Mukhang mapera pero ang totoo, butas
ang bulsa.
Mukang big time pero ang totoo, lubog
sa utang.
Mamahalin ang mga gamit pero halos
wala nang makain.
Iyon pala mukha lang pero hindi pala.
Wow mali!
Okay lang mapagkamalang mahirap pero
mapera; kaysa mukhang mapera pero mahirap lang pala!
I’m not saying that we shouldn’t look
good or dress up nice, pero we should make sure that we can really afford it,
that we are living within our means and not beyond it.
Hindi naman masamang mangarap, in
fact, it is encouraged, pero ang mainggit at makipag-kompetensiya para lang
pagtakpan ang totoong kalagayan natin, ibang usapan na iyan.
Kung lagi tayo maco-conscious sa
sasabihin ng iba, kung parati nating pipiliting magpakitang gilas, kung
palaging pipiliting makipagsabayan sa iba, tayo din ang mahihirapan dahil hindi
naman natin keri. Gagawin lang nitong miserable at kumplikado ang buhay natin.
Simple lang ang buhay,let us not complicate it. Ano ba dapat gawin para hindi
puro porma lang?
GOAL SETTING…
Ano ba ang nais mong gawin?
Magpasikat at ipakita sa iba na angat
ka din?
O gumanda at umangat ang buhay?
Kung sasabihin niyo sa aking gumanda
at umangat, then focus on it. Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon para intindihin
pa ang ‘brand’ ng bag na gagamitin, presyo ng damit na susuotin, o pangalan ng
kainan o inumin na puwedeng i-post sa social media – hindi ito parte at sukatan
ng ating pag-unlad.
IF YOU CAN’T AFFORD IT, DON’T BUY IT.
Huwag umutang at huwag magpumilit
bumili kung hindi kaya ng bulsa. Live within your means and adjust your
lifestyle based on your income and not the other way around.
Ask yourselves:
“Nasa budget ba?”
“Importante ba ito sa buhay ko?”
Kung “oo” then go! At kung “hindi”
then walk-away.
BE CONTENTED.
Don’t compare. Stop saying, “Bakit
siya meron ako wala?” “Bakit siya ganoon ako hindi?” “Mabuti pa siya, sana ako
din” “Lagi na lang siya paano naman ako?”
Let’s not pity ourselves. Kung
matututo tayo mag-appreciate at magpahalaga, makikita natin na marami pala
tayong bagay na wala ang iba which will make us FEEL GRATEFUL.
“Lord Jesus, thank You po kasi..
-nakakain ako today,
-safe ako nakauwi pati ang mga mahal ko sa buhay,
-may bahay akong nauuwian..
SIMPLE THINGS ARE THE MOST
MEANINGFUL, so..
#CherishThat.
WRITTEN BY: CHINKEE TAN
No comments:
Post a Comment