Monday, December 17, 2012

WHAT ON EARTH AM I HERE FOR?


WHAT ON EARTH AM I HERE FOR?
BY: RICK WARREN

·        Minsa’y naligaw ako sa kabundukan.  Nang huminto ako sa isang kampo para humingi ng direksiyon, sabi nila sa akin, “Hindi ka makakarating doon mula rito.  Kailangang magsimula ka sa sa ibang ibayo!”  Gayundin, hindi mo mararating ang layunin ng buhay mo kapag nagsimula ka sa sarili mo.  Dapat kang magsimula sa Diyos- ang iyong Tagapaglikha.  Nabubuhay ka dahil niloob ng Diyos na ika’y mabuhay.  Nilikha ka ng Diyos para sa Kanya at hanggang hindi mo ito nauunawaan, ang buhay ay walang saysay.  Tanging sa Diyos natin matutuklasan ang ating pinagmulan, ang ating pagkakakilanlan o identity, ang ating layunin, ang ating kabuluhan at ang ating kahihinatnan.  Ang lahat ng ibang daan na ating lalakaran ay WALANG LAGUSAN.
·        Si Andrei Bitov, isang nobelistang Ruso ay lumaki sa isang komunistang rehimen at hindi naniniwalang may Diyos.  Ngunit sa isang makulimlim na araw, nakuha ng Diyos ang kanyang pansin.  Kuwento ni Andrei: “Sa aking ika- dalawampu’t pitong taon, habang nakasakay sa metro o tren sa Leningrad (ngayo’y St. Petersburg), ako ay dinaig ng labis na kawalang pag-asa sa sobrang bigat ng pakiramdam ko’y parang biglang huminto ang buhay at ang lahat ng bagay pati na ang kinabukasan ay nawalan ng kabuluhan.  Walang anu-ano’y biglang lumitaw sa aking isipan ang isang ideya: kung walang Diyos, ang buhay ay walang saysay.  Ako ay manghang-mangha habang inuulit-ulit ko ito.  Ang mga salitang iyon ay sinakyan kong tulad ng isang escalator.  Lumabas ako sa metro at naglakad sa liwanag ng Diyos.
·        Wala ng hihigit pa sa lakas ng isang buhay na nakapokus sa isang buhay na may layunin.  Ang mga kalalakihan at kababaihan ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa kasaysayan ng mundo.  Sa katunayan, mas naka-sentro ang kanilang mga buhay kaysa sa karaniwang tao.  Sinabi ni Apostol Pablo, isa sa mga epektibong lider sa Biblia, “Ang ginagawa ko ngayo’y nililimot ang nakaraan at sinisikap na makamtam ang nasa hinaharap.”  Nagawa mo na ba ang ganito?
·        Ako’y naninirahan sa California at mas masasabi kong maraming tao na ang lumipat dito upang maghanapbuhay.  Sila’y galing sa iba’t ibang panig ng daigdig, subalit pinipili pa rin nilang manatiling mamamayan ng kani- kanilang mga bansa, kailangan lang nilang panghawakan ang visitation registration card o ang tinatawag na “green card,” na siyang nagbibigay- permiso sa kanila na makapagtrabaho dito, kahit hindi sila mga mamamayan ng Estados Unidos.  Tayong lahat kailangan ding magdala ng espiritwal na green card para lagi nating maalala na ang ating pagkakamamayan ay sa langit.
·        Ako’y naninirahan sa California at mas masasabi kong maraming tao na ang lumipat dito upang maghanapbuhay.  Sila’y galing sa iba’t ibang panig ng daigdig, subalit pinipili pa rin nilang manatiling mamamayan ng kani- kanilang mga bansa, kailangan lang nilang panghawakan ang visitation registration card o ang tinatawag na “green card,” na siyang nagbibigay- permiso sa kanila na makapagtrabaho dito, kahit hindi sila mga mamamayan ng Estados Unidos.  Tayong lahat kailangan ding magdala ng espiritwal na green card para lagi nating maalala na ang ating pagkakamamayan ay sa langit. By: Rick Warren.
·        Kapag inacknowledge mo si Christ bilang Lord, hindi mo lang sinasabing Siya ay ang Savior at God mo kundi sinasagot mo rin ang issue tungkol sa kung sino ang nagko-kontrol ng buhay mo.  Nagpapailalim ka sa authority Niya at hinahayaan mong patakbuhin Niya ang buhay mo.
·        ANG LAHAT AY NAGSISIMULA SA DIYOS.ITO AY HINDI TUNGKOL SA IYO.ANG LAYUNIN NG BUHAY MO AY HIGIT PA SA KATUPARAN NG IYONG PANSARILING MGA PLANO,KAPANATAGAN NG IYONG ISIP AT KAHIT SA IYONG KALIGAYAHAN.ITO’Y HIGIT PA SA IYONG PAMILYA,PROPESYON,AT KAHIT SA PINAKAMATAYOG MONG MGA PANGARAP AT AMBISYON.KUNG GUSTO MONG MALAMAN KUNG BAKIT KA INILAGAY NG DIYOS SA MUNDONG ITO,KAILANGAN MONG MAGSIMULA SA DIYOS.IKAW AY ISINILANG DAHIL SA KANYANG LAYUNIN AT PARA SA KANYANG LAYUNIN.
·        Ilang libong taon na ring patuloy na hinahanap ng tao ang layunin ng buhay. Ito ay isang malaking palaisipan para sa marami. Madalas kasi tayong mag-umpisa sa maling lugar sa mga sarili natin. Puro makasariling katanungan ang ating pinagkakaabalahan. Halimbawa: "ANO BA ANG GUSTO KONG MAGING?ANO BA ANG AKING MGA HANGARIN,MGA AMBISYON,MGA PANGARAP PARA SA AKING KINABUKASAN?
·        Ang totoo,kung ang konsentrasyon natin ay nasa ating mga sarili lamang,hindi natin matatagpuan ang layunin ng ating mga buhay.  Ang sabi sa BIBLIA: “Ang Diyos ang nagpapalakad sa lahat ng bagay, ang buhay ng bawat isa’y hawak ng Kanyang kamay.”
·        SALUNGAT SA SINASABI NG MARAMING POPULAR NA AKLAT, PELIKULA AT MGA SEMINAR, HINDI MO MATUTUKLASAN ANG KAHULUGAN NG BUHAY MO SA PAGSISIYASAT NG IYONG SARILI.  SIGURO’Y NASUBUKAN MO NG GAWIN ITO.  HINDI IKAW ANG LUMIKHA SA SARILI MO KAYA’T DI MO MASASABI KUNG PARA SAAN KA NILIKHA.  KAPAG IKAW AY BINIGYAN NG ISANG IMBENSIYONG NGAYON MO PA LANG NAKITA, HINDI MO MALALAMAN KUNG PARA SAAN ITO.  HINDI RIN ITO MASASABI SA IYO NG IMBENSIYON.  TANGING ANG IMBENTOR NITO AT ANG OWNERS MANUAL ANG MAKAPAGSASABI SA IYO NG LAYUNIN O GAMIT NITO.TANGING ANG DIYOS ANG NAKAKAALAM KUNG PAANO NATIN MAKAKAMIT ANG TUNAY NA TAGUMPAY NG ATING BUHAY…HUWAG NATING IMBENTUHIN ANG ATING BUHAY.  ANG DIYOS ANG NAG- IMBENTO NITO KAYA DAPAT NATING IPAGKATIWALA ANG ATING BUHAY SA ATING INVENTOR.
·        Maraming tao ang nagtatangkang gamitin lamang ang Diyos para makamtan ang kanilang mga pansariling gawain.  Nais nilang maging personal na “genie” ang Diyos na magsisilbi sa kanilang mga makasariling hangarin.  Ngunit ito’y salungat sa itinakda ng kalikasan at tiyak na hahantong sa kabiguan.
·        Ikaw ay nilikha para sa Diyos hindi ang kabaligtaran.  Ang buhay ay tungkol sa pagpapaubaya mong gamitin ka ng Diyos para sa mga layunin Niya, hindi ang gamitin mo Siya para sa mga layunin mo.  Ang sabi sa Bibliya, “Ang pagkahumaling sa mga bagay ukol laman ay magbubulid sa kamatayan, ngunit ang pagsisikap sa mga bagay ukol sa espiritu ay magbubunga ng buhay at kapayapaan.
·        Bago mo pa naisip ang Diyos, matagal ka na Niyang iniisip.  Bago ka pa mabuo sa sinapupunan ng iyong ina ay may layunin na Siya para sa iyong buhay.  Nagawa na Niya ang plano Niya para sa iyo ng wala ka man lang naiambag! Puwede kang pumili ng propesyon, asawa, mga libangan at marami pang mga bagay sa buhay mo pero hindi mo mapipili ang layunin ng buhay mo.
·        Hindi ka isang “aksidente” lamang.  Ang kapanganakan mo ay hindi isang pagkakamali at ang buhay mo ay hindi bunga lamang ng mga pagkakataon.  Kung hindi man binalak ng mga magulang mo na mailuwal ka sa mundo, hindi ibig sabihin na hindi ka din binalak ng Diyos.  Kumikilos rin ang Diyos sa mga kamalian ng tao at hindi Siya nagulat sa iyong pagsilang.  Ang totoo, hinihintay Niya at inaasahan ito.
·        Hindi biro ng tadhana o kapalaran lang na ikaw ay magkaroon ng hininga sa mga sandaling ito.  Ikaw ay buhay dahil niloob ng Diyos na likhain ka.  Sinasabi sa Biblia, “Tutuparin ng Panginoon ang Kanyang layunin para sa akin.”
·        Itinakda rin ng Diyos ang lahat ng detalye ng iyong katawan.  Sinadya Niyang piliin ang iyong lahi, ang kulay ng iyong balat, ang iyong buhok at ang iba mo pang mga katangian.  Dineseniyo Niya ang katawan mo ayon sa gusto Niya para sa iyo.  Pinagpasyahan rin Niya kung ano ang mga kakayahang dapat ay mayroon ka pati na ang pagkabukod-tangi ng iyong pagkatao.
·        Nakakamangha! Napagpasyahan din ng Diyos kung paano ka ipapanganak.  Kahit ano pa ang mga nangyari noong ikaw ay isinilang o kahit sino pa ang naging mga magulang mo, may plano na ang Diyos noong ikaw ay Kanyang likhain.  Hindi importante kung ang mga magulang mo ay mabuti o masama o sadyang walang pakialam.  Alam ng Diyos na ang 2 nilalang na iyan ang may taglay na eksaktong mga pala-angkanang sangkap.  Taglay nila ang tamang DNA na nais ng Diyos para mabuo ka.  Kung mayroon mang mga magulang na ilehitimo, walang ilehitimo na anak.  Kung may mga anak na hindi binalak ng kanilang mga magulang, ang mga ito ay hindi aksidente sa paningin ng Diyos.
·        Bakit nag-abala ang Diyos sa paglikha ng sandaigdigan para sa atin? Ito’y sapagkat Siya ay Diyos ng pag-ibig.  Ang ganitong uri ng pag-ibig ay mahirap maintindihan subalit lubos na mapagkakatiwalaan.  Ikaw ay nilikha upang maging tampulan ng pag-ibig ng Diyos! Nilikha ka ng Diyos para mahalin Niya.  Ito ang isang katotohanang dapat mong pagbatayan ng iyong buhay.
·        Sa mga sandaling ito, maaaring kontrolado ka ng problema, kabigatan sa buhay, o mahalagang deadline.  Puwedeng kontrolado ka ng isang mapait na alaala ng isang bagay na malimit mong katakutan, o ng isang paniniwalang di mo namamalayang mayroon ka.  May daan-daang mga pagkakataon, mga bahay na pinahahalagahan, at mga emosyong maaaring kumontrol o magpatakbo ng buhay mo.Tayo ay produkto ngating nakaraan pero hindi tayo bilanggo nito.  Ang layunin ng Diyos ay hindi kayang limitahan ng nakaraan mo.  Ginawa Niyang isang pinuno ang isang mamamatay-taong nagngangalang Moises, at ang isang duwag na nagngangalang Gideon ay naging isang matapang na bayani.  Kaya rin ng Diyos ang gumawa ng mga kamanghamanghang bagay sa iyong buhay.  Ang Panginoon ay isang espesyalista sa pagbibigay sa mga tao ng pagkakataong magsimula muli.
·        Makinig ka: Ang mga nanakit sa iyo noon ay hindi na makapipinsala sa iyo ngayon maliban na lang kung patuloy mong panghahawakan ang hapdi ng hinanakit.  Ang nakaraan mo’y nakaraan na! Wala ng makakapagbago dito.  Sinasaktan mo lang ang sarili mo sa pamamagitan ng kapaitan ng loob.  Para sa kapakanan mo, alamin mo kung ano ang matututunan mo sa mapait mong karanasan at pagkatapos ay pakawalan mo na ito.
·        Ang madalas paniwalaan ng tao tungkol sa pera ay ito: kung mas marami ang pera mo, mas magkakaroon ka ng seguridad.  Ito’y mali.  Ang kayamanan ay maaaring mawala kaagad sanhi ng maraming pangyayari ngunit mayroong isang bagay na hindi maaaring agawin sa iyo ninuman- ang iyong RELASYON SA DIYOS.
·        Hindi ko alam ang lahat ng susi sa tagumpay, subalit ang isang susi sa kabiguan ay ang magpumilit na magustuhan ka ng lahat ng tao.  Ang pagpapakontrol sa opinion ng iba ay isang garantisadong paraan para hindi mo makita ang layunin ng Diyos sa buhay mo.
·        Kung wala ang Diyos, walang layunin ang buhay.  Kung walang layunin, ang buhay ay walang kahulugan at kung walang kahulugan, walang kabuluhan at pag-asa ang buhay.Ang pinakamalaking trahedya ay hindi ang kamatayan kundi ang buhay na walang layunin.Ang pamumuhay nang may layunin ay nauuwi sa mas simpleng uri ng pamumuhay at mas matinong iskedyul.
·        Kung wala kang malinaw na layunin, magpapabagu-bago ka ng direksiyon, trabaho, relasyon, simbahan at iba pang mga panlabas na bagay.  Umaasa kang ang bawat pagbabago ay makapapawi sa kalituhan mo o kaya ay makapagpupuno sa kahungkagan ng iyong puso.  Iniisip mo, “Siguro naman ngayon ay mababago na ang lahat.” Subalit hindi nito kayang lutasin ang totoong problema mo- ang kawalan ng pokus at layunin.  Ang sabi ng Bibliya, “Huwag kayong magpakamangmang.  Unawain ninyo kung ano ang nais ng Diyos na inyong gawin.
·        Ang pag-unawa sa iyong layunin ay maghahanda sa iyo para sa kawalang-hanggan.  Maraming tao ang nagbubuhos ng kanilang buhay sa paggawa upang makapag-iwan sila ng isang permanenteng pamana dito sa lupa.  Gusto nilang maalala sila ng mga tao kapag patay na sila.  Subalit ang talagang mahalaga ay hindi ang sasabihin ng iba tungkol sa iyo.  Hindi maunawaan ng marami ang katotohanang lahat ng bagay na nagagawa ng iang tao ay nalalampasan din ng iba.  Ang mga record sa anumang paligsahan ay nasisira din, ang mga reputasyon ay kumukupas at ang mga parangal ay nakakalimutan.Ang mabuhay para makapag-iwan ng isang makalupang pamana ay isang hangaring kapos sa pananaw.  Higit na mabuting ibuhos mo ang panahon sa pagbubuo ng isang pangwalang-hanggang pamana.  Hindi ka inilagay sa lupa para lamang sa iba.  Inilalagay ka rito upang makapaghanda ka para sa kawalang-hanggan.
·        Dito sa lupa, marami kang pagpipilian.  Pero sa kawalang-hanggan, dadalawa lang ang pagpipilian mo: Langit o impiyerno.  Ang kaugnayan mo sa Diyos dito sa lupa ang siyang magiging batayan ng kaugnayan mo sa Kanya magpakailanman.  Kung matututo kang umibig at magtiwala sa Anak ng Diyos na si Jesus, ikaw ay maiimbitahang makapiling Niya magpakailanman.  Pero kung tatanggihan mo ang Kanyang pag-ibig, pagpapatawad at kaligtasan, mahihiwalay ka sa Diyos magpakailanman.
·        May 2 klase ng tao: ang mga nagsasabi sa Diyos ng, “mangyari nawa ang kalooban Ninyo.” Ang at mga sinasabihan ng Diyos ng, “Sige, bahala ka, sundin mo ang gusto mo.” Ang masaklap, maraming tao ang magtitiis na mabuhay ng hiwalay sa Diyos magpakailanman.  Ito’y dahil pinili nilang mabuhay sa lupa ng hiwalay din sa Kanya.
·        Kapag ikaw ay nabuhay sa liwanag ng kawalang-hanggan, ang mga pinahahalagahan mo ay mababago.  Gagamitin mo ang iyong oras at salapi sa mas tamang paraan.  Bibigyan mo ng mas mataas na halaga ang karakter at pakikipag- ugnayan sa iba, kaysa sa katanyagan, kayamanan, ang pag-ani ng tagumpay at karangalan o kahit ang simpleng pagpapakasaya.  Magkakaroon ng pagsasaayos sa iyong mga prioridad.  Ang pagsunod sa uso at pati sa mga popular na pagpapahalaga o values ay hindi na masyadong magiging importante sa iyo.  Minsan ay sinab ni Apostol Pablo: “Gayunman, ang mga bagay na sa akin ay naging pakinabang ay inaari kong kalugihan alang-alang kay Kristo.”
·        Ang kamatayan ay kapanganakan sa kawalang-hanggan. Para magamit mo ang iyong buhay sa pinakamahusay na paraan, may 2 katotohanang di mo dapat kalimutan.  Una, kung ihahambing sa kawalang-hanggan, ang buhay ay sadyang napaka-igsi.  Pangalawa, ang lupa ay isang pansamantalang tahanan lamang.  Hindi ka magtatagal dito kaya’t huwag mo masyadong ibigin ang mga bagay sa mundo.  Hingiin mo ang tulong ng Diyos para maunawaan mo ang buhay ng katulad sa pagkakaunawa Niya dito.
·        Ang tunay nating pagkakakilanlan (o identity) ay nasa kawalang-hanggan, at ang bayan natin ay ang langit.  Kapag lubusan mong napanghawakan ang katotohanang ito, hindi mo na pagkakaabalahang angkinin pa ang lahat ng puwede mong angkinin dito sa lupa.  Diretsahan tayong pinagsabihan ng Diyos na ang mabuhay para sa kasalukuyan lamang ay mapanganib.  Gayundin, ang pag-ayon sa mga makalupang pagpapahalaga, sa mga prioridad at istilo ng pamumuhay ng mundong nakapalibot sa atin.  Kapag nakikipaglaro tayo sa tukso ng mundo, tinatawag ito ng Diyos na pangangalunyang espiritwal.  Ang sabi ng Biblia, “Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag kinaibigan ninyo ang sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Kaya’t sinumang nagnanais na maging kaibigay ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos.
·        Mawawala lamang ang interes natin sa mga makamundong bagay kung mauunawaan natin na ang buhay dito sa lupa ay isang pagsusulit, isang pagtitiwala at pansamantalang gawain lamang.  Tayo’y naghahanda lang para sa isang higit na mabuting bagay.
·        Dahil sa ang mundong ito ay hindi nga maituturing na permanenteng tahanan ng mga tagasunod ni Jesu-Cristo, narararanasan nila ang maghirap, maghinagpis at maitakwil.  Ito rin ang paliwanag, kung bakit ang mga pangako ng Diyos ay parang hindi natutupad , ang ilang mga panalangin ay waring walang tugon, at ang ibang mga pangyayari sa buhay ay parang di makatarungan.  Hindi dito nagtatapos ang kuwento.  Para maturuan tayong huwag kumapit sa mga makamundong bagay, hinahayaan ng Diyos na maranasan natin ang kawalang-kasiyahan at pagiging di-kuntento sa buhay.  Ito rin ay upang makita natin na ang pinakaaasam nating mga bagay ay hindi natin puwedeng makuha sa buhay na ito.  Tayo’y hindi lubos na maligaya sa mundong ito sapagkat hindi talaga dapat! Ito ay hindi natin tahanan.  Tayo ay nilikha para sa mas maganda pang bagay.
·        Dahil ang isda ay nilikha para sa tubig, hindi ito magiging masaya kapag pinatira mo ito sa lupa.  Ang agila man ay hindi masisiyahan kapag pinigilan mo ito sa paglipad.  Kailanman ay hindi ka mabibigyan ng ganap na kasiyahan ng mundong ito dahil nilikha ka para sa higit pa rito.  Puwedeng magkaroon ka ng maraming maliligayang sandali sa buhay na ito, pero ang mga ito ay hindi maihahambing sa inihanda ng Diyos para sa iyo.
·        Sa mata ng Diyos, ang mga pinakadakilang bayani ay hindi ang mga nagkamit ng kasaganaan, tagumpay o kapangyarihan sa buhay na ito kundi ang mga tumuturing sa buhay na ito bilang pansamantalang destinasyon lamang.  Sila’y tapat sa paglilingkod at umaasang makakamtan ang ipinangakong gantimpala sa kawalang-hanggan.
·        Kapag hindi mo pinili ang buhay na ininaalok sa iyo ng Diyos, magiging katulad ka ng karamihan na namamalagi sa mundo nang walang kabuluhan.  Ang tunay na buhay ay nagsisimula sa pagbibigay mo ng iyong sarili kay Jesu-Cristo.  Kung hindi ka siguradong nagawa mo na ito, ang tanging dapat mong gawin ay ang tumanggap at manalig sa panahon na ito, nasaan ka man ngayon, inaanyayahan kitang iyuko ang iyong ulo at ibulong ang panalanging magbabago ng iyong pangwalang-hanggang  hantungan.  “Jesus, ako’y nananalig sa Iyo at tinatanggap kita.  Salamat sa pagkamatay mo sa Krus para sa aking mga kasalanan.  Sa kaparaanang alam ko, inaanyayahan kita na pumasok sa buhay ko at tulungan akong mas makilala ka, pagtiwalaan ka, at mahalin ka.” Sige gawin mo na! kung taus-puso ang iyong panalangin ay binabati kita! Magiliw ka naming tinatanggap sa pamilya ng Diyos! Ngayon ay handa ka ka upang tuklasin ang layunin ng Diyos para sa iyo at magsimulang mabuhay para dito.


No comments:

Post a Comment