Malapit na po ba tayo? Malapit na ba? Wala pa ba? Paulit-ulit na tanong ng anak ko sa akin noong bumiyahe kami ng 16 oras papunta sa Arkansas mula sa Colorado sa bansang Amerika. Kung babayaran lang nila ako sa bawat pagsagot ko sa tanong nila, malamang marami na akong naipong pera.
Gayon pa man, bilang drayber nila ang lagi kong sagot, “Malayo pa pero maghintay lang kayo at makakarating din tayo”.
Hindi lang naman mga bata ang mahilig magtanong ng ganoon, maging tayong mga matatanda na. Lalo na kapag nakakaramdam na tayo ng pagod o sobrang naiinip. At sa iba naman ang mga mataสผy namumugto na sa kaiiyak (Salmo 6:7). Sobrang pagod na sa mabibigat na problema (Tal. 6) na dumarating sa buhay. Problema sa trabaho, pamilya, kalusugan, relasyon at iba pa. Mapapasigaw ka na lang talaga, “Panginoon, kailan po ba ito matatapos?”
Alam ng sumulat ng Salmo ang pinagdaraanan nating lahat. Kaya nga, siya na mismo ang nagsabi at nagtanong nito sa Dios. Tulad naman ng isang magulang, pinakinggan ng Dios si Haring David sa kanyang dalangin at tinugon ito (Tal. 9). Hindi nakakahiya ang pagtatanong. Kaya naman, makakalapit tayo sa Dios nang may buong pagtitiwala sa Kanya. Iiyak natin sa Kanya ang lahat ng ating alalahanin. Maaaring ang sagot ng Dios, “Maghintay ka lang, darating din ang tugon. Magtiwala ka lang sa Akin.”
๐๐ข๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ข ๐ฌ๐ข ๐ฃ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ข ๐ฃ๐ข ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฐ๐ด ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฅ๐ช๐ฏ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ?
- John Blase
๐ซ๐๐๐ ๐จ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ต’๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐. ๐ป๐๐๐๐๐๐๐ ๐ต’๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐.
Our Daily Bread Ministries and our resources
Copyright © 2024 Our Daily Bread Ministries, All rights reserved.