Panginoon, kanino pa po kami pupunta?
Kayo lang ang may mensaheng nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
-Juan 6:68
Ang isa sa mga pinakamahirap na
nagawa ko bilang isang Pastor ay nang aking ipaalam sa aming kasamahan na
nalunod ang kanyang asawa, anak at biyenan. Alam kong guguho ang mundo niya
dahil sa nangyari.
Nang mga sumunod na araw pagkatapos
ng malagim na trahedya, humanga ako sa pagharap o pagtugon ng babae at ng
kanyang pamilya sa Dios. Siguradong nasaktan sila, pero kahit hindi nila
naiintindihan kung bakit ito nangyayari
sa kanila, nagtitiwala pa din sila kay Jesus.
Nagpapaalala ito sa akin ng naging
damdamin ng mga sumusunod sa Panginoong Jesus noon. Nang hindi nila
maintindihan ang mga sinasabi ni Jesus, iniwan Siya ng ilan sa mga ito.
Tinanong ni Jesus ang kanyang mga alagad, “Ibig din ba ninyong umalis?” Maganda
ang isinagot ni Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Kayo lang ang may
mensaheng nagbibigay ng buhay na walang hanggan” (Juan 6:66-68).
Anuman ang problema mo ngayon,
alalahanin ang kasamahan naming namatayan at ang sinabi ni Pedro para lumakas
ang iyong loob. Sa pagtitiwala natin sa Panginoong Jesus, matatagpuan natin ang
biyaya’t kalakasan na ating kailangan.
By: Joe Stowell
“Si Jesus
ang nararapat nating lapitan,
Kapag
nalulungkot at nasasaktan;
Gabay at
lakas, ikaw ay bibigyan;
Mayroon pang
dagdag na kapayapaan.”
KAPAG NAWAWALAN NG PAG-ASA, LUMAPIT
KAY JESUS AT BIBIGYAN KA NIYA.
No comments:
Post a Comment