Wednesday, January 8, 2020

PLANUHIN ANG IYONG 13TH MONTH PAY O CHRISTMAS BONUS

Good day! Baka kasi masobrahan ang excitement natin ngayong pasko at para hindi tayo umiyak pagkatapos ng Pasko at New Year sa sobrang dami ng gastusin.
Eto Tips mga kapatid, kaibigan:

PLANUHIN ANG IYONG 13TH MONTH PAY O CHRISTMAS BONUS
Ang Pasko ang isa sa mga most awaited holiday sa atin, pero ito rin ang pinakamagastos na panahon. Kaya naman siguraduhing hindi natin sasayangin ang ating Christmas Bonus.

Suggestion lang naman ito. Dahil may sweldo pa naman kayong makukuha maliban sa bonus, pwede n’yo na rin idagdag para sa emergency fund or retirement fund ang inyong bonus.

Ito rin ang panahon para mag-invest at mas palaguin pa natin ang ating pinag-iipunan dito ako para i assist kayo mag ipon tru MUTUAL FUNDS
Kailangan din ay

UNAHIN ANG MGA PANGANGAILANGAN
We need to be very responsible. Hindi ibig sabihin na may bonus eh puro luho na lang ang bibilhin natin. Kailangan din ay unahin natin ang mga pangangailangan ng ating pamilya.

Hindi rin naman ibig sabihin nito ay puro padala na lang sa ating mga magulang o mga kaanak. Kailangan din ay may maitabi tayo para sa ating future.

Syempre huwag rin nating kalimutan na magbahagi sa Panginoon at magpasalamat sa Kanyang biyaya para sa atin.

Kaya mahalaga na

HUWAG MANGUTANG JUST TO IMPRESS
Kung uutang lang tayo para magpa-impress sa ibang mga tao, sa mga kamag-anak o mga kaibigan, sigurado iiyak tayo kapag nakita na natin ang ating bill sa susunod na buwan.

Kaya naman mag-badyet. May panahon pa para mapaghandaan ang pasko. Huwag nating hayaan na maging maluho ang ating pasko dahil hindi naman ito ang sukatan ng totoong diwa ng kapaskuhan.

Mahalaga pa rin na masaya tayo at mahanap natin ang totoong magpapanatag sa ating kalooban at magpapahalaga sa mga turo ng ating Panginoon.🙏😇
Sharing also Chinkee Tan

No comments:

Post a Comment