Monday, August 3, 2015

JUST LIKE A TREE

Ang isang puno ay nakatayo at dahil siya ay nakatayo ay wala siyang ibang choice sa ayaw at sa gusto niya, dadaanan at dadaanan siya ng sikat ng araw at ng matinding ulan, bagyo o malakas  na hangin.  Sa ayaw at sa gusto ng puno na nakatayo, lahat ng iba’t ibang klima, pagbabago ng klima ay dadaanan siya nito.

        Dadapuan siya ng iba’t ibang uri ng ibon lalo na kung ang  punong ito ay nakatayo sa gitna ng kagubatan.  Subject siyang pugaran ng iba’t ibang uri ng ibon.  Kung matibay ang ugat ng puno at mahigpit ang kapit sa lupa, hindi siya mabubuwal kahit na gaano katinding hangin o bagyo ang dumating.

        Ganyan ang buhay ng tao.  Subject siya na daanan ng lahat ng bagyo ng buhay, iba’t ibang uri ng pagsubok at problema.  Maraming iba’t ibang nilalang din ang puwedeng pumisan sa kanya, sumama at manatili pansamantala at pagkatapos ay mawala.  Hindi ba ang ibon sa puno ay ganoon din? Mananatili pansamantala dahil dumating siya minsan at pagkatapos ay lilipad muli, maglalakbay patungo kung saan.  Ngunit naitanong kaya ng mga iba’t ibang uri ng ibon kung ano ang kalagayan ng iniwan niyang puno? Ang punong matibay at matatag, iwanan man ng iba’t ibang uri ng ibon na sumilong sa kanya at namugad ay mananatili pa rin siya sa kanyang kinalalagyan lalo na kung mahigpit ang kapit ng kanyang ugat sa lupa at ano mang oras na ibigin o mithiin ng ibong muling bumalik, ang puno ay naroon pa rin, nakatayo at naghihintay lamang.

        I am just like a tree.  Many friends came but somehow, somewhere, they were gone.  They went on their own way, but I’m still waiting for the one whom I love… my friends who touched my soul, and equipped my heart to love.  I’m still waiting for them to come back and restore our friendship.  Naghihintay lang ako.  Sana balikan niya ang iniwang friendship.

        I am just like a tree.  Marami ng pagsubok ng buhay ang dumaan, marami ng bagyo ng buhay ang dumating ngunit sa habag at biyaya ng Lord ay nakatayo pa rin dahil ang pundasyon ay ang ating Panginooong Hesu-Kristo.

        Darating ang panahon na magsasalita din ang puso, matututo din siyang lumaban kaya magiging malakas na malakas na siya hanggang makalimutan niya na minsan siya ay naging mahina.  Mag-uumapaw ang kagalakan dahil naghari ng ganap ang totoong pag-ibig.


Credit to this essay goes to Ptra. Bonita Villaflor.

No comments:

Post a Comment