Kagaya ng pag-preno ng sasakyang
iyong dala-dala ay pag-preno din ng mga pangit na alaala ng nakalipas. Mga
nakalipas na kinumpuni at ginawang bago ng Diyos. Mga lungkot at pag-iisa na
sabay nag-preno at ng umusad ay napalitan ng halakhak at ngiti. Dahil dito, sa
madalas nating paglalakbay ay nakakadama tayo ng kapayapaan sa gitna ng mga
lubak-lubak na daan at nakakatagpo tayo ng kagalakan sa gitna ng nakakapagod na
biyahe.
Sa bawat preno..
Nang ating buhay ay naaalala natin
ang pagpapala ng Diyos.
Sa pawat pag-andar..
Nang ating buhay ay naaalala natin
ang katapatan ng Diyos.
“Hindi kita iiwan ni pababayaan gaano
man kadilim ang iyong dinadaanan.”
-Hesus
God Bless Your Heart.
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment