HINGA KA LANG INAY..
Pag feeling mo ang buhay ay hindi parang gulong kasi lagi kang nasa ilalim.. 😅
HINGA.
Kapag suki ka ng mga tambak— tambak na labahin, tambak na tiklupin, tambak na hugasin, tambak na modules (😂) , tambak na deadlines pati narin tambak na cart sa shopee at lazada 😅…
HINGA.
Kapag feeling mo wala kang na-accomplish sa buong maghapon dahil nag-alaga, nakipag-laro at nag-spend time ka sa mga anak mo…
HINGA.
Yung minsang hotdog at corned beef nalang talaga ang kaya ng powers mo lutuin..
HINGA.
Yung hindi ka pa makapag-exercise at juming rope gaya ng iba, hindi mo pa magawang magkaroon ng hobby kasi yung maligo lang pahirapan na. 😅
HINGA.
Yung lahat ng pinag-aralan mo ng college pati yung Algebra na dalawang beses mong inulit, di mo magamit dahil wala ka naman sa corporate world. 🥹
HINGA.
Yung lahat mahimbing na pero ikaw iniisip parin si “judith” 😁
HINGA.
Kapag naibigay mo na lahat pero feeling mo kulang parin…
HINGA.
Hinga ka lang Inay.
Kailangan ka ng mga anak mo, kailangan ka ng asawa mo pero kailangan mo ding alagaan at pahalagahan ang sarili mo.
Yes ikaw.
Mahalaga ka.
Mahal ka nila.
Hindi yung “perfect version” na ikaw.
Yung ikaw lang talaga.
Yung aligaga, makakalimutin at sumasablay na ikaw.
Mahal at tanggap ka ng pamilya mo.
Kasama yung mga worries mo, yung mga tawa mo, yung mga pagkakamali mo, yung buong pagkatao mo.
Never kang nag-absent sa pagiging Nanay kahit minsan sakal na sakal ka na at yun ang mahalaga.
Yung andyan ka lang.
Kaya hinga ka lang Inay.
At wag ka lang basta huminga.
Ngumiti ka din.
Magpahinga ka.
Kumain ng maraming kanin ng di na-guguilty.
Sana alam mong mahalaga ka.
Mabuti kang Ina.
At mahal na mahal ka ng pamilya mo.
Mahigpit na yakap sayo Inay ♥️♥️♥️
No comments:
Post a Comment