Tuesday, August 9, 2022

HUSBAND

 Husbands. 


Kailan mo huling pinadama sa asawa ko na mahalaga sya at ang mga pangarap nya? 


Kailan nya huling naramdaman na interesado ka sa mga sinasabi niya. 


Kailan ka totoong nakinig sa kanya? 


Kailan mo huling binitawan ang gadget mo para tulungan siya? 


Kailan ka huling nag-offer na magbantay sa mga anak nyo para man lang makakain siya ng tuknene sa kanto niyo? 


Kailan mo siya huling tinanong kung mahigpit pa ba ang garter ng mga salawal niya? 


Kailan ka huling nag-attempt masahihin siya ng walang kapalit na yugyugan? 


Kailan mo siya huling pinagluto ng paborito niyang ulam? 


Kailan mo siya huling tinitigan at sinabing ang ganda parin niya? 


Kailan mo siya huling niyaya mag-date? 


Kailan ka huling nag-offer maghugas ng pinggan para naman makapagpahinga na siya? 


Kailan mo siya huling kinamusta?


Kailan mo sya huling tinanong kung masaya pa ba sya or kung paano mo sya mapapasaya? 


Kailan ka huling nag-invest sa kanya? 


Kailan mo siya huling pinakilig? 


Kailan mo siya huling binigyan ng pera na pwede niyang gastusin para sa sarili niya? 


Kailan ka huling nag-sorry na nasaktan mo ang damdamin niya? 


Kailan ka huling nagtanong kung paano mo pa sya mas mapaglilingkuran? 


Kailan mo huling nakita na glowing at blooming siya? 


Kailan mo siya huling niyaya mag-pray? 


Kailan? 


Kung hindi ngayon, kailan pa? 


Kung hindi ikaw ang gagawa niyan, sino pa? 


Kung hindi mo alam na dapat mo palang ginagawa ang lahat ng ito, bakit mo pa sya pinakasalan in the first place? 


O baka naman nakalimutan mo lang? 


Okay lang. Pinapaalala ko lang sayo na hindi pa huli ang lahat. 


Malaki ang bahagi mo para maging maligaya, malago at matagumpay ang inyong pag-sasama bilang mag-asawa. 


Mahalin mo sya ng tunay. 

Pahalagahan. 

At unahin sa lahat ng pagkakataon. 


Makikita mo ang magandang epekto sa kany, sayo, sa mga anak mo at sa pamilya nyo. 


Hindi mo pagsisisihang tinarabaho mo ng mabuti ang marriage mo. Sigurado akong pasasalamatan mo pa ang sarili mo in the future. 


Bawi ka na. 

Naghihintay lang siya. 

Wag mo ng hintaying mahuli pa ang lahat.


ctto.

No comments:

Post a Comment