Wednesday, August 10, 2022

MY DAUGHTER NEYA

 you bring out the best in me with every situation in life. you are honestly what i have been missing. when you are with me, rainy days do not seem to be as dark & sunny days seem to be a little brighter. you are my own little piece of sunshine.


you are my shining star on a cloudy night, you are my rainbow on a stormy day, you are my blooming flower over the misting rain & most important, you are my sun when i need you to brighten my day. i love you 🥰😘

Tuesday, August 9, 2022

HUSBAND

 Husbands. 


Kailan mo huling pinadama sa asawa ko na mahalaga sya at ang mga pangarap nya? 


Kailan nya huling naramdaman na interesado ka sa mga sinasabi niya. 


Kailan ka totoong nakinig sa kanya? 


Kailan mo huling binitawan ang gadget mo para tulungan siya? 


Kailan ka huling nag-offer na magbantay sa mga anak nyo para man lang makakain siya ng tuknene sa kanto niyo? 


Kailan mo siya huling tinanong kung mahigpit pa ba ang garter ng mga salawal niya? 


Kailan ka huling nag-attempt masahihin siya ng walang kapalit na yugyugan? 


Kailan mo siya huling pinagluto ng paborito niyang ulam? 


Kailan mo siya huling tinitigan at sinabing ang ganda parin niya? 


Kailan mo siya huling niyaya mag-date? 


Kailan ka huling nag-offer maghugas ng pinggan para naman makapagpahinga na siya? 


Kailan mo siya huling kinamusta?


Kailan mo sya huling tinanong kung masaya pa ba sya or kung paano mo sya mapapasaya? 


Kailan ka huling nag-invest sa kanya? 


Kailan mo siya huling pinakilig? 


Kailan mo siya huling binigyan ng pera na pwede niyang gastusin para sa sarili niya? 


Kailan ka huling nag-sorry na nasaktan mo ang damdamin niya? 


Kailan ka huling nagtanong kung paano mo pa sya mas mapaglilingkuran? 


Kailan mo huling nakita na glowing at blooming siya? 


Kailan mo siya huling niyaya mag-pray? 


Kailan? 


Kung hindi ngayon, kailan pa? 


Kung hindi ikaw ang gagawa niyan, sino pa? 


Kung hindi mo alam na dapat mo palang ginagawa ang lahat ng ito, bakit mo pa sya pinakasalan in the first place? 


O baka naman nakalimutan mo lang? 


Okay lang. Pinapaalala ko lang sayo na hindi pa huli ang lahat. 


Malaki ang bahagi mo para maging maligaya, malago at matagumpay ang inyong pag-sasama bilang mag-asawa. 


Mahalin mo sya ng tunay. 

Pahalagahan. 

At unahin sa lahat ng pagkakataon. 


Makikita mo ang magandang epekto sa kany, sayo, sa mga anak mo at sa pamilya nyo. 


Hindi mo pagsisisihang tinarabaho mo ng mabuti ang marriage mo. Sigurado akong pasasalamatan mo pa ang sarili mo in the future. 


Bawi ka na. 

Naghihintay lang siya. 

Wag mo ng hintaying mahuli pa ang lahat.


ctto.

USAPANG MAG ASAWA

 PAG PUMUPUSO BA SA PICTURE NG IBANG BABAE CONSIDERED CHEATING NA? 


Yan yung tanong na napanood ko sa tiktok kanina. Babae yung nagtanong tapos sinagot nung lalaki. At alam nyo ang sagot ng lalaki? 


“Hindi naman. Hindi naman masama mag-appreciate.“ 


Sagot ko? 


Hindi “pa” pero getting there 😅😂🤣 


Wala naman cheating na nagstart sa date agad or sex agad or relationship agad e. 


Lahat yan nagsisimula sa mga small moves like.. 


Long chats. 

Stalking. 

Papuso-puso. 

Pa-comment-comment. 

Pareu-reunion. 

Catch-up kuno. 

Pa-angkas-angkas. 


Magagalit na naman sakin mga husbands nyo kasi sasabihin nila napaka-OA ko or malisyosa ako or advance ako mag-isip na wala sa lugar. 😂 


Sige lang magalit lang kayo, tatanggapin ko yan, ang di ko kayang tanggapin ay yung may pamilya at buhay na naman ang mawawasak dahil sa pangangapit-bahay 🥹 


Imagine yung pain and brokeness na ma-eexperience ng asawa at mga anak mo pati narin ng mga mahal nyo sa buhay ng dahil sa simpleng pag-puso-puso 😅 


Habit yan e. 


Bad habit that we need to unlearn. Sasabihin nyo,


“artista naman yun at ordinaryong mamamayan lang ako, imposibleng magka-affair ako dun.”


Pero kung nagawa mong pumuso, mag-stalk, magpantasya sa ibang babae other than your wife, then you are gearing yourself for a great disaster. 


Tsaka ito ang tanong ko.. 


❓Bakit ka naguubos ng time sa gadget mo kakatingin sa picture or profile ng iba? Gastusin mo nalang ang time mo sa asawa mo, sumaya na sya, tumibay pa relasyon nyo. 


❓Bakit kailangan mong pusuan? As in “kailangan” ba talaga? O pwede namang lagpasan mo nalang at hayaan mo nalang yung mga single o ibang babae nalang mag-appreciate sa kagandahan or ka-sexyhan nya? 


❓Ikaka-miserable ba ng buhay nya kung di mo pupusuan ang picture nya? 


❓Anong motibo mo? Talaga bang na-appreciate mo lang o naghahanap ka ng sexy, maputi, fresh or blooming kasi hindi na ganun itsura ng asawa mo ngayon? Instead mamuso ka sa picture ng iba, gawin mong goal na pagandahin at pa-sexyhin ang sarili mong asawa tapos sya nalang pusuan mo! Love your own ika nga! Tangkilin ang sariling atin! 


❓Wala na bang ibang pwedeng gawin na magiging productive ka o kaya marerelax? Pamumuso lang talaga? Walang ibang option? 


Hindi ako galit ha? Nagpapaliwanag lang 😁 


Huwag na huwag kayong gagawa ng move na pagsisisihan nyo balang araw. 


Huwag maglaro ng apoy kung ayaw mong mapaso or masunog. 


Mga wifey vice versa ito ha? Wag nyong tignan na “ulam” ang katawan ng ibang lalake. 😅 


Matuto tayong makuntento, ma-satisfy at maging tapat sa mga asawang sinumpa nating mamahalin habang buhay, payat o mataba, hulas o sariwa, yummy o maasim-asim na. 😁 


#RealTalk #UsapangMagAsawa #Beware #MarriageFirst


ctto.

MABUTI KANG INA

 TAKE TIME TO READ THIS! 😊


Yung pagiging tatay parang ang dali sukatin no? Pagkaing sapat, ok na. Minsan nga kahit nambabae basta hindi pabayaan ang anak, mabuting ama na. 


Pero ang nanay? Makita lang madungis ang anak, masamang ina na. Mababa lang ang grade masamang ina na. Nag tantrums sa mall ang bata, masamang ina na. 


Paano mo nga ba masasabi na mabuti ang isang ina?

Nasusukat ba sa timbang ng anak? Mas mataas na timbang, mas ok? O sa pagkakasakit ng anak? Why does it feel like you are less of a mom kapag may sakit ang anak mo? Parang ang pabaya mong ina. At kahit anong puyat mo at overtime sa pag aalaga, hindi ma offset offset yung pakiramdam na nagpabaya ka.


Baka sa grades, or kung honor o hindi ang anak. Pag may honor, ibig sabihin may award din si mommy. Best mom award? Pero kahit anong gawin mo, talagang hindi ma honor ang anak mo, worst mom award ka na? Ganun ba yun?!?

Paano nga ba? Ano ba ang indicator para masabi na mabuti kang ina? 


May points system ba? Kada sigaw minus one? Kada bili ng toy plus one? Kada mapakain mo ng nasa oras plus one? Kapag nag gadget minus minus agad. May merit system parang sa trabaho? Pero yung buti pa yung nag ta trabaho no? Pwede mag sick leave, ang nanay hindi. Buti pa yung nag wowork pag nasobrahan sa performance, may award.. sa pagiging ina, kapag nasobrahan ka sa performance, minsan mas nakakasama pa sa mga bata.

Pero paano nga ba? Ano yung sobra? Ano yung sapat na? Ano yung kulang? 


Ang hirap di ba? At madalas kakahanap ng sagot kung paano tayo magiging mabuting ina, sarili natin hindi na natin makilala.


Some will say it gets easy.. pero hindi it’s a never ending question of:

“tama ba ang ginagawa ko para sa anak ko?” 


As they grow older, iba iba na yung haharapin mo. From simple issue ng kabag to pinaka ok na toy to paano makikipag socialize to baka maaga mag gf/bf to kakayanin ba nila ang real life.. at marami pa.. 


And there will always come a point na kukwestyunin mo ang sarili mo “saan ba ako nagkulang?”


Nakakakaiyak yung moment na yan, nakaka durog ng puso lalo kapag may nakita kang pagkakamali sa anak mo.. maiisip mo naging mabuti ka ba talagang ina? Ano bang nagawa mong mali?


Hindi masaya.. hindi ok sa pakiramdam. At hindi rin naman maganda na ikaw mismo, sarili mo mismo, nagdududa sa performance mo.


And if right now you are feeling this. Na nag da doubt ka sa pagiging mabuti mong ina, let me be the one to say this to you, MABUTI KANG INA. You are doing an awesome job as a mother. 


Inhale exhale, yung nangyari kanina, o yung pagsigaw mo kahapon, o yung mababang grade ng anak mo, o yung pag aaway ng mga anak mo, malalagpasan nyo din yan. Inhale exhale and dont be too hard on yourself. Try to remember all the things that makes you happy as a mom.. mga tawanan na walang humpay? Yung sigaw nila tuwing makikipag habulan ka. Yung ningning ng mata nila pagdating sa bahay galing sa school. Focus on beautiful things not on your guilt. 


And remember hindi ka nag iisa.


ctto

TAMA NGA NAMAN

 Tama nga naman...Nag private school ka, public school ako, pero pareho tayong nakapagtapos ng highschool. Naging security guard  ako naging manager ka ng bangko pero parehas tau kumikita para sa pamilya. Nagising ka sa malambot na kama at nagising ako mula sa higaang banig, ngunit pareho tayong may kapayapaan ng pahinga sa gabi. Ang mahal ng outfit nyo, yung sakin simple at mura lang, pero parehas pa rin tayong nagcocover ng ating kahubaran. Tumingin ka sa iyong orasan na Rolex, ako sa orasan na simple lang, pero hindi naman nagbabago ang oras. Kumain ka ng fried rice at chicken barbecue, ako naman kumain ng locally made food, pero parehas pa rin tayong nabusog.. Sumakay ka sa sarili mong sasakyan, sumakay naman ako sa tricycle minsan jeep o kaya naglalakad, pero pareho tayong nakakarating sa iba ' t ibang destinasyon na nais puntahan. Maaaring binabasa mo ang post na ito mula sa iyong S9, Note9, iPhone 13 pro at tinype ko ito gamit ang aking simpleng cellphone, pero pareho tayong nakakatawag at nakakatanggap ng mensahe.

ANG BUHAY AY HINDI ISANG KOMPETISYON.

ANG KALIGAYAHAN AY HINDI NAGMUMULA SA LAHAT NG BAGAY,

✓Maging MASAYA tayo sa kung anong meron tayo ngayon. (Kasama ang mga Mahal Sa buhay at walang MGA sakit)

✓Walang permanente sa mundo lahat ngbabago, lahat nawawala. Kaya kung anong meron ka ngayon magpasalamat Ka sa panginoon. Lahat ng bagay ay hiram lang maging ang ating buhay...

✓Maging mabuti sa lahat ng walang dahilan.

✓Maging mapagkumbaba.

✓Piliin ang kapayapaan, katahimikan ng puso't isipan.❤️

MINSAN LANG TAYO MAY PAG KAKATAON MABUHAY SA MUNDO. Piliin nating maging masaya at walang tinatapakang ibang tao❤️🤲

THANK YOU LORD 🙏


Ctto.

ME TIME NA MAY KASAMA KA PA DIN

 Yung sa “ME TIME” mo may kasama ka pa din 😂 

Parang anino na di ka nilulubayan 😅 


PERO take heart mga Inay.. 

Hindi forever na ganyan sila ka-clingy at ka-independent. 


These little years will soon pass. 🥺 


Hindi mo na sila masusuot. 

Hindi na sila magpapabuhat. 

Hindi na iiyak pag aalis ka. 

Hindi na matutulog sa tyan mo. 

Hindi na magpapasubo. 

Hindi na magayaya maglaro. 

Hindi na dudumihan ang puti mong damit. 😂 


Everything is momentary. 🥹 


So live with urgency. 

Live with intentionality. 

Savor the moment. 

And smile like this is the “last time”. ♥️


Kita nyo ba smile ko kahit naka-mask??? 😂


Patingin nga ng mga “me time” nyo na may sabit? 😅


ctto.