Friday, January 1, 2016

HBD ATE BESTIE!


Masayahin. Makulit. Palatawa, taklesa. Palakaibigan.
Iyan ang kaibigan ko.
At iyan ang dahilan kung ba’t type ko sya maging kaibigan.
(Puro kaibigan words noh? :D

Nakilala ko siya taong 2013. Nalimutan ko na kung anong exact month. (sana naalala pa niya, ehehe.) I think month of July or so on. Dahil sa kaibigan niya yung guy na yun na kapag tumawa ay kita ngalangala, este, dahil kaibigan niya si KuyaMark na kaibigan ko rin kung ba’t ko sya nakilala. Ni-refer ako ni KuyaMark sa kanya, baka sakali daw na makatulong siya sakin sa transcription, at totoo nga! Malaking tulong nga!

Dapat pala bigyan ko ng referral bonus si KuyaMark worth condo unit penthouse with 10 bedrooms!

Bago ko na-1st meet ang babaeng ito na tumalo sa kagandahan ko, I mean, bago ko na-1st meet ang woman of God na ito na ubod ng bait ay  naka-chat ko muna sya ng maraming beses sa fb. Diyan nagsimula ang palagayang-loob. (ganun talaga, nauso na ang social sites ih, ehehe.)

Hanggang 1 day, we plan to meet (parang eyeball, dating magka-txtmate lang, hahahaha!)

Una ko syang na-meet noong December 17, 2013, sa bday service ng aming Tatay Apostol sa C21. Super excited ko that time. Feeling ko kasi I will meet the award-winning Miss Universe, the most beautiful and lovely, gorgeous and sexiest woman on earth.

At na-meet ko siya. Without her knowing, ansaya-saya ko talaga that time, kasi hindi lang mala-Miss Universe ang dating niya kundi higit pa doon ang nakita ko. Isa siyang tunay na babae ng Diyos. Nagliliwanag ang mukha. For me, she is an end-time Hannah who is willing to sacrifice everything she has for the kingdom of God’s sake.

Dahil ako ang panganay sa aming magkakapatid, ito ay nagpapatunay na ako ang pinakamaganda at pinaka-cute sa lahat ng mga kapatid kong babae. Joke lang yan! I mean, dahil ako ang 1st born, itinuring ko siyang isang “tunay na ate.” Alam kong marami akong nagawang failures in the past at alam niya iyon, pero never akong nakarinig sa kanya ng mga words na magiging reason para umiwas ako sa kanya, lumayo at maging mailap. If ever man na ma-offend niya ako in words, kasi isa siyang tactless and fearless woman na siya rin namang hinahanggan ko sa kanya; if ever man na ma-hurt nya ang damdamin ko, I believe na di ko pa rin kayang mawala siya sa life ko. (Parang maalaala mo kaya… Dear Tita Charo) Our friendship is one of a kind. Isang bond of friendship na upto langit ay aming maaalala forever! (O di ba, puwede ring wish  ko lang ang dating)

Sabi ko nga kay Kuya Mark, patawanin niya si ate palagi kasi taga-chapter na ako ih, ehehe.

Guess who?
Siya si Almina H. Malabanan.

Ate ko, Happy Happy Happy Bday. Isa lang naman ang gusto kong regalo na matanggap. Gusto ko yung ano, yung… joke lang :D Ate, corny man kasi parehas tayong girl eh I LOVE YOU pa rin. Marami ko ng beses yan nasabi sa guy, mga nakalipas na pag-ibig, hahaha, pero minsan expression na lang yun para lang may masabi at magpa-impress, pero yung I LOVE YOU na nais kong ipadama sayo is not just an expression. It’s all natural, fresh, sweet, imported from London, made from the finest fruits! It’s nestea lemonade!

I mean, ate I LOVE YOU. It’s true, I mean it, from the bottom of my heart. Magsipag- fulltime man ang lahat ng anak mo, at isama na natin ang husband mo (yes prophecy) at ang nanay mo na rin (para family salvation package deal), andito lang ako para gumawa ng blog to encourage you na that’s normal lalo na sa isang ina na gaya mo na talaga namang all out sold out sa Lord. Di man na ko fulltime, alam na alam ko na there is no higher calling and no greater honor than to serve God fulltime in the ministry. Pag nagkaanak ako, I will push her too na gawin ang ginawa ko at siya namang ginawa ng anak mong si Joshua ngayon : )

I love you ate Mins. BFF ah. BestFriends Forever! Hapibday poh: )


Written by cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment