Saturday, November 4, 2023

KAGINHAWAAN SA GITNA NG PAGSUBOK


 𝑲𝒂𝒈𝒊𝒏𝒉𝒂𝒘𝒂𝒂𝒏


Basahin: 2 Corinto 1:3–8


3 𝘗𝘶𝘳𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘰𝘴 𝘢𝘵 𝘈𝘮𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘑𝘦𝘴𝘶-𝘊𝘳𝘪𝘴𝘵𝘰. 𝘚𝘪𝘺𝘢ʼ𝘺 𝘮𝘢𝘢𝘸𝘢𝘪𝘯𝘨 𝘈𝘮𝘢 𝘢𝘵 𝘋𝘪𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘰𝘣. 

4 𝘗𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘪𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱, 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘯𝘢 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘰𝘴 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴 𝘥𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘩𝘪𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱.


Minsan, nang binisita ako ng anak kong si Hayley, nakita ko ang aking tatlong taong gulang na apo na si Callum. Nakasuot si Callum ng tinatawag na “bawal kamutin,” ito ay damit na may mahabang manggas. Ang aking apo ay may sakit na tinatawag na 𝘦𝘤𝘻𝘦𝘮𝘢, isang sakit sa balat na makati, mahapdi at maaring magdulot ng sugat. Ang “bawal kamutin” na damit ang pumipigil kay Callum sa pagkamot at pagsugat ng kanyang balat.


Makalipas ang pitong buwan, nagkaroon din ng 𝘦𝘤𝘻𝘦𝘮𝘢 si Hayley “Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ni Callum. Dapat siguro magsuot na din ako ng “bawal kamutin” sabi ni Hayley.


Nagpaalala sa akin ang sitwasyon ni Hayley ng sinasabi sa 2 Corinto 1:3-5, kung saan sinabi ni Apostol Pablo, “Pinalalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa atin ng Dios ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap. Sapagkat kung gaano karami ang mga paghihirap natin dahil kay Cristo, ganoon din karaming beses niyang pinalalakas ang ating loob.”


Minsan, ipinapahintulot ng Dios na dumanas tayo ng mga pagsubok. Tinuturuan Niya tayong dumanas ng mga paghihirap upang pahalagahan natin ang pinakadakilang paghihirap na naranasan ni Jesus upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, doon sa krus. Nawa’y isipin natin kung kanino pa tayo makakapagbigay ng malasakit kung paanong pinagmalasakitan tayo ng Dios.


𝑷𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒐𝒐𝒏, 𝒃𝒊𝒈𝒚𝒂𝒏 𝑵𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒏𝒂𝒘𝒂 𝒌𝒂𝒎𝒊 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒈𝒊𝒏𝒉𝒂𝒘𝒂𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒈𝒊𝒕𝒏𝒂 𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒔𝒖𝒃𝒐𝒌 𝒏𝒂 𝒑𝒊𝒏𝒂𝒈𝒅𝒂𝒓𝒂𝒂𝒏𝒂𝒏.


Copyright © 2023 Our Daily Bread Ministries, All rights reserved.

No comments:

Post a Comment