Thursday, June 2, 2016

MABUTI ANG DIOS

Ang muog para sa naaapi ay ang Panginoon, isang muog sa magugulong panahon.
-Awit 9:9

Noong misyonero pa sa Aprika ang aking bayaw, nakaaksidente siya. Nakasakay siya noon sa kanyang motorsiklo nang tumawid ang isang lalaki.  Nabangga niya ito at dumulas siyang kasama ng motorsiklo. Sa ospital masuwerte siya’t hindi siya namatay. Sabi ng aking bayaw, “Mabuti ang Dios.”

Nang araw na iyon, pinag-isipan ng aking bayaw ang nangyari. Walang masyadong pinsala ang nabangga niya at gagaling naman ang aking bayaw. Naisip ng bayaw ko na kahit namatay ang isa sa kanila, hindi naman ibig sabihin na hindi mabuti ang Dios.

Kapag may nararanasan tayong trahedya, maaaring isipin natin kung mabuti ba talaga ang Dios. Itinuturo ng Biblia na anuman ang mangyari sa atin, mabuti pa rin ang Dios. Hindi Siya nangakong walang masamang ,mangyayari sa atin, pero ipinangako Niya na Siya ang ating magiging “kanlungan at kalakasan” (Awit 46:1). Hindi Niya ipinangako na wala tayong mararanasang mga malulungkot na mangyayari sa ating buhay, pero ipinangako Niya na sasamahan Niya tayo (Awit 23:4).

Mahirap man intindihin, masasabi rin natin ang sinabi sa Habakkuk 3:18 na masaya pa rin tayo dahil ang Dios ang nagligtas sa atin.

By: Cindy Hess Kasper

“Sa mga taong mukha ng Dios ay nais masilayan,
Masdan at damhin ang kanyang kabutihan;
Nagtitiwala sa Kanya’y iniingatan Niya,
Umaasa sila sa Kanyang biyaya.”


SINUBOK NG DIOS ANG ATING PANANAMPALATAYA PARA MAGTIWALA TAYO SA KANYANG KATAPATAN.

No comments:

Post a Comment