Sabi ng marami: The Husband leads the
wife, the wife submits..
Dagdagan natin kasi parang kulang:
God leads, both of them submits..
Hindi biro magmahal ng taong opposite
sayo. Ang Dios lang ang may kayang gawin ito. Hindi biro makisama sa isang tao
na iba sayo. Ang Dios lang ang may kayang gawin ito.
Kaya nga, pareho dapat may personal
na relasyon sa Dios. Parehong marunong making, parehong marunong sumunod.
Kapag nagsalita ang Dios, pareho
silang makikinig. Kapag nagdesisyon Siya, pareho silang papayag. Kapag may
inutos Siya, pareho silang susunod. Kapag nilagay Niya sa pagsubok, pareho
silang lalaban.
Walang aangat sa isa’t isa kasi ang
Dios ang bida. Wala ring hindi maaayos ng problema dahil Siya ang bahala.
Kaya kung may mapapangasawa ka, iyong
mahal ang Dios at susunod sa Kanya. Kasi di mo kakayaning mag-isa. Kailangang
kasama Siya.
Piliin mo yung papapasukin ang Dios
sa relasyon niyo kasi Siya naman ang author ng istorya niyo. Piliin mo yung
maglilingkod kasama mo at gagawin ang purpose ninyo ng todo.
Piliin mo yung marunong makinig sa
direksyon ng Dios, yung kapag sinabi niya ay papayag ka na lang dahil sinabi
rin pala ng Dios sayo.
Manghihina, magkakaproblema,
maghihirap, pero okay lang kasi solid naman ang tandem ninyong TATLO.
Tandaan, there is no perfect
marriage/relationship. Only a perfect God. Make God the centre of it. A couple
will stay longer if God is the centre..
God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment