Friday, May 4, 2018

ORASAN


Ang tanging bagay na naaalala ko noong tayo ay ang orasang kaloob mo.
Ang orasan na kung saan ang oras para sa ating dalawa lang nakalaan.
Sa bawat galaw ng kamay nito inaalala ko ang mga Segundo at oras na masaya tayo.
Pero naaalala ko rin na ang kamay nito’y tatlo gaya ng nangyari sa atin nang siya’y makigulo.
Para kaming nasa fiesta na magkasalo sa iisang rekado.

Sa tuwing paghabol ko sa’yo ako’y pinapansin mo.
Pero bakit noong ako’y huminto upang magpahinga ay iniwan mo rin agad.
Na para nga bang ang dali ng lahat at ang paglimot sa nakaraan nating buhat.

Lahat ng oras sa orasan ay inilaan ko para sa’yo.
Pero bakit sa pagmamahalan natin parang ang bilis mo sumuko?
Hindi mo man lamang napapansin yung sakripisyo at hirap na ginawa ko.

Sa pagtingin ko sa orasang nakasuot sa kamay ko.
Nakikita ko ang samahang dating tayo.
Ang mga kamay nito na para bang naghahabulan para maabot ang isa’t isa.
Ang katawan nito na bilog na para bang mundo nating dalawa.
At ang numerong naging sukat kung gaano tayo kasaya.

Para na akong isang orasang naghihingalo.
Malapit ng maubos ang baterya ko.
Nagdadalawang isip kung tutuloy sa paggawa o hihinto.
Ngayon ang natira nalang sa akin ay ang orasang ito,
Sana maging masaya ka sa mundong pinili mo.

Sa panulat ni: AARON REI BERNAS

God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment