Wednesday, September 2, 2015

AANHIN PA

Aanhin pa ang mga kamay
Na di marunong magbukas-palad?
Aanhin pa ang mga labing
Masamang salita ang namumutawi?
Aanhin pa ang mga matang
Walang ginawa kundi manghusga?
Aanhin pa ang mga taingang
Walang panahong makinig sa iba?
Aanhin pa ang mga kaibigan
Kung di rin lang mapagkakatiwalaan?
Aanhin pa ang mga kapatid
Kung di marunong magkapit-bisig?
Aanhin pa ang mga magulang
Kung hindi mo magawang igalang?
Aanhin pa ang puso
Kung hindi marunong magmahal?
Aanhin mo pa ang iyong buhay
Kung hindi mo binibigyang saysay?
Aanhin pa ang kalikasan
Kung iyong pababayaan?
Aanhin pa ang mundo
Kung ang naninirahan ay mga iresponsableng tao?


No comments:

Post a Comment