iyang bato na nakapasan sa
likod mo na magpapahirap sa iyo kahit saan ka magpunta at kahit sino ang iyong
makarelasyon. Don’t let yourself be a
victim of unforgiveness. The greatest
revenge is forgiveness. Let God heal
your wounds. Ipanalangin kung kailan
muling magkakausap at maisaayos ang lahat ng gusot. You don’t have to force it. But you must always be open to the
possibility that your paths will cross again.
Don’t close your heart to being friends again. You can never be restored if you will not
allow yourselves to be reconciled to each other. Mahirap pero this is the way to go. There is no other way you can be made whole
again unless you tell yourself, “I will give the pain to You, Lord. Kayo na po ang bahala.”
REBOOT
Ctrl-Alt-Del. Restart your life. Decide to move on. Ang pagbangon mula sa mapait na karanasan ay
isang desisyon. May panahon ng
pagluluksa. May panahon din ng muling
pagsisimula. Huwag sirain ang buhay mo
dahil lamang sa isang glitch sa isang episode ng iyong personal na
telenovela. Matuto sa naging attitude ni
King David, nang mamatay ang anak nila ni Bathseba. Sa loob ng ilang araw, nag-ayuno siya at
humiling kay Yahweh na pagalingin ang anak nila. Nang sumakabilang-buhay ang bata, naligo at
nag-ayos ng katawan ang Hari. Nagtaka
ang mga tauhan sa bilis ng emotional recovery niya. Sa tagal ng paghihinagpis niya, nagising siya
sa katotohanan na walang mabuting ibubunga kung lagi siyang maglulupasay sa
lungkot. Hindi lang iyon, nagpunta siya
sa temple at nagpuri sa Panginoon – tanda ng pagtanggap niya sa katapatan at
katuwiran ng Diyos. Punung-puno siya ng
pag-asa na makakasama niya uli ang anak niya sa kabilang buhay nang sinabi
niya, “Balang araw, susunod ako sa kanya sapagkat hindi na siya makababalik sa
akin.” Reminder: Sa panahon ng emotional
recovery, huwag agad tatalon sa bagong relasyon. A recuperating heart is susceptible to making
mistakes. You are at your most
vulnerable state. Hindi laging ang
panibagong relasyon ang gagamot sa nasugatang puso mo. Baka lalong magkagula-gulanit iyan kapag
nagkamali ka na naman. Relax and take a
break.