Wednesday, November 6, 2013

TONGUE



"Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao." --Santiago 3:6

Kung mayroon mang isang bahagi ng tao na sadyang napakahirap kontrolin, ito ay walang iba kundi ang dila. Maaari nating pigilan ang katawan ng isang tao kung gusto niyang magwala ngunit hindi ang dila. Ilang tao na ang nasira ang buhay dahil sa tsismis. Hindi mo na kayang ibalik ang mga nasabi mong hindi maganda. Ngunit bagama't nagawa na ang sira, makabubuti pa rin na hindi pabayaan na manatili itong sira. Christ can restore. He is the great restorer of life and relationship. Humingi agad ng tawad kung nakapagsalita ka ng hindi maganda. Huwag itong patagalin, sapagkat baka ang lamat ay mauwi sa pagkabasag.

Mag-isip muna bago gamiting ang kakayahan sa pagsasalita. Kung ito'y makasasama at may kamandag, iwasan mo na ito'y magawa. Hindi tayo tinawag ng Diyos upang makasira ng relasyon at makapanakit ng kapwa kundi tayo'y tinawag sa kapayapaan at mamuhay ayon sa pag-ibig.
From: HARDIN NG PANALANGIN (DZAS)



No comments:

Post a Comment