"UNANG PAG-IBIG"
Naaalala mo pa ba?
Noon ang sabi mo "LORD AKO'Y MAGLILINGKOD SAYO"
kahit anong mangyare," kahit mahirap kakayanin, hinding-hindi ako bibitaw,
kinakanta mo lagi,
"I have decided to follow Jesus, no turning back"?
Pero bakit ngayon tila nagpatangay ka ulit sa agos ng mundo.
Marahil nadisappoint ka, nadiscourage ka, naulanan ka ng napakaraming problema, nandyan yung pang-uusig kaya nanghina ka, nagsawa ka, napagod ka, sumuko ka, huminto ka. Hanggang sa unti-unti,, unti-unting lumalayo nang lumalayo....hangang sa bumitaw ka🥺
Nawala yung commitment mo, tuluyan nang nilamon ng lamig yang pananampalataya mo,
nawala yung intimate na relationship mo kay Kristo, Nakiayon ka ulit sa takbo ng mundo, gusto mo nang bumalik..... Subalit sadyang kinakabig ng karimlan ang iyong mga paa, at hinihila ka patungo sa kadiliman at kawalan ng pag-asa.
Alam ko, alam kong namimiss mo na rin yung dating ikaw.
Dating ikaw na sabik na sabik sa pagbabasa ng Bibliya, dating ikaw na masigasig sa pagshishare ng Salita Niya, Dating ikaw na gagawin ang lahat para lang sa Kanya.
Aminin mo man o hindi...
Kaya ka lang naman Nahihirapang bumalik,, kasi pakiramdam mo, wala kanang mukhang ihaharap. Nahihiya ka lang lumapit sa Kanya dahil pakiramdam mo,,,,, sobrang dumi mo na.
Pero alam mo ba na may gusto Siyang sabihin sayo?
Na kahit sobrang layo mo na sa kanya kapatid.
Na kahit sobrang dami na ng kasalanang niyakap mo ulit.
Nais Niyang bumalik ka, Hindi para isumbat sayo yung mga mali mo, kundi para muli Siyang magpakilala sayo.
Nais Niyang itama yung daan na tinatahak mo kasi naliligaw kana.
Nais Niyang bumalik ka kasi,,, kasi anak ka Niya.
Nais niyang ipaalala sayo na sa iyong paglalakbay kapag naliligaw kana , bumalik ka sa daan kung saan ka nagsimula..bago pa dumating sa punto na lunurin ka ng napakaraming problema,, hanggang sa hindi mo na maihakbang ang iyong mga paa pabalik sa Kanya.
Nais Niyang mapabuti ka, Nais Niyang tuparin ang pangako at plano Niya sa buhay mo. Kung maaaring magsimula ka ulit sa umpisa yan ay gawin mo. Upang maipagpatuloy mong muli ang sinimulan mong laban, wag Kang aatras,wag kang susuko, wag Kang panghihinaan, dahil kailanman ni Hindi ka Niya pinabayaan,
Bangon kana mula sa pagkadapa, at harapin ang kasalukuyan na may matibay na pananampalataya.
Takbo kana ulit sa Panginoon 🥺
Balik ka na, Kapatid, Miss na miss kana Niya.
No comments:
Post a Comment