Friday, January 1, 2016

FI-BDAY FITZ!:)

Ang buhay talaga ay puno ng kulay.

Oo o hindi?

Oo :D

Bakit?

Dahil sa iba’t iba at maraming pagkakataon. Sabi nga sa isang patalastas, “makulay ang buhay sa sinabawang gulay!”

O di ba, kumain ka lang ng sinabawang gulay, kukulay na ang buhay mo.         

Ang buhay ay kumukulay di lang sa kagalakang nadarama mo kapag nakakamit mo na ang pangarap mo at nabibili mo na ang lahat ng nasa listahan mo. Kumukulay din ito kapag dumaranas ka ng pansamantalang kabiguan o magdamag na pagluha bunga ng maling desisyon at maling pagkakataon.

Ngunit…

Maniwala ka, kagaya ng paniniwala ko na pagkatapos ng masalimuot na pagkakataon ay pagkatuto. Pagkatapos ng pagkatuto ay muli kang maniwala na mayroong mga bagong tao at bagong pagkakataon na darating.
#makulaynabuhaypamore:D

Minsan pa nga, kumukulay ang buhay kapag nakakabasa ka ng isang libro na may mahusay na pagkakasulat. O di kaya nakakabasa ka ng isang blog na nakakatuwa ang pagkakalarawan. O kaya naman nakakabasa ka ng isang munting fb post ni FitzGerardVillafuerte na nakakaaliw ang pagkakalahad.
#makulaynabuhaypamore:)

At siyempre…

Mas kukulay ang buhay kapag marunong kang magpasalamat sa grasya ng Diyos at sa biyayang binubuhos Niya sa pamamagitan ng mga taong nagdadagdag kulay sa pang-araw-araw na buhay.
#buhaymakulayhashtag=)

Kaya kung ako sa’yo, simulan mo ng magpasalamat, kagaya nito…

“O Diyos, salamat po sa makulay na buhay.
Salamat din po sa grasya mong di maawat-awat.
Salamat rin sa sa mga taong ginagamit Mo
Upang dagdagan ang kulay na Iyong ikinulay.
Amen.”

HAPPY BIRTHDAY FITZ.
Thank you so much…
God bless you.


Written by cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment