Habang nilalagyan ko ng facial mask
ang aking mukha, naawa ako ng makita ko ang aking mga kamay na palagi kong
pinapapangakuan na lalagyan ng kyutiks. Mas maraming trabaho ang mga kamay pero
mas kinakasipagan kong alalahaning pagandahin ang mukha dahil ito ang madalas
makita.
Habang nagre-relax ang mukha ko sa
facial mask, naisip ko bigla ang mga blogger na nagse-send sa gmail ko ng
kanilang mga post. Marami sa kanila ang talaga namang lubos na nagpapala sa
buhay ko, ‘di lang sa akin kundi marami silang tinatrabahong pagta-type sa
keyboard ng mga ideya upang ibahagi sa maraming tao. Pero hindi ko madalas
alalahaning magpasalamat sa kanila dahil ang atensiyon ko ay napupunta lang sa
pagbabasa ng kanilang blog. Parang hindi naman yata makatuwiran na ang mga gumagawa ng
magagandang bagay ay hindi napapasalamatan.
Makalipas ang 30 minuto, tinanggal ko
na ang facial mask at hiniram ang manicure and pedicure set ng kapatid ko.
Kasabay nito ay ang pangakong sa kaarawan ng favorite blogger ko ay
pasasalamatan ko siya ng sobra-sobra.
“Maraming,
maraming, maraming salamat po O Dios
Sa buhay ng
favorite blogger ko;
Maraming,
maraming, maraming salamat po kuya Fitz
Sa kamay na
inialay para magpala sa marami.”
MALIGAYANG ARAW AT PINAGPALANG WALANG
PATID ANG SUMAIYONG KAARAWAN : )
-yna
cabreraflorina.blogspot.com
No comments:
Post a Comment