Tuesday, June 25, 2024

LET THE WEAK SAY I AM STRONG

 In your weakness, God is strong.  


Si Lord ay interesado sa ating tagumpay. 


Kahit na hindi ka ang pinakamabilis, pinakamalakas, pinakamatalino, pinakamaalam, at pinakamagaling sa natural, maaari ka pa ring pagpalain Niya ng magandang tagumpay kapag umaasa ka sa Kanyang biyaya.


Ang style ni Lord ay kabaligtaran mula sa paraan ng mundo. 


Hindi ba ang sarap matuklasan na habang ang mundo ay tumitingin sa matalino, makapangyarihan, at marangal, si Lord ay hindi? 


Bakit pinipili ni Lord ang mga hangal at mahihinang bagay upang lituhin ang matatalino at makapangyarihang mga bagay ng mundong ito? 


It's so that "no flesh should glory in His presence" (1 Cor. 1:29). 


Pinipili ni Lord ang mga bagay na mahina sa likas upang walang sinumang makapagmayabang sa kanyang sariling kakayahan—always the Glory is for the Lord!


Yung mga mapagmataas at umaasa sa kanilang lakas ng tao na hindi magagamit ni Lord. 


Kaya kapag tiningnan mo ang iyong sarili at nakita mo lamang ang mga kahinaan, umasa ka sa favor ni Lord at alamin na magagamit ka at gagamitin Niya!

No comments:

Post a Comment