Hi :)
These past days of April 2015 I’ve been taking the bus
going to somewhere (hihi.) Marami akong mga na-rediscover na mga thrills ng
buhay ko na nakalimutan ko na. May napapanood akong tumatawa na wala namang
kausap hawak lang ang cp, may nagbibigayan ng sulyap sa kabila. Ang dami kong
napanood na mga eksena ng buhay na nakaka-enrich. May nagsusubuan ng apple pie,
merong nagtutulug-tulugan pag may nakatayong babae sa katabi, kunwari tulog,
kung anu-ano!
Ang sarap panoorin ng mga eksena ng buhay sa mga jeep at sa bus. Pag lagi ka lang nasa
sulok, you feel so isolated from society. Ang dami-dami talagang eksena ng
buhay, manood lang kayo at malilibang kayo. Sabi ko, “Sino na naman kaya ang
makakatabi ko ngayon?” Naroong higan ka ng katabi mo, at kung anu- anong mga
arte which for a long time I have forgotten dahil matagal na akong hindi
nagpa-public transport. Sabi ko, this is one of those thrills. Kahit anong part
ng buhay natin ay mayroong thrill.
Sabi ni Pablo,
meron at wala, natutunan kong maging kuntento. Ano pa ang maaari nating
matutunan dito? Hindi komo naglilingkod ka sa Diyos, hindi komo makadiyos ka,
may prosperity ka na agad. Si Pablo nga naranasan niyang wala. Sabi niya, wala,
meron, maglilingkod pa rin ako. May sasakyan akong komportable, o wala, tuloy
pa rin ako. Sabi niya, hindi ko hinahayaan na ang pagkakaroon o kawalan ng mga
bagay na iyan ang mag-set ng agenda ng buhay ko. Tools lang sila. Kung wala
yung tool na iyon, I could find another one. Hindi ako puwedeng hostage lang
noong ganoon. Kasi meron talagang pag wala na, yung ganitong banig na magaspang
hindi makatulog, o pag nasanay na sa aircon, hindi na makatulog pag electric
fan lang. Akala mo naman ipinanganak nang may aircon! E, kamakailan lang naman
nagkaroon. Akala mo, hindi na niya kayang balikan yung talagang wala.
Sa wala at sa meron, ang mga anak ng Diyos ay nakakakita ng dahilan para maging masaya.
Dahil ang Diyos hindi nawawala, laging nandoon. At kung ang Diyos ay talagang
nandito sa ating buhay, mawala man ito o mawala man iyan, iniinda natin pero
konti lang. Kasi yung pinakamahalaga nandoon naman, puwede na iyon. Kaya
kailangan, sabi ni Pablo, we should learn to be content in plenty and in want
:)
MARAMING SALAMAT kaibigan ko.Mamahalin natin ang Diyos hanggang nabubuhay tayo.May
failure man tayo sa nakalipas at weaknesses na nahayag. Kaya yan, tiwala lang.
cabreraflorina.blogspot.com