Friday, February 4, 2022

GOD'S APPROVAL

"Anak, ang approval pa rin ng Diyos ang pinakamahalaga. Kung pakiramdam mo ay hindi kayang iappreciate ng tao ang ginagawa mo,  nakakasiguro naman ako na iappreciate ng Lord ang kabutihan mo. Katunayan, hindi naman natin kailangan ang appreciation ng tao dahil sa Diyos tayo naglilingkod at sa Diyos din tayo magsusulit. Higit sa lahat, hindi tayo dapat gumawa ng mabuti para sa ikaluwalhati ng ating mga sarili kundi gumagawa tayo ng kabutihan para sa ikaluluwalhati ng Diyos."


"So whether you eat or drink, or whatever you do, do it all for the glory of God." - 1 Corinthians 10:31

No comments:

Post a Comment