Monday, December 17, 2012

HOW TO BE JOYFULLY SINGLE?


HOW TO BE JOYFULLY SINGLE?
BY HAROLD J. SALA

·        Kung mas maghihintay at mag- iisip ng mabuti ang mga tao bago lumakad papunta sa altar-kasalan, marami ang  hindi na maglalakad papunta rito.
·        Kung nagpakasal ang 2 tao, may dinadala sila sa altar na isang malaking baggage kung saan andun ang mga bagay na related sa heredity, habits, culture, temperament at attitudes nila.  Mas mabuting mag slow down ka muna at alamin kung anong nasa loob ng bagahe na dadalhin ng mapapangasawa mo sa altar.
·        The better you know each other, mas madali ninyong maco- communicate ang nararamdaman ninyo.
·        The sayings of many, “IF I DON’T GET HIM OR HER NOW, I MAY NEVER HAVE ANOTHER CHANCE TO MARRY” –Iyan ay Mali!!! Mayroong isang babae na natutuhan ito in the hard way, she said, “DAPAT MAGHINTAY TAYO KUNG SINO ANG PINILI NI GOD PARA SA ATIN.  HINDI AKO NAGHINTAY, NAGMADALI AKO KAYA HABAMBUHAY AKONG MAGSA- SUFFER.”
·        Ang LovE ay isang decision, isang commitment to care.  Ang real love ay lumalago kapag nababawasan ang ganda dahil sa mga kulubot sa noo at mga puting buhok.
·        Take your time to Fast & to Pray…Iyan na marahil ang pinaka-importanteng advice na makukuha mo if you are looking for a partner.
·        Alam ng Diyos na ang 2 tao na magkapareho ng level ng spiritual commitment ay magkakaroon ng mas malalim na personal relationship (2 Corinto 6:14)
·        Ang mga Common Interests ninyo ang magpapausad ng relationship ninyo.  Merong dapat mga major interests na magkapareho kayo para mabalanse ang mga differences ninyo.
·        Ang pagmamahal ng isang babae ay isa sa mga pinakamatinding motivational factor sa pagbabago ng mga lalaki.  Iyan ang power ng real love.
·        Napapalapit ka ba sa taong iyan dahil may nakikita kang ganda sa kanya na higit pa sa nakikita mo sa panlabas na anyo, at nakikita mong mas nagiging mabuting tao ka kapag kasama mo siya? Nae- enhance ba ng iniisip mong pakasalan ang personality mo? Inilalabas ba niya ang best mula sa iyo? O dine-drain lang niya ang emotional strength at productive energy mo?
·        Kung walang communication, ang love ay dahan-dahang matutuyo at mamamatay.
·        Ang mga lalaki ay generally na nagco communicate galing sa logical o rational na vantage point.  Ang mga babae naman ay nagmumula sa emotional.  Pero sa kanilang dalawa, puwede pang ma-develop ang communication skills nila kung ang desire nilang matuto ay mas matindi kaysa sa pagkakuntento nila o pagpapawalang-bahala sa pagkatuto.

No comments:

Post a Comment