MUTUAL FUND – May Fund Manager na humahawak ng
pondo mo. May mga rules siya na dapat mong sundin at siya ang nagdedesisyon
kung saan ii-invest ang pera mo. Siyempre, dahil expert sila at sila ang
nagma-manage sa pagpapalago ng pera mo, less risk pero mas malaki ang charges.
Kung ihahalintulad sa biyahe, nagko-commute ka lang at nagbabayad sa driver
para makarating sa pupuntahan mo. Kahit zero knowledge ka sa stocks/mutual
funds, ok lang dahil may fund manager ka.
STOCK MARKET – Ikaw ang bahala sa lahat. You make
your own rules. Ikaw ang bahala sa kung magkano ipopondo mo at kung saan mo ito
ii-invest. Kung ihahalintulad sa biyahe, you drive your own car and you plan
your own route para makarating sa pupuntahan mo. Risky ito kung hindi ka
properly educated sa stock market kasi baka magpadala ka lang sa takot mo at
ibenta mo lahat ang stocks mo kapag nag-crash ang market. Pero kung nauunawaan
mo naman ang behavior ng stocks, less risk rin ito. Investing on financial
education plays an important role.
No comments:
Post a Comment